Chapter 20. Ang Aking bagong destinasyon..!!!

2.9K 129 3
                                    

Pagkatapos ng isang nakakapagod na pakikipaglaban

Kasabay ng paglubog ng haring araw at lamunin na nang kadiliman ang buong kalangitan

Mabilis akong nagtungo papunta sa kinaroroonan ng aking lolo gusto kong ibalita sa kanya ang mga naganap

Kung paano ko tinalo ang mambabarang pati narin ang iba ko pang karanasan sa mga panahon wala sya sa aking piling

Bakas sa aking mukha ang kasiyahan habang binabagtas ko ang hagdanan paakyat sa silid kung saan sya naroroon

Ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng kakaibang reaksyon ng makita ko ang aking lolo na nakahandusay malapit sa kanyang silid

Maaring naglakad ito upang saksihan ang nanyayari ngunit di kinaya ng kanyang katawan

Binuhat ko sya....

Ang katawan nyang parang lantang gulay lupaypay narin ang kanyang mga kamay na parang wala nang natitira pang lakas dito

Marahan itong nagsalita...

Ang kanyang mahinang boses pilit kong inintindi ang kaniyang balak sabihin..

Ang kanyang putol putol at nauutal na pagsasalita halata kong kinakapos na sya ng hininga

Ma..Mahal kita...!!!
Mag... mag.. iingat ka..

Tumango ako dito...

Pumatak ang mga luhang kanina pa nag pupumilit na lumabas sa aking mga mata

Sa aking mismong mga bisig buhat ko ang kaisa isang taong nagmahal at nagpalaki sa akin

Wala na sya iniwan nya na ako at haharapin ko ang mga bukas na di ko na sya makakasama pa

Ang mga iniwan nyang mga aral ay aking isasabuhay at tulad ng kanyang hangarin ay pagpapatuloy ko ang kanyang mga naiwan

Isang piraso ng papel ang nahulog sa kanyang kamay

pinulot ko iyon..

May mga mensaheng nakasulat doon alam kong si lolo ang may sulat non dahil sulat kamay nya yon kahit na di masyadong maganda ang pagkakasulat dahil sa nanghihina ito

"ANNA"
"PULONG GUBAT"

Mula sa maliit na piraso ng papel mga salitang nakasulat doon ano ang nais nyang pinahiwatig sa akin...

Ang unang salita ay pangalan pero wala akong kilalang anna at wala rin naman nababangit ang aking lolo

At ang isa ay lugar sa aking bayan malapit lamang ito sa aming baryo at minsan na akong nakapunta roon

Alam kong may balak sabihin ang aking lolo hahanapin ko ang anna na ito at susubukan kong alamin ang kanyang nais sabihin...

Tatlong araw ako namalagi sa baryo na ito ang kanilang mga kabahayan ay inuumpisahan na nilang isa-ayos

Tulong tulong ang bawat isa sa paggawa ng kanilang mga tahanan

Napatingala ako sa kalangitan

Nakikita mo ba lo?
Sana narito ka upang makita mo rin ang aking natatanaw....
Napakagandang pagmasdan ng mga taong nagsasaya sa kanilang pagbabalik sa kanilang lupang sinilangan...

Kailangan ko nang iwan ang baryo na ito at magtungo sa pulong gubat at hanapin ang taong nagngangalan anna

Susubukan kong maglakbay ng ako lang mag isa

Isang kabayo ang ibinigay nila sa akin bilang pagtanaw ng utang na loob para mas mabilis daw akong makapunta sa aking pupuntahan

Pinaghanda din nila ako ng mga pagkain para di ako magutom sa aking paglalakbay

Masaya akong nagpaalam sa mga taga baryo...

Ang aking destinasyon...

Sa pulong gubat....

Aalis ako sa bayan baon ang isang di makakalimutan na karanasan...

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now