Chapter 04. Ang Diwata

4.3K 182 2
                                    

Gising na
Gumising kana

Isang malambing na boses ang gumising sakin.

Nahimatay pala ako sa gitna ng kakahuyan

Pagdilat ng aking mata ay nakita ko sa harapan ko ang isang magandang binibini

Ngayon lang ako nakakita ng katulad nya

Ang mga mata nya ay nang aakit sa ganda, ang buhok nyang mahaba at makinang

Mapupulang labi, matangos na ilong at bagay na bagay sa kanya ang kanyang kulay puting kasuotan

Narinig ko na sa lolo ko ang tungkol sa mga diwata

Halos lahat daw ng nakita sa diwata ay parang bula na naglalaho sa gubat

Napaka-misteryosong babae ang mga diwata

Anong pangalan mo??

Aaa.. Alex ang pangalan ko

Alex gusto mo bang sumama sa akin?

Gusto ko sanang sabihin na hindi pero dahil sa kagandahan nito ay di ako makatangi

Oo sasama ako sayo magandang binibini

Hindi ko alam pero parang kusang gumagalaw ang katawan ko at sinundan ang babae

Hanggang sa nakarating kami sa isang kweba

Maari dito tumutuloy ang magandang binibini

Dito nya kaya dinadala ang mga nawawalang kalalakihan na umaakyat sa kakahuyan na ito

Halika tawag nito sa akin

Halika dito

Hahakbang na sana ako papalit sa kanya ng biglang nagliwanag ang aking agimat

Ahh.. nakakasilaw

ahh.. nasan ako??

Para akong nagising sa isang panaginip

Di pala panaginip yon...

Kailangan ko nang umalis kundi di na ko makakauwi pa sa amin dahil sa pagkaligaw

teka naliligaw na nga ako...

Alex halika ka sumama ka sa akin

Salamat sa agimat ko at wala nang bisa ang pangagayuma ng diwata

May pakinabang din pala ang agimat na ibinigay sa akin

pasensya kana binibini pero kailangan ko na umuwi

Sandali lang...

Ang mukha ng magandang binibini ay bigla nalang nagbago

Ang maamong mukha nito ay napalitan ng nakakapangilabot na itsura

Kulubot at namuti ang buhok nito siguro ay ganito talaga ang tunay nitong anyo...

Kaya tumakbo ako papalayo dito

pero kahit anong takbo ko ay nasa likuran ko lang sya

Bigla na naman lumiwanang ang aking anting anting

Ang bilis ng naging takbo ko para akong tumakbo sa hangin

Sa sobrang bilis ko ay di ko na makita ang nakasunod na diwata

Kaso may problema parang ayaw tumigil ang paa ko sa pagtakbo

Isang puno ng buko ang sa harapan ko ang bumungad sakin at doon ako tumama

Ahhh... Aray sabay hawak sa aking ulo

Nasan naba ako??

Naiintindihan ko na kung bakit ayaw akong papuntahin dito ni lolo

Masyadong delikado dito

Naliligaw kaba???

Ou sabay lingon sa nagtanong..

Ahhhh.... tikbalang

*Nahimatay*

Nang magising ako ay nasa harap na ko ng aming bahay

Ang daming tanong sa aking isipan

Hinatid kaya ako dito ng tikbalang?

Ano ang hiwaga sa kakahuyan?

Paano gamitin ang agimat ko?

Hayy saka ko na iisipin ang mga yon ang mabuti ay nakauwi na ko at handa na ulit humarap sa isa na naman

PAKIKIPAGSAPALARAN....

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now