Chapter 45. Sa May Tarangkahan

2.2K 112 2
                                    

Alex POV-

Mabilis ang bugso nang hangin na nagmumula sa malakas na pagtakbo ni ritchie ilan sandali na lamang at buong tanaw na namin ang kabuuan nang palasyo

"Anong Propesiya?"
tanong ko kay ritchie

Ang propesiya ay galing sa isang matandang babaylan na ang nakasaad ay

"Sa pag sapit nang dilim ay matatalo ang liwanag mananatili iyon hanggang sa magdamag muling sisikat ang araw sa panahon na bumalik na ang hinirang"

"Ritchie maari bang ipaliwanag mo sakin nang maayos"

"Natupad na ang unang hula natalo ang pangkat nang mga engkantong puti at namayani ang kadiliman sa buong kaharian at ang sinasabing hinirang ay ikaw muli mong bigyan nang liwanag ang buong kaharian"

Itinuro ko ang aking sarili at hindi makapaniwala na ako ang kanilang hinirang

"Ako ang hinirang?"

"Nandito na tayo humanda na kayo"

Mabilis na takbo ni ritchie at bumugad sa amin ang malaking tarangkahan nang palasyo

Bumaba kami mula sa likuran nya at patuloy na naglakad papalapit sa tarangkahan

Mula sa may ibaba ay may nakabantay na dalawang naglalaking mga nilalang

Nakasuot sila nang kasuotan pandigma at may hawak na dalawang sibat na gawa sa bakal mapapansin mo rin ang maiitim nilang mga kaanyuan

Ang isang nasa kaliwa ay lumapit sa amin at alistong nagmamasid lamang ang isa

"Ano ang pakay ninyo sa palasyo?"
tanong nito sa samin

Di pa man namin nasasagot ang kanyang tanong ay isang malakas na sipa ang ginawa ni ritchie

Nadurog ang kalasag nito sa lakas nang pagkakasipa at tumilapon sa direksyon nang isa pang bantay nang tarangkahan

At sabay silang bumagsak sa lupa

"Tignan mo alex ang punong lungsod"
wika ni ritchie

Ang nagkakapalang mga usok na umaangat sa kalangitan ang mga apoy at mga ingay na nagmumula sa direksyon nayon ang matatanaw mula sa aming kinatatayuan

"Alam mo ba kung bakit maluwag ang bantay sa palasyo dahil ang kanyang mga tauhan ay nagtungo lahat sa punong lungsod"

"Teka kakayanin ba nila lahat nang kanilang kalaban?"
nag-aalala kong tanong

"Wag kang mag-alala sinanay namin ang aming mga lakas at kakayanan upang nagamit sa araw na ito"
wika ni ritchie

Hinawakan ni ritchie ang magkabilang tarangkahan sa laki na iyon ay may kabigatan ang bawat bahagi nito

Buong pwersa nya itong binuksan at dahan dahan na itong bumubukas unti unti naming natatanaw ang harapan nang palasyo

Mali ang akala nila ritchie marami paring mga kawal ang palasyo at naghihintay lamang nang aming pagdating

Nakahanay sila nang maayos at may nag-iisang nilalang ang namumuno sa kanila

Nakahawak ito nang isang malaking palakol at may ulo nito na tila isang baboy kapansin pansin din ang malaki at mataba nitong katawan

"Oink oink tapusin sila"
wika nang mukhang baboy na nilalang

Sabay sabay na sumugod ang bawat hanay pero bago pa man makalapit ang mga kawal nang palasyo ay pamilyar na boses ang nagwika

"Sugod"

Si marco kasama ang napakarami nyang tauhan at sinagupa ang mga kalaban

"Pasensya na aming prinsepe matagumpay namin napabagsak ang punong lungsod maya maya lamang ay padating na ang ibang pinuno inaasikaso lamang nila ang mga nasugatan nating mga kasamahan"
wika ni marco

"Napabagsak nila ang punong lungsod

"Marco oink"
pasigaw na tawag nang anyong baboy kay marco

"Muli na naman tayong nagkita mukhang baboy"

Binunot ni marco ang kanyang ispada

"Mahal na prinsepe mauna na kayong pumasok sa palasyo kami na ang bahala sa kanila kailangan ko munang makipaglaro sa baboy na ito"

Mabilis syang sumugod mula sa anyong baboy na yun at nagkabanga ang kanilang mga sandata at malakas na bumugso ang malakas na hangin at pwersa nun

"Halika na alex anna"
wika ni ritchie

Sa gitna nang naglalaban na mga kawal ay nilampasan namin ang mga ito at diretso sa harapan nang pasukan nang palasyo.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu