Chapter 71. Sa Pagsikat Nang Araw

1.8K 93 2
                                    

Malakas ang apoy na nagiging tanglaw sa madilim na gabi nagkalat ang mga baga sa paligid kasama nang mga bangkay

"Ibigay mo sa akin ang batang babae at hahayaan kong mabuhay ka"
wika nang dyablo kay Al

"Hindi mo sya makukuha"

Mabilis na nakalapit ang dyablo kay Al mas mabilis ito tila ibang nilalang na ang kalaban nya

Sinipa sya nito at tumilapon nagpagulong gulong sya sa lupa bago pa huminto umusok ang alikabok sa paligid

Mabilis na bumangon si Al hindi nya ininda ang kanyang pagtalsik

Nakita nya ang dyablo at hawak hawak ang batang babae si Ester hawak ito sa kanyang kanang kamay at bahagyang itinaas

Ang matutulis na kuko nito ang gagawin nyang punyal na babaon sa puso ni Ester

Malayo ang distansya ni Al kay ester anumang bilis nya ay hindi nya kayang makalapit

"Huli kana batang albularyo"

Biglang nasiging si Ester mula sa kanyang pagkakatulog nakita nya ang nakakatakot na itsura nang dyablo kaya napasigaw sya sa bigla

Malakas na sigaw na nagpasakit sa tenga nang dyablo nabitiwan nya si Ester at hinawakan ang dalawa nitong tenga

"Ester dito"
tawag ni Al

Tumigil si Ester sa pagsigaw at mabilis na lumalapit kay Al inalis na nang dyablo ang takip nya sa tenga napansin nyang tumatakbo si Ester papunta kay Al kaya hinabol nya rin ito

Si Al ang dyablo sino kaya ang unang makakakuha kay Ester

Mas mabilis ang dyablo kaya walang duda na sya ang unang makakakuha kay Ester

"Ester sumigaw ka!"
utos ni Al kay Ester

Buong lakas na sumigaw muli si Ester natigilan ang dyablo at nagtakip nang tenga masakit na masakit ang nararamdaman nito sa malakas na boses ni Ester

Mabilis na nilapitan ni Al si Ester

"Ester dito ka sa akin likuran ako ang bahala sa iyo"

"Salamat Al"

Lalong namula ang mukha nang dyablo sa galit tila uusok na ang kanyang tenga sa kanyang namuong inis

"Papatayin ko kayong dalawa"

Mabilis na lumalapit ang dyablo kay Al at Ester

"Ester sumigaw ka"

Di pa man sumisigaw si Ester ay nagtakip na nang tenga ang dyablo

Buong lakas na sumigaw si Ester ngunit wala nang boses na lumabas sa kanya

"Pasensya na Al wala na akong boses paos na ako"

Natuwa ang dyablo sa kanyang narinig at mabilis na muling umatake

Ginamit nito ang kanyang matatalim na kuko at sunod sunod na inatake si Al

Nagkaluray luray ang damit ni Al at napuno nang mababaw na sugat mabilis nyang naiiwasan ang ilang atake ngunit hindi ang lahat

Natigilan lamang ang dyablo nang tumilaok ang manok na tandang tanda na malapit na muling sumikat ang haring araw

"Wala na akong oras ibigay mo na sa akin ang bata"
wika nang dyablo

"Hindi mo sa makukuha"
kasabay nang isang malakas na suntok sa sikmura na nagpaluhod sa dyablo

"Humihina na ako kailangan ko nang alay para manumbalik ang lakas at pagiging imortal ko kaya ibigay mo na sa akin ang batang babae"

Mabilis syang sumugod papalapit sa takot na takot na si Ester

Bumagal ang kilos nito kaya naman hindi nahirapan si Al na habulin ito Sinampahan nya ito sa likuran at kumapit

Huminga si Al nang malalim kasabay nang isang malakas na pagsigaw isang malakas na boses higit pa sa sigaw ni Ester kanina

Halos magdugo ang tenga nang dyablo sa lakas nun at napaluhod sa lupa habang  sumisigaw sa sakit

Sumilay na ang iilang liwanag na nagmumula sa pasikat na umaga

Nagbago ang balat nang dyablo at unti unting kumukulubot at natutuyo
Ilang sandali pa ay tuluyan nang naghari ang araw sa kanyang pagsikat

Bigla na lamang bumagsak ang dyablo sa kanyang pagkakaluhod unti unting nilamon sya nang lupa hanggang tuluyang mawala

Naiiyak man pero makikita sa mukha ni Ester ang tuwa na wala na ang dyablong kanilang kinatatakutan

Napayakap ito kay Al

"Salamat Al"

"Wag kanang umiyak"

Iilan residente na lamang ang natira sa buong baryo di nila alam kung may dapat ba silang ikatuwa sa dami nang taong namatay sa loob lamang nang isang gabi

"Ano na balak mo Al?"
wika ni Ester

"Babalik na ako sa pulong gubat kung saan naroon si inay sigurado ako nag-aalala na iyon sa akin"

"Mabuti ka pa may ina pa ako wala na akong magulang tiyuhin ko na lamang ang nag-aalaga sa akin pero nasawi rin sya kagabi"
malungkot na sabi ni Ester

"Gusto mo bang sumama na lamang sa akin?"

"Maari ba?"
nahihiya pang sabi ni Ester

"Oo naman para naman may kapatid na akong babae"

"Basta ako ang ate dose na kaya ako"
wika ni Ester

At sabay silang nagtawanan

Nagsilapit ang mga residente kina Al at Ester nakita nila kung paano nakipaglaban ang mga bata laban sa dyablo at tinuring nilang bayani

Nabigla si Al nang makita ang matandang babae na may paso sa kanyang mukha naalala nya ang ginawa nya na pagbuhos nang mainit na tubig dito

Hinawakan nya ang kamay ni Ester

"Tayo na at umalis na"

Kasabay nang karipas na takbo palayo sa baryo nang san lorenzo

"Iho magbabayad ka sa ginawa mo sa mukha ko"
sigaw nang matandang babae

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now