Chapter 39. Bagong Demensyon

2.4K 111 2
                                    

Kasabay nang maalab na apoy sa kweba gayundin ang kagustuhan kong palayain ang aking mga kalahi sa kamay nang masamang hari

"Anna ayaw pa kitang masangkot sa mas malaki pang gulo kaya maari kanang magpa-iwan rito"

"Hindi sasama ako pasensya kana kung tinago ko pero hinahanap ko rij ang aking lola"

"Lola akala ko patay na sya?"

"Hindi nakita kong dinukot sya nang isang nakakatakot na nilalang"

"Ah naiintindihan ko"

Ang pakay ni anna na mahanap ang lola nya ang nagpakumbinsi sa akin dahil nakita ko ang aking sarili sa kanya

"Baku may nakita kabang isang matandang babae sa kaharian nang mga engkanto may sampung taon na kasi syang nawawala?"

"Ah nung nakaraang sampung taon may naging malubhang karamdaman ang ang haring haydis kaya nagpahanap sya nang magagamot na maaring lumunas sa kanya at isang matandang babae ang gumamot sa kanya"

Nabuhayan nang loob si anna sa kanyang mga narinig

"Buhay pa ba sya?"

"Ang alam ko sya na ang pangunahing mangagamot nang hari at nasa mabuti syang kondisyon"

"Salamat salamat maililigtas ko narin ang aking lola"

"Masaya akong marinig yon anna"

"Salamat alex"

Huminto na ang isang malakas na pagbuhos nang ulan

At sumilay na muli ang mga sinag mula kay haring araw

Isang bagong simula di ko man naligtas ang aking mga magulang may dahilan naman ako para palayain ang aking mga kalahi mula sa pang-aalipin nang masamang hari

"Baku"

"Bakit po mahal na prinsepe"

"Alex na lamang ang itawag mo sa akin baku"

"opo mahal na... eh alex pala pasensya na"

"Baku palagay ko ba may pag-asa tayong manalo kung sakaling kakalabanin natin ang mga engkantadong itim"

"Wag kang mag-alala may mga engkantong handang sumama sa atin upang mag aklas at lumaban hanggang kamatayan para sa kalayaan"

"Tayo na Baku"

Unti unting nagbagong anyo si baku at naging ganap na bakunawa

"Nakakamangha ang isang tulad mo baku"

"Apat na lamang sa aming lipi ang nalalabing bakunawa sapangkat namamatay sila sa mga nakaraang digmaan sumakay na kayo sa likuran ko kumapit na lamang kayo"

Kakaibang sabik ang naramdaman namin sa likod ni baku ngayon lamang kami nakakita nang bakunawa at ngayon ay nasakyan pa namin ito.

Ikinampay ni baku ang kanyang pakpak malakas ang bugso nang hangin sa bawat hampas nang kanyang magkabilang pakpak

Unti unti kaming umaangat sa lupa

Pataas nang pataas

Ang ganda nang mga tanawin na aming nadaraanan

"Ang saya"

"Oo nga hahaha"
sagot ni anna

"Maghanda kayo papasok na tayo nang lagusan papunta sa mundo nang mga engkanto"

May parang harang na gawa sa isang bula na hindi nakikita ang aming diraanan

Mula sa maliwanang na paligid sa labas isang madilim na kapaligiran lamang ang nasa loob nito

Parang pumasok kami sa ibang demensyon di ko matanaw kung saan ang palasyon siguro ay dahil sa kadiliman nito

"Dati punong puno nang kulay ang palasyo pero ngayon halos kadiliman na lamang ang iyong makikita"
Sabi ni baku

At maya maya pa ay bigla itong bumaba nang mabilis hanggang lumapag ito sa lupa

Bumaba kami mula sa likuran nito at sya naman ay nagbagong anyo at naging isang anyong tao

Hanggang dito lang muna tayo masamang makita tayo nang mga bantay ito ang unang bahagi nang kaharian nang mga engkanto

"Mas madali tayong makita nang mga kalaban kung sa itaas tayo dadaan"

"Naiitindihan ko anong klaseng daanan to?"

"Ang daanan patungo sa nagibang syudad nang mortana at naging taguan nang mga nag aaklas sa hari".

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat