Chapter 41. Ang Ginintuang Bigas

2.1K 134 7
                                    

"Paano ka nakakatiyak na sya nga ang nawawalang prinsepe?"
Usisa ni tandang kito

Sa palagay ko ay may pagdududa rin sa mga mata nang iba pang pinuno

"Sya ang prinsepe at napatuyan ko iyon batay sa kanyang mga kwento"
pagtatangol sa akin ni baku

"Isa lamang syang pangkaraniwang tao"
muling sagot ni tandang kito

Napatingin sa akin ang mga pinuno at ramdam ko na nag aalinlangan nga sila at naguguluhan

"Sinabi nya na pinalaki sya nang isang albularyo maaring ginamitan sya nang orasyon upang matago ang kanyang tunay na kaanyuan"
Muling tangol sakin ni baku

"Kung ganon pakainin sya nang ginintuang bigas"
mungkahi ni alexa

Na sinang ayunan naman nang lahat

Ginuntuang bigas?
inosenteng tanong ko

Hinawakan ako ni baku sa aking balikat samantalang si richie naman ay tumango sa akin

"Ang ginintuang bigas ay ginagamit upang sapilitan na ipakita ang tunay na kanyuan nang isang manlilinlang'
Paliwanag ni baku

"Pero master ang ginintuang bigas ay di maaring kainin nang isang tao dahil kamatayan ang bunga nun"
wika ni ritchie

"Handa ka naba?"
tanong ni tandang kito

Napatingin ako sa mukha ni anna pag aalala ang nababakas ko sa kanyang mukha

Nginitian ko sya at pinakita ko sa kanya na wala syang dapat ipag alala

Inilabas nila ang isang maliit na mangkok na mayroong mga bigas na kulay ginto ang kulay

Kumuha ako don nang ilang piraso at saka kinain...

Ang leeg ko di ako makahinga

Hawak hawak ko ang aking leeg at ang sakit nang aking dibdib hanggang mapaluhod ako sa sahig

"Alex"
sambit ni anna

Di ko malaman ang aking gagawin dahil sa sakit na aking nararamdaman

Naramdaman kong humahaba ang aking mga tenga at lumalaki ang aking katawan

Ang aking buhok na humahaba na halos lumampas na sa aking balikat

Nagkaroon ako nang makisig na pangangatawan

Dahan dahang lumuluwag ang aking paghinga at naging mas maganda pa ang pakiramdam ko kaysa sa dati

"Alex ikaw parin ba yan?"
Mahinang tawag ni anna

Kakaibang lakas ang nararamdaman ko sa aking bawat aking kalamnan

"Ako parin ito anna wag kang matakot"

Niyakap ako nito pero halos hanggang dibdib ko na lamang ang taas nito

"Sya nga ang mahal na prinsepe pagpasensyahan nyo ko sa aking pagdududa"
Panghihingi nang tawad ni tandang kito

"Ayos lang"

Napatingin ako sa aking mga agimat at unti unti itong natunaw gayon din ang nakasuot kay anna

"Anong nangyari sa aking mga agimat?"

"Mga agimat palagay ko ay nawala na ang mga bisa nito at naging kaisa na lamang nang iyong katawan
Sabi ni marco

Sa tingin ko ay may katotohanan naman ang sinasabi ni marco marahil ang aking kapangyarihan ay nilipat sa mga agimat

Upang mawala ang aking pagiging engkanto at maging isang normal na tao

Umalis sandali si marco at pagbalik nya ay may dala syang isang baluti

Isang baluti na gawa sa ginto at may magagandang mga desenyo

Isang espada na may kalakihan ang haba at laki nito kaibahan sa aking ginagamit

Eto nga pala ay kalasag at sandata na ginagamit nating mga puting engkanto sa ating pakikidigma
sabi ni marco

Pero tinangihan ko iyon at nabigla sya

"Meron na akong sandata na ginagamit at kung totoo man na nalipat na sa akin ang kapangyarihan nang mga agimat ay may malakas na akong proteksyon at magsisilbi kong kalasag"

"Kung gayon ang iyong nais ay wala kaming magagawa"
Sabi ni marco

"Maghanda na ang mga pinuno at pupunta na tayo sa punong lungsod upang palayain ang mga alipin ikaw ritchie hatid mo ang prinsepe at ang babae sa harap nang palasyo matapos namin palayain ang mga alipin at matipon ang mga maghihimagsik ay sabay sabay na natin papasukin ang kaharian"
sabi ni baku

Ang punong lungsod ang gomo ay tirahan nang mga matatas na antas na mga engkantong itim ang mga engkantong naging alipin ay kanilang pinagtratrabaho ayon sa kanilang kagustuhan

Ang sinumang hindi sumunod na alipin ay kamatayan lamang ang kanilang kakahantungan.

Please vote and follow me
Add nyo rin ako sa fb
facebook.com/simbulan.arnel
kung may tanong kayo o suggestion thanks :)

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon