Chapter 73. Ang Lihim

1.8K 93 1
                                    

Sa loob nang isang malaking silid sa loob nang isang magandang bahay ay may mga lihim itinatago mula roon

Bumangon si Al sa kanyang pagtutulog tulugan

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"
bungad sa kanya ni bob

Seryoso lamang syang tinitignan ni Al sa kanyang mukha

"Alam ko pong mabuti kayong mga tao ano po ba ang nangyari sa inyo"

Tumulo ang pawis ni Bob at tila ninenerbyos sa sinabi ni Al na para itong may nalalaman

"Hindi ko alam ang iyong sinasabi"

"Alam nyo po bang malakas ang aking pandinig mahinang usapan lamang ay aking naririnig kaya wala po kayong lihim na maaring itago mula sa akin"

Natahimik si Bob isinara nya ang pinto at ikinandado umupo sya sa isang upuan malapit sa kama kung saan nadoon si Al at naka-upo

"Nais mo ba talagang malaman?"

"Opo ginoong Bob"

"Kung gayon makinig ka"

Yumuko nang kaunti si Bob naghahanda na ikwento ang lahat tungkol sa kanilang mag-asawa

"Uumpisaan ko ang kwento ko nang magkasintahan pa lamang kami si Joan ang pinakamagandang binibini sa aming lugar kaya halos lahat nang kalalakihan ay nagkakagusto sa kanya isa na ako roon mula sa isang mahirap na pamilya lamang si joan samantalang ako ay galing mula sa isang mayaman na angkan Nagka-ibigan kami pero tutol rito ang aking mga magulang nais nilang mag-asawa ako nang katulad naming may pera gamit ang sarili kong ipon ay nagpasya kami ni joan na magtanan at mamuhay nang masaya kasama nang isat isat"

"Naging maayos po ba ang inyong pagsasama?"
tanong ni Al kay Bob

"Ang unang taon namin ay naging mahirap gayunpaman masaya dahil kapiling namin ang isat isa nagbago lamang iyon nang nagumpisa nang magbuntis si Joan sa loob nang walong buwan ay dinugo sya at nakunan ang sanggol ay kanyang kinuha itinatabi nya ito sa kanyang pagtulog na tila isang buhay na sanggol sa loob nang isang buwan tila nawalan na sya nang katinuan nandyan makikita ko syang tumatawa mag-isa minsan naman ay umiiyak natatakot na ako sa kinikilos nya"

Tumulo ang luha mula sa mga mata ni Bob at muling itinuloy ang kanyang naputol na kwento

"Isang matandang lalaki na nakasuot nang isang itim na kasuotang may kahabaan ang nagpunta sa aming tahanan hindi namin sya kamag-anak at wala rin namang nagpapunta sa kanya kinausap nya ang asawa ko kung gusto nitong mabuhay ang aming anak mabilis syang sumagot nang oo dito nagpakilala ang lalaki na isang itim na albularyo isang bagay ang isinubo nya sa aming anak at nagkaroon ito nang buhay nabuhayan muli ang asawa ko at nagbalik sa normal ngunit tuwing magugutom ang anak namin ay nagbabagong anyo at nagiging isang halimaw na tyanak nung una baboy at hayop lamang ang pinapakain namin hanggang sa naghahanap na ito nang dugo at karne nang tao ayaw kong gawin yon para kaming nagpapalaki nang halimaw hindi ko anak ang batang iyon pero ang asawa ko tuluyan na syang nabaliw sa tuwing magugutom ang aming anak ay naghahanap sya nang taong ipapakain sa halimaw na iyon"

Lalong lumakas ang iyak ni Bob narinig yata iyon nang kanyang asawa kaya pilit nitong binubuksan ang pintuan

Lumapit mula sa pintuan si Bob at binagbuksan ito

"Umiiyak kaba?
Tanong ni Joan kay Bob

"Ako po ang umiiyak kasi po nagugutom na ako"
sabat ni Al sa usapan nang dalawa

"Halina kayo at kumain na"

Sa hapangkainan kasama na ni Al si Ester ngunit wala itong nalalaman sa mga nangyayari

Naghanda si joan nang adobong baboy at yun ang pinagsaluhan nila nang gabing iyon

Pagkatapos kumain ay maagang natulog si Ester at Al ngunit di makatulog si Al kaunting kaluskos lamang ay kanyang pinapakiramdaman

"Anak gutom ka na naman mabuti na lamang at may dalawa pang bata ang nariyan"
wika ni Joan na narinig ni Al gamit ang talas nang kanyang pandinig

Dali dali nyang ginising si Ester

"Ester gising"

"Ano ba Al ang sarap nang tulog ko"

"Tatakas tayo"

"Bakit naman tayo tatakas eh ang bait bait nilang dalawa"

"Basta sumama ka nalang sa akin"

Hinablot ni Al ang kamay ni Ester marahan nyang binuksan ang kanilang pintuan

Pagbukas nya nang pintuan ay bumugad si joan may karga karga itong puting balabal kung saan naroon ang isang sangol

"Saan kayo pupunta mga bata gusto kayong makilala nang anak ko"
wika ni joan sabay pakita nang sanggol na kanyang hawak

Isang nakakatakot na sanggol matatalim ang mga ngipin nito namumula rin ito sa kumapit na dugo sa katawan nakakatakot na titig nang nanlilisik na mata

"Ahhhhhhhh!"
malakas na sigaw ni Ester

Tumalon ang tyanak at sinungaban si Al malakas ang kapit nito kay Al at pilit kinakagat ang kanyang leeg

"Bakit lagi na lamang ako nakakatagpo nang mga maling tao at nakakatakot na nilalang kapalaran ko ba ito para patayin kayong mga masamang nilalang"
wika ni Al habang pinipigilan parin ang pag-atake nang batang halimaw

Ang tadhana ni Al na kalabanin ang masasamang nilalang ay nakaukit na sa kanyang mga palad simula pa nang isilang sya sa buong ibabaw.

Authors Note:
pasensya na kung di ako makapag reply sa mga comment nyo sira kasi yung app na gamit ko ayaw magcomment
Btw Add nyo nalang ako sa Fb lagi naman akong online para masabihan ko kayo kung kelan may update thanks!
facebook.com/simbulan.arnel

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon