Chapter 07. Bayan ng San Andres

3.8K 158 8
                                    

Kumapit ako ng mahigpit kay tonio sa bilis ba naman ng takbo ni momo ay di malabong mahulog ako bumagsak sa mabatong daanan na aming dinaraanan

Maya maya pa ay huminto si momo at inangat pa nito ang kanyang dalawang paanan sa harapan

Bumaba kana hanggang dito nalang tayo kayang ihatid ng aking kaibigan na si momo

Bumaba ako at halos mawalan ako ng balanse dahil nangawit ata ako sa pagkakaupo

Ganon din si tonio

Ilang sandali lang ay nagbagong anyo si Momo

Ang dating isang kabayo na nakatayo sa kanyang apat na paa ay nagkaroon ng katawan na gaya ng sa tao

Ang ulo naman nito ay nanatiling nasa anyo ng kabayo mapapansin mo din dito ang malalagong buhok sa kanyang likuran

Teka kulay gintong buhok ang aking nakita sa kanyang buhok sa likuran

Tinuro ko ang kulay gintong buhok
Teka idol tonio diba sabi nyo nasa inyo ang gintong buhok ni momo

Natawa lang ito

Tama ka dati kong pagmamay-ari ang buhok na yon pero ibinalik ko na sa kanya dahil di mo tapat itinuturing na utusan ang iyong kaibigan

Bossing huhuhu... sabay yakap kay tonio

Isang tikbalang na iyakin siguro ay madami nang pinagdaanan ang dalawa ng magkasama kaya nagkaroon sila ng matibay na pagsasamahan

Ibig bang sabihin non momo maiiwan kana dito

Syempre hindi magtatago lang ako sa mga tao at magmamasid ng tahimik kung kailangan nyo ng tulong ko ay magpapakita ako di ko pwedeng pabayaan ang amo ko

Momo huhu. sabay yakap kay momo ni tonio

Pareho lang pala silang iyakin

Ang susunod na bayan ay ang bayan ng San andres kilala ang bayan na yon sa pagawaan ng mga paso at ibat ibang uri ng palayok

Sa bayan din ng san andres matatagpuan ang bahay ni tonio

Mayapa at tahimik ang bayan nayon habang naglalakad ako sa kalye ay nakikita ko ang mga  nanghuhulma ng mga palayok doon

Mga kakaibang palayok, paso at mga banga na ibenebenta sa mga pwesto ng kanilang pagawaan

Ilan sandali pa ng paglalakad ng marating namin ang bahay ni tonio Maganda ang bahay nayon kahit may kaliitan

Binuksan nya ang pinto
Halika pasok ka

Naubo ako sa makakapal na alikabok ng pagpagin ko ang isang upuan sa may sala

Natawa itong pinagmamasdan ako
pasensya kana halos isang taon narin akong di nakakabalik dito

Isang taon? ang tagal non ano naman po ang ginawa nyo sa loob ng isang taon

Seryoso ang mga titig sa akin nito sabay sabi ng gusto mo ba talaga malaman

Tumango ako

Kumuha ng upuan si tonio at nag-umpisa nang magkwento

Tuloy tuloy na kwento tungkol sa mga karanasan nya sa pagiging albularyo sa nagdaang panahon

Tuloy tuloy

Ilang Oras pa...

Parang walang katapusan kwento

Di ko namalayan sa haba ng mga kwinento nya ay nakatulog na ako umaga na ng magising ako

Wahhh...... di parin sya tapos magkwento

Nagkwekwento sya kahit natutulog kakaiba din tong lalaking ito

Pinili ko nang lumabas at damhin ang pagsikat ng araw

Ang pakiramdam ng sinag na dumadampi sa aking balat na nangangahulugan ng mga bagong simula ng kabanata sa buhay ko

Nagpasya akong mamalengke ng aming kakainin ng umagang yon nakalimutan ko narin kumain ng hapunan dahil sa walang humpay na pagkwekwento ni tonio

Ako kaya gaano kayang karanasan ang aking maibabahagi sa iba sana masasaya at mabuting pakikipagsapalaran yon.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang