Chapter 72. Bagong Panganib

2K 93 7
                                    

Mainit ang sikat nang araw ang nakakapasong sinag mula rito ay nagpapatuyo at nagpapawala nang lakas ni Al at Ester

Gamit ang ninakaw na kalabaw ni mang macario ay dalawa silang naglalakbay papunta sa pulong bayabas

"Sigurado kaba sa dinadaanan natin?"
sabi ni Al na lawit na ang dila sa init

"Ako ang bahala alam ko ang daan tsaka ako naman ang nagmamaneho netong kalabaw kaya magtiwala kalang"
wika ni Ester na dama narin ang pagkatuyo nang lalamunan

Sa isang tuyo at mahabang kalsada sa pag-ihip na hangin na nagpapalipad nang makakapal na alikabok sa tigang na lupa

Nagmistulang isang disyerto ang kanilang binabaybay

"Gusto ko nang tubig"
wika ni Al na halos mahilo na sa pagkatuyot

Hindi lamang sila ang nangangailangan nang tubig noon pati narin ang kanilang kalabaw ay halos lumawit narin ang dila sa uhaw maya maya pa ay nawalan na ito nang lakas at tuluyan nang bumagsak

"Naku naman bakit ngayon kapa sumuko"
pikon na sabi ni Ester

Nagpasyang maglakad na lamang ang dalawa ang nakakapasong init na tumatagos sa kanilang sapin sa paa dagliang naginhawahan sila nang natakpan ang araw nang makakapal na ulap

Sa gitna nang tuyo at tigang na lupa ay may nakita silang malaking bahagi nang tubig nasa gitna ito nang kalsada

Nagunahang nagpunta ang dalawa sa tubigan tumalon si Al sa tubig samantalang apura ang inom ni Ester sa tubig

Ilang sandali lamang ay binubuga ni Ester ang ininom nya buhangin lamang iyon samantalang hindi makatayo si Al dahil nasubsob ang mukha nya sa lupa nakakaramdam na sila nang matinding pagka-uhaw

Inabot nang tatlong oras ang kanilang paglalakad kung titignan tila sila mga patay na bumangon mula sa hukay

Matagumpay nilang narating ang pulong bayabas ayon kay macario ang sunod na baryo ay ang pulong gubat kaya malapit na ito mula sa kanila

Nagmasid masid sila sa paligid naghanap nang taong mahihingan nila nang tulong upang mapawi ang uhaw sa kanilang mga lalamunan

Isang babae ang nagwawalis nang kanilang malawak na bakuran maganda ang babae at may kaputian nakasuot ito nang isang puting bestida habang nakapusod ang kanyang mahabang buhok

"Ate pwede mo ba kaming bigyan nang tubig"
wika ni Al sa babae

"Ayos lang ba kayo mga bata?"

Nagmamadaling pumunta ang babae sa kanyang bahay upang kumuha nang tubig ngunit pagbalik nya ay wala nang malay si Al at Ester

Nataranta ito at tinawag ang isa pa nitong kasama isang lalaki may bigote ito at hindi nalalayo ang edad sa babaeng nagwawalis

Nagpasya ang dalawa na dalhin sina Al at Ester sa kanilang malaking bahay upang mabigyan nang paunang lunas

Pagkalipas nang halos isang oras

Nakahiga mula sa isang malabot na puting kama sina Al at Ester binabantayan sila nang nasa tabi nila ang magandang babae

Dahan dahan minulat ni Al ang kanyang mata mukha nang isang magandang babae ang kanyang nasilayan

"Nasaan po kami?"

"Narito kayo sa bahay ko mukhang kinulang kayo sa tubig kaya nahimatay kayo oh eto ang tubig uminom ka muna"

Inabot nang babae ang isang malamig na baso nang tubig

"Pwede pong isa pa"

"Oo naman"

Nakatatlong baso nang tubig si Al bago mapawi ang uhaw na kanyang nararamdaman

"Ayos lang ba si Ester?"

"Ah yung batang babae ba ayos lamang sya kailangan nya lang nang pahinga mas nauna syang gumising kaysa sayo pero pinabalik ko sya sa kanyang pagtulog para makabawi nang lakas"

Masayang masaya ang babae habang inaalagaan si Al at Ester

Biglang bumukas ang pintuan at dumating ang isang matipunong lalaki

"Mabuti naman at nagising kana alam mo bang alalang alala itong misis ko"
wika nang dumating na lalaki

"Ano nga pala ang pangalan nyo at napadpad kayo sa lugar namin?
usisa parin nang lalaki

"Ako po si Al sya naman po si Ester pauwi na po kami papunta sa pulong gubat nang mahimatay kami sa matinding init"

"Ganon ba ako si Bob eto naman ang aking asawa si Joan masaya kaming nandito kayo kasi hindi kami biniyayaan nang anak mula nang nakunan si Joan wala narin syang kakayahan magbuntis"

"Maraming salamat po"
pasasalamat ni Al sa mag-asawa

"Sige maiwan ko na kayo at maghahanda pa ako nang kakainin natin magpabukas na kayo umuwi dito muna kayo"

Tumango lamang si Al at lumabas na ang mag-asawa sa silid kung saan naroon silang dalawa

Habang nakaupo si Al sa kama at hinihintay magising si Ester sa talas nang kanyang pandinig isang iyak nang sanggol ang kanyang narinig mula sa itaas na bahagi nang bahay

Nagtataka si Al kung bakit may iyak nang sanggol samantalang wala naman anak ang mag-asawa masama rin ang pakiramdam nya at tila may mali sa mga nangyayari

Isang sigaw nang matanda ang kanyang narinig sa may itaas unti unting nawala ang ingay at narinig nya si Joan na nagsalita

"Anak tapos kana bang kumain wag kang mag-alala hindi na matanda ang kakainin mo bukas kundi mga bata na para masarapan ka naman"

Pumihit ang pihitan nang pinto dahan dahan bumubukas mabilis na bumalik si Al sa kama at nagkunwaring tulog

"Nababaliw na sya hindi namin anak ang tyanak na yon pati mga inosenteng bata gusto nyang idamay hindi ko hahayaang magyari yon"
mahinang sabi ni bob

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now