Chapter 87. Pagpapatuloy Nang Kwento

1.8K 84 2
                                    

Pinagpatuloy ni Alex ang kanyang pagkwekwento habang patuloy silang naglalakad sa mahabang lagusan

Ang karugtong nang kwento ni Alex

Madilim ang kalangitan kakaumpisa pa lamang sumilay nang mga bitwin sa kalangitan

Mabilis na tumatakbo si Alex papalayo sa kanilang nasusunog na bahay

Natigilan sya nang mapaikutan na sya nang mga aswang

Wala na syang tatakbuhan pa

Malalalim at mahahaba ang hininga ni Alex hiningal sya sa pagtakbo pumapatak na sa lupa ang magkahalong pawis at dugo mula sa kanyang ulunan

Hindi nya malaman kung ano ang susunod nyang hakbang upang maka-ligtas

Sabay sabay sumugod ang mga aswang kinagat sya nito sa ibat ibang parte nang kanyang katawan

Sinubukan nyang lumaban pero lubhang malakas ang kalaban

Wala syang nagawa kundi ang sumigaw habang kinakain sya nang galit na galit na aswang

Tumigil lamang ang mga aswang sa pagkagat nang may sumigaw mula sa bandang likuran

"Magsitigil kayo!"
malakas na sigaw

Huminto sa pagkagat ang mga aswang tila nahawi sila nang dumating ang isang lalaki na nakasuot nang itim na jacket

Malaking lalaki na walang buhok sa kanyang ulunan

Kahit nahihirapan tumayo ni Alex ay sinikap nyang huwag bumuwal

Matuloy na lumalapit ang lalaking nakajacket kay Alex

"Ikaw pala ang Albularyong tumalo sa mga aswang sa may san andres kung sabagay dapat lang silang mawala ang mahina kong kapatid na si Roy nababagay lang syang mamamatay pero hindi ko mapapatawad ang isang tao na manalo laban sa aming makapangyarihang nilalang"

Napa-upo si Alex sa tindi nang kanyang pinsala umaagos ang dugo sa ibat ibang parte nang kanyang katawan

Hinawakan sya nang nakajacket na aswang sa kanyang leeg at binitbit sya gamit ang isang kamay

"Wag ka munang mamamatay Albularyo kailangan sa mga kamay ko ikaw mamatay"

May limang tanod ang napadaan sa lugar at mabilis nilang nilapitan at inalam ang nagyayari

"Hoy anong nagyayari dyan?"
sita nang mga nagpapatrolyang mga tanod

"Tulungan mo ako"
sabi ni Alex na naghihina

"Bitawan mo sya kundi papaputukan kita"
wika nang isang tanod na may dalang de sabog na baril

Inihagis nang lalaki si Alex at tumilapon gumulong gulong ang katawan nito

"Mamaya na kita papatayin uunahin ko muna sila sugod!"

Sumugod ang mga aswang sa mga nagpapatrolyang tanod sa bawat aswang na papalapit sa mga ito ay pinapaputukan nila

"Pare wala na akong bala"
wika nang tanod na may baril

"Ikaw"
wika nang lalaking naka-jacket dinampot nito ang ulo nang tanod na may hawak na baril gamit gamit ang dalawang kamay ay piniga nito ang ulo hanggang mapipi at lumabas ang dugo at utak

"Takbo!"
malakas na sigaw nang iba pang mga tanod

Ang kanina lamang na matapang na mga kalalakihan ay tila mga bata na takot na takot

Mabilis silang tumatakbo nang madapa ang isa nilang kasama

"Ahhhhhh!"
wika nang lalaking nadapa habang pinagpyepyestahan ang kanyang katawan nang mga aswang

"Bilisan nyo malapit na sila"
wika nang isang tanod

Hanggang tuluyan na silang masakmal nang mga matatalim na mga ngipin nang aswang at ginawa silang hapunan nang gabing iyon

"Ngayon ikaw naman Albularyo"

Pero paglingon nang nakajacket na aswang ay wala na si Alex sa lugar na pinaghagisan nya

Lumapit sya at nakita ang mga dugo

Dugo na galing sa mga sugat ni Al

"Ayos lang hindi ka naman makakatakas"

Habang abala kanina ang mga aswang sa pagtugis sa mga aswang ginamit ni Alex ang pagkakataong iyon upang makalayo

Kahit hirap na hirap sya ay nagpatuloy lang sya sa paglakad

"Kailangan ko silang mailayo para kay Anna para sa magiging anak ko".

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon