Chapter 77. Talo O Panalo

1.8K 98 5
                                    

Malakas ang hangin na dumarating sa likuran ni Al tila tinutulak sya nito gayundin ang gamit nyang bangka

Mabilis nyang sinagwan ang bangka sa abot nang kanyang makakaya malaki ang naging lamang nya sa kanyang kalaban

"Hoy berde ano pang ginagawa mo"
wika nang isa sa mga tsokoy

"Wag kang mag-alala mabilis nga sya pero hindi nya maiiwasan ang mga sopresa na darating sa kanyang daraanan"

Maganda ang daloy nang alon mabilis ang takbo nang bangka na sinasakyan ni Al

May natanaw mula sa malayo si Al mga sanga na nakaharang sa ilog

Sinubukan nyang iwasan ang nakakalat na mga sangga pero sumabit parin sya dito

Hinampas nya nang sagwan ang mga sangga pero hindi parin sya makaalis mula roon

"Bata ano hanggang dyan ka nalang ba? paano bayan mauna na ko"
sabi ni berde kasabay nang malakas ba tawa

Mabilis na lumangoy ang kanyang kalaban samantalang sya ay naiwan

Nang tuluyang matanggal ni Al ang mga sangga na sumabit sa kanyang bangka ay mabilis na syang humabol

Halos paliparin ni Al ang gamit nyang bangka mahabol lamang ang tsokoy nyang kalaban

Nagulat si berde nang matanaw sa malayo si Al na mabilis na dumarating

Humaharurot ito at nasagaan sya nito nahilo si berde

"Na hit and run ako!"
Nagalit si berde at mabilis na hinabol si Al

Binigay na ni berde ang lahat nang kanyang makakaya mabilis nyang hinahabol si Al sumisid sya sa tubig at umilalim sa bangkang sinasakyan ni Al

Gamit ang matatalim nyang mga kamay ay binutas nya ang bangkang sinasakyan ni Al

Mabilis na pinasok ang bangka at unti unting lumulubog

Lumutang si berde at pinagmasdan si Al na mabilis na lumulubog ang sinasakyan

"Hahaha ano na bata paano bayan?"

"Mandaraya ka!"

"Wala naman sa patakaran na bawal sirain ang bangka nang kalaban paano dyan kana siguradong panalo na ako"

Wala nang nagawa si Al kundi ang iwanan ang bangkang sinasakyan nya

"Sinuman po ang may-ari nang bangka patawarin nyo po ako"
wika ni Al sabay talon sa tubig

Kumapit sya sa likuran ni Berde at isinabit ang dalawang kamay nya sa leeg nito

"Anong ginagawa mo sa likuran ko"

"Wala naman sa patakaran na bawal tong ginagawa ko"

Sumisid pailalim si Berde upang lunurin si Al

"Ngayon hindi mo kayang matagalan ang hindi paghinga sa ilalim nang tubig"

Dahil nauubusan na nang hangin sa katawan si Al lalong humigpit ang kapit nang mga kamay nya sa leeg ni Berde at nasakal ito

Pareho silang hindi makahinga mabilis na humahon si Berde

Lumuwag ang kapit ni Al kay berde

"Umalis kana sa likuran ko"
nagpupumiglas ni Berde kay Al

"Ayoko hindi ako marunong lumangoy"

Kinagat ni Al ang balikat ni Berde sa sakit na naramdaman nito ay mabilis na lumangoy ang tsokoy

"Ahhhh! Aray!"
malakas na sigaw ni berde habang mabilis na lumalangoy

Lalong ibinaon ni Al ang ngipin nya sa balikat ni berde natatanaw nya na ang dulo nang ilog

Tinangal nya ang pagkakagat sa balikat nito gamit ang paa nya itinapak nya iyon sa likuran ni berde at malakas na tumalon para maunang makarating sa dulo nang ilog

Samantalang bumaon naman pababa nang ilog si berde dahil sa ginawa syang tungtungan nito

Sakto lamang ang talon ni Al para makatapak sa lupa

Masaya nyang itinaas ang kanyang dalawang kamay

"Panalo ako!"

Ilang minuto lamang ay nagsidatingan na ang ibang mga tsokoy naabutan nila si berde na walang malay at tumulutang sa tubig

"Paano bayan natalo ko na kayo sana naman ay hindi nyo na guluhin ang mga bangkero na nais tumawid sa ilog"

"Syempre mga tsokoy man kami marunong kaming tumangap nang pagkatalo at oras narin siguro para bumalik kami sa dagat kung saan kami nararapat sige paalam na bata"

Isa isang lumubog at tuluyan nang nawala ang mga tsokoy sa paningin ni Al

"Naku paano ngayon ako makakabalik wala na akong bangka bahala na nga"

Walang katao tao sa paligid tuluyan narin kinain nang dilim ang kalangitan

Nag-umpisa nang maglakad lakad si Al para hanapin ang sinasabing mangagamot

Inumpisahan nyang magpunta sa lugar kung saan maraming kabahayan may mga taong naglalakad lakad sa kalsada isang matandang lalaki ang kanyang napagtanungan

"Maari po ba akong magtanong?"
wika ni Al

"Anong sabi mo nagtitinda ka nang talong"

"Hindi po talong tanong po"

"Ah tanong anong itatanong mo?"

Isang matanda na mahina ang pandinig ang kanyang napagtanungan

"Meron po bang magaling mangagamot sa inyong lugar?"

"Anong sabi mo?"

"Mangagamot po!"
malakas na sigaw ni Al at itinutok pa sa tenga nito

"Ah mangagamot wag ka namang sumigaw hindi naman ako bingi"

"Palagay ko nga po!"

"Palay ba ika mo?"

"Naku! sige po sa iba nalang po ako magtatanong"
inis na sabi ni Al

"Sige ingat ka sa pagbebenta nang talong"

"Sige po ingat din po kayo"

Nagpatuloy muli sa paglalakad si Al at umaasa na makatagpo nang maayos na mapagtatanungan.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora