Chapter 59. Buhay Mag-Asawa

2K 102 3
                                    

Maganda ang sikat nang araw ang mga ulap na nagbibigay lilim sa amin gayundin ang preskong hangin na dumadampi sa aming balat

"Anong kondisyon ba iyon Anna?"

"Gusto ko na mamuhay tayo nang normal gaya nang mga ibang tao at hindi na muling maging mga albularyo"

Natigilan ako at napaisip kung papayag ako sa kondisyon na kanyang ini-aalok

Isang mahabang hinga bago ibinigay ang nais nyang marinig

"Pumapayag ako"
Sabay ngiti

"Salamat alex!"

Masaya kaming haharap sa panibagong buhay nang magkasama wala nang mga bagay tulad nang engkanto duwende o kahit ano pang elemento mga masasamang espirito

Sa sandaling oras ay narating na namin ang aking tahanan

"Mag-iingat ka Alex"
wika ni baku

"Salamat Baku"

Di narin sya nagtagal at lumipad na pabalik patungo sa kakahuyan

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan nang aking bahay umusok ang mga alikabok na kumapit sa buong kabahayan

"Mukhang mapapalaban tayo sa linisan ah?!"
wika ni anna

"Palagay ko nga"

Ilang linggo lamang ay nagpakasal na kami at naging legal na mag asawa

Naging masaya naman ang aming pagsasama pero di parin maiiwasan na dayuhin kami nang ibang mga tao upang magpagamot o hihingi nang tulong sa kung anuman ang gumagambala sa kanila

Pero tanging pagtanggi lamang ang kanilang napapala sa amin

Nagtrabaho ako bilang isang magsasaka nagpapa-alipin sa bukid nang may bukid para lang kumita nang salapi

Mahirap sa una pero ganun siguro talaga wala naman madaling trabaho sa buhay pag uwi ko naman ay napapawi ang pagod ko pag inaasikaso na ako nang aking magandang may bahay

Si Anna naman ay nagtitinda nang kakanin na pwedeng meryendahin turon banana que at kamote que

Payak na pamumuhay pero masasabing kontento na ako sa ganitong buhay

Mag aanim na buwan na kaming mag asawa nang umagang iyon ay dumuduwal si anna nang aking matanaw

Nilapitan ko sya at hinagod ang kanyang likuran

"Ayos ka lang ba anna"

"Masama ang pakiramdam ko at nahihilo ako"

Nagpatingin kagad kami sa mangagamot at nakumpirma namin nagdadalang tao si Anna

Masayang masaya kami at sa wakas ay magkakaroon na kami nang supling

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang nasa ika walong buwan na nang pagbubuntis si Anna

Madalas akong wala sa aming tahanan upang maghanap nang ibang mapagkukunan nang pera para sa panganganak ni Anna

Tahimik ang buong paligid nang makauwi ako galing sa aking paghahanap buhay sumama ako sa aking kakilala at naging pahinante nang gulay

Kabilugan nang buwan ang dilim ay namamayani sa buong paligid marahan kong binuksan ang pintuan nang aming bahay ayaw kong marinig ni anna ang aking pagdating upang hindi na ito maistorbo sa kanyang pagkakatulog

Dumiretso ako sa aming silid nang pabukas ko nang pintuan ay nabigla ako sa aking nakita

Habang mahimbing na natutulog si Anna ay may mahabang dila na dahan dahan bumababa sa kanyang tiyan

Ang mahabang dila ay nakalusot sa butas sa aming bubungan walang duda isang aswang ang nais na kumain nang sanggol sa sinapupunan ni Anna

Ang itak na gamit ko na pantabas nang mga talahib sa bukid ay laging nakasukbit sa aking beywang

Hinugot ko ang aking itak at handa nang ipagtanggol ang aking mag-ina sa naka-ambang panganib.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now