Chapter 08. Barrio ng mga Aswang

3.6K 146 7
                                    

Gusto kong simulan ang araw ko ng maganda at positibo

Ayaw ko munang masyadong mag alala sa aking lolo dahil alam ko namang kayang kaya nya ang mga ganong klase ng pagsubok

Palengke san nga ba ang palengke sa bayan na ito?

Nagpatuloy lang ako sa paglakad sa kalye na yon at naghahanap ng mabibilhan ng pagkain

Karamihan kasi ng ibenebenta nila ay halos mga palayok at banga

Dayo kaba sa bayan na ito?
boses ng isang babae mula sa likuran ko

Napatingin ako dito napansin kong nanlalalim ang mga mata nito na may halong panlilisik

Di ko rin sya masyadong maninag dahil sa balot na balot ang katawan nito mula ulo hanggang paa

Bigla ko nalang narinig ang mga ingay sa mga tindahan ng mga palayok

Nagsasara na sila ng tindahan bakit kaya kakasimula palang ng araw

Nakita ko rin tumatakbong pumapasok ang mga residente sa kani-kanilang tahanan na parang natatakot sila at may pinagtataguan

Opo bago lang po ako sa bayan na ito at naghahanap po ng mabibilhan ng pagkain meron po ba kayong alam

Tumuro ito sa direksyon ng papalabas ng bayan

Diretsuhin mo ang daan nayan at may makikita ka ng barrio may maliit na palengke kang makikita don

Nasulyapan ko pa itong ngumiti at sabay ng umalis

Di ko nalang pinansin ang weirdong babae at nagpasya nalang akong pumunta sa sinasabing barrio para mamili ng aming kakainin at babaunin

Sinundan ko ang tuyo at mabatong daanan na yon

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang isang maliit na barrio at agad ko nang tinungo yon

Isang napakasimpleng barrio lamang non

Mga bahay na gawa sa kahoy at mga bubong na gawa sa dayami parang bumalik ako sa sinaunang panahon

Tahimik ang barrio na yon

Wala rin akong nakitang tao pero alam kong may mga matang kanina pa ako pinagmamasdan

Tao po

Malakas kong tawag na walang tumugon ni isa

Pero isang bata ang sa akin ay lumalapit

May kapayatan ang bata at nanlalalim ang mga mata nito gaya ng babaeng napagtanungan ko

Di normal ang paglalakad nito na parang nawawalan ng balanse

Maharan tong naglalakad papalapit sa akin

Kuya gutom na ko
sabi nito na may pagmamaka-awa ang boses

Pasensya na pero wala akong dalang pagkain

Patuloy lang ito sa paglapit at maya maya ay bigla na lamang ito nabuwal

Nilapitan ko sya para itayo sa kanyang pagkakabuwal

Hinawakan ko ito sa likuran at saka ko pilit na itinayo

Ahhhhhhhh.......

Kinagat nito ang aking kanang braso

Malalim at madiin ang pagkaka kagat nito sa akin

Namanhid ang parte na kanyang kinagat at ramdam ko rin ang mabilis na pag agos ng aking dugo

Sinuntok ko ito na naging dahilan para makabitiw sya sa pagkaka-kagat at bumagsak sa lupa

Anong karapatan mo para saktan ang anak ko

Mula sa mga sulok ng bahay ay nagsilitaw sila

Padami ng padami hanggang mapaligiran na nila ako

Kanina pa pala sila nagtatago sa dilim at ngayon lang nagpakita

Wala nakong nagawa kundi kumaripas ng takbo papalabas ng barrio

Anong gulo na naman itong pinasok ko at ngayon di lang isa kundi isang buong barrio ang humahabol sa akin

Mabuhay pa kaya ako sa gulo na aking napasukan.

Basta takbo lang ......

Agimat makisama ka naman tulungan mo ko waah.....!!!!!!

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now