Chapter 44. Ritchie Huling Yugto

2.1K 110 1
                                    

*Tonio POV*

Ang kakahuyan ngayon wala na si tonio panahon na siguro upang bumalik roon.

Kagaya nang ginawa ni tonio di naman masama na mamatay para sa mga ipinaglalaban

Ang una kong hakbang papasok sa kakahuyan nanumbalik ang mga alaala na parang kahapon lamang nagyari

Kumirot nang bahagya ang likod ko kung saan ako tinamaan nang pana

Patuloy lang ako sa paglakad mabagal pinapakiramdaman ang paligid sa bawat hakbang

Isang kaluskos ang ang nagmula sa malaking matandang  puno

"Ikaw tikbalang ano ang iyong kailangan sa kakahuyan na ito"

Biglang gumalaw ang mga baging nito at mabilis na dumarating sa aking kinatatayuan

Kumaripas ako nang takbo malaki na ang pinagbago at nag iba na ang mga bantay nang kakahuyan

"Nakasalubong mo rin pala yung punong tuod"
Sabi ni alex

"Tuod pala ang puno na iyon nakatakbo ba kayo nang mabilis?"
tanong ko sa kanila

"Wala na natalo na  namin sila"
Sabi ni alex

"Sila? kung gayon pati narin ang iba pang bantay"
gulat na tanong ko

Tumango lamang si anna

"Oo naman kaw ba nahirapan kabang kalabanin sila?"
sabi ni alex

Kung gusto mong malaman pakinggan mo nalang ang mga sumunod na nangyari

Mabilis akong tumatakbo at di ko na alam kung saan direksyon na ang aking tinatahak makatakas lamang sa mabibilis na baging na humahabol sa akin

Isang kubo mula sa malayo ang aking natanaw huminto ako roon at nagpahinga sa pagod na aking inabot

Bahagya pa lamang napapawi ang aking pagod ay lumabas mula sa pintuan ang isang napakalaking nilalang at nanlilisik ang tingin nito sa akin

Mabilis akong kumaripas muli nang takbo ngunit masyadong makulit ang malaking nilalang at ayaw nyang sumuko sa paghabol

Hanggang isang haliging lupa ang nakaharang sa daanan mabilis kong pinigilan ang aking pagtakbo

Ngunit ang malaking nilalang ay patuloy lang sa pagtakbo habang bumangga ito sa pader

Yun ang aking naging tyansa upang makatakas sa kanya

Pagod na pagod kong pinagpatuloy ang aking paglakad hanggang mapadpad ako sa isang ilog

Uminom ako at kahit papaano ay napawi ang uhaw na aking nararamdaman

"Kumusta ka kabayo?"

Mula sa aking likuran isang babae na may kagandahan ang humipo sa aking katawan

"Napagod kaba sa mahabang paglalakbay halika at tulungan ka namin magpahinga"
Muling sambit nang binibini

Anong nangyayari sa akin at unti unti akong lumulutang mula sa kalupaan

Di ko namalayan na buhat buhat na pala ako nang isang nilalang na animoy isang paniki

Di ako nagkakamali mga engkanto sila at tagasunod nang mga engkantong itim at ni haring haydis

Inangat ako nito hanggang sa makarating sa makakapal na ulap sa himpapawid

"Subukan mong lumipad tikbalang"

Sabay bitaw sa akin

Malakas ang sigaw ko habang mabilis na bumabagsak patungo sa aking kamatayan

Nang isang mabilis na nilalang ang dumaan sa aking ibaba nasampa ako mula sa kanyang likuran

"Ayos ka lang ba?"
tanong sa akin nang misteryosong nilalang

Mabilis kaming lumilipad sa himpapawid hanggang pumasok sa isang kweba

Isang bakunawa...

Nagbagong anyo ito at nag-anyong tao

"Ako nga pala si baku ikaw sino ka? at ano ang iyong pakay?"

"Maraming salamat nga pala sa paligtas mo ako nga pala si ritchie nais kong bumalik sa kaharian"

"Hangal maraming mga engkanto ang nais makatakas pero ikaw nais mong bumalik"

"Nais kong ipagtangol ang aking mga kalahi"
medyo nagtaas ang aking boses sa aking pagkakasigaw

"Kung gayon dati kang mamamayan nang kaharian"
tanong ni baku sa akin

"Ang aking ama na si Archie ay ang pinuno nang pangkat nang mga tikbalang kumusta na nga pala ang aking ama?"

"Archie matapang syang namatay ikinalulungkot ko ang pagkawala nya"
Malungkot na wika ni archie

"Ganon ba"
Nalulungkot kong sabi

"Bakit di mo pamunuan ang inyong lahi at tapusin ang sinimulan nang iyong ama"
Mungkahi ni baku

Sinunod ko ang mungkahi ni baku nag-umpisa akong maghanap nang mga tikbalang na may hangarin nang sa akin hanggang mapalaki ko ang aking lupon at maging isang ganap na pinuno

Hinahanda ang aming sarili para sa takdang oras nang aming paglaban at ngayon na ang panahon na yon...

"Kung gayon hinihintay nyo lang ako"
sabi ni alex

"Oo yun ang nakasulat sa propesiya"

"PROPESIYA?"

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now