Chapter 19. Plano.!! Paano..??

2.8K 140 2
                                    

Paano ko tatalunin ang aking kalaban na kasing taas ng puno ng buko..??

Isang komplikadong plano ang nabuo mula sa aking malikot na isipan kung tutuusin isang kabaliwan ang aking nais gawin

Balak kong bunutin ang puno ng buko sa aking tabi at ihampas sa aking kalaban

Agimat na nagbibigay lakas tulungan mo ko

Ubos lakas kong binunot ang buko halos mautot na ko sa pwersa pero di manlang ito natinag sa kanyang magkakatanim

Ulit ulit kong sinubukan pero bigo ako

Teka isang madilim na anino ang sa akin ay tumakip

Isang hugis talampakan ang sa akin ay mabilis na dumarating

Mabuti na lamang at may bisa parin ang agimat na nagbibigay ng ankin bilis kaya nakaiwas ako sa kanyang pag atake

Nadurog ang bahagi na kanyang natapakan ang isang maliit na bahay at pati narin ang buko..

Naputol na ang buko napangiti ako kahit papaano ngayon ay kailangan ko na lamang kunin yon at ihampas sa nilalang na ito

Pero alam kong di magiging madali yon dahil may kabigatan ang punong yon..

Pumoporma ulit ang mambabarang na umatake itinaas nito ang kanyang paanan at akmang aapakan ulit ako..

Alam ko namang di uubra yon dahil mabilis ako..

Napatingin ako sa aking agimat wala na ang liwanag ng agimat ng bilis ibig sabihin lang non wala nang bisa ang agimat ko

Napalunok ako ng laway mabilis ang pagbagsak ng paanan ng mambabarang

Mabilis akong kumaripas ng takbo ga-buhok na lamang ay muntikan na akong madurog

Ang laki na ng pinsalang ginagawa ng mambabarang ilan sandali pa ay mawawasak na ang halos lahat ng mga kabahayan dito...

Isa lang ang aking dapat gawin ang sundin ang aking naunang plano

Hingal na hingal na ko at ramdam  ko na ang kapaguran sa aking buong katawan tumutulo na rin ang butil butil na pawis na parang mga patak ng ulan sa langit

Pagod man ay kailangan kong mapuntahan ang puno ng buko pinuntahan ko iyon sa abot ng aking lakas..

Hinawakan ko ang dulo ng buko kung saan walang mga dahon at sinubukan ko itong buhatin

Unti unting kong naangat ang puno ng buko na parang isang maliit na patpat

Napakagaan non napansin kong umilaw na ang agimat ng lakas marahil ay di pwedeng pagsabayin ang pag gamit sa aking mga agimat

Saktong sakto lamang yon dahil malapit na sa akin ang aking kalaban

Hinampas ko ang puno ng buko tumama ito sa kanyang paanan at nagsi-alisan ang mga insektong naroroon

Parang nalusaw ang paanan nito sa nagsi-alisan na mga insekto

Dahil sa wala nang sumusuporta sa kanyang paanan ay bigla na lamang ito bumagsak sa mga bahay at nadurog ang anumang kanyang madaganan

Isang matandang babae ang sa akin ay papalapit si miss sunshine yon at may hawak na isang sulo ng apoy

Inihagis nya ang sulo ng apoy sa mga bahay at mabilis na nagliyab ang mga yon dahil yari lamang sa kahoy at mga pawid

Isang napakalakas na apoy ang tumupok sa libo libong mga insekto sa paligid  sa ilan sandali pa ay tanging abo na lamang ang natira sa mga kabahayan gayon din sa mga insekto.

Nasira man ang kanilang mga bahay ay maari pa naman sila magtayo ng panibagong tahanan

Isang tahanan na ligtas sa isang tao o sa kanyang libo libong mga insektong nagasunod..

Ang barrio ng Sapang palay ay makakapag umpisa na ulit mamuhay ng Normal

Please Vote :)

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt