Chapter 62. Si Al Ang Bagong Albularyo?

2K 106 5
                                    

Ang magdamag na puno nang kaguluhan ay natapos na muli nang sumikat ang araw at isang babaeng nakatulog sa isang malaki at matandang puno nang baliti

Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mata at nasilaw sa sinag nang liwanag na galing sa araw

Bumangon sya bigla nang maalala ang nanyaring trahedya kagabi

"Si Alex"
naisip ni anna kung ano na ang nagyari kay alex

Mabilis syang tumakbo palabas nang kakahuyan nanlumo sya nang matanaw ang kanilang sunog na bahay

Ang mangilan ngilan na usok galing sa mga nauling na parte nang kabahayan

"ALEX!"
malakas na sigaw ni anna

Pero walang alex ang tumugon sa kanyang pagtawag inilibot nya ang kanyang paningin sa paligid umaasang makita nya ang kanyang asawa

Mula sa di kalayuan natanaw ni anna ang itak ni alex puno ito nang dugo at nakabagsak lamang sa lupa kasama nito ang duguang damit ni alex

Punit punit ang damit at puno nang mga natuyong dugo

Dinampot nya iyon at tsaka niyakap walang lumabas sa kanyang bibig na anumang salita tanging luha lang ang tumulo sa kanyang mga mata

Maraming luha nang pagdadalamhati

Inilibing ni anna ang itak at ang damit ni alex sa malapit na nasunog na bahay naisip nya na kinain na nang aswang ang katawan ni alex at tanging damit nya lamang ang itinira nang mga ito

"Alex wag kang mag-alala sa amin aalagaan ko ang anak natin kaya sana ay matahimik na ang iyong kaluluwa babalik na ako sa pulong gubat paalam na alex"

Sabi ni anna sa ginawang puntod ni alex sanay lakad pabalik sa kanyang lumang bahay sa pulong gubat

Mabilis na lumipas ang panahon ang araw ay naging buwan at ang buwan ay naging taon may sampung taon na ang nakakalipas nang maganap ang pangyayari na iyon

Si Anna ay abalang nagluluto nang ginisang gulay sa may kusina para sa pananghalian nang tawagin sya nang isang bata

"Ina'y tignan nyo ang aking nahuling baboy ramo sa gubat"

Wika nang anak ni anna  buhat buhat ang isang baboy ramo na higit na mas mabigat nang limang ulit sa kanya

"Al sinabi ko na sayo na wag kang pupunta nang gubat mapanganib don"

Galit na puna ni anna

"Wag kang mag-alala sa akin ina mana ako sa ama ko na isang malakas na lalaki diba yun ang kwento nyo sa akin tungkol kay ama sayang lang hindi ko sya nakilala"

Hinimas ni anna ang ulo nang anak at iniyap

"Wag kang malungkot nandito naman ang inay mo at hindi kita iiwan"

"Inay eto nalang huli ko ang lutuin nyo eh nang makatikim naman ako nang karne at hindi puro gulay"

"Aba ayaw mo nang gulay lalo kang lalakas"

"Malakas na ako di ko na kailangan nang gulay"
At mabilis na ibinababa ang kanyang huling baboy ramo

Si Al ay anak ni alex at anna may sampung taon na syang namumuhay nang tahimik kasama ang kanyang ina

Namana nang bata sa kanyang ama ang natatanging lakas at angking bilis dahil may lahi itong engkanto

Si Anna naman ay nagbalik sa kanyang pangagamot sa kanilang barrio

Samantalang pag wala naman nagpapagamot kay anna ay tinuturuan nito ang kanyang anak na si al na magbasa at magsulat

Pero madalas ang nais lamang ni Al ay marinig ang kwento nang kagitingan at katapangan nang kanyang ama

Nangarap din ito na maging albularyo pero walang balak na payagan ni Anna si Al na tahakin ang magulong mundo nang isang Albularyo

"Ina'y ako ang papatay sa mga aswang na pumatay sa aking ama"
wika ni al sa kanyang ina nang minsan ay nag-aaral sila nang pagsusulat

Nabigla si Anna kumunot ang noo nito at nag init ang ulo sa sinabi nang anak

"Tumigil ka nawala na ang ama mo sa akin ayaw kong pati ikaw ay mawawala rin kaya wag mo nang subukan ipaghiganti ang iyong ama"

Yumuko lamang si Al pero buo sa loob nya na gawin ang naiisip nya na ipaghiganti ang kanyang ama

Minsan isang araw habang abalang nangagamot ang kanyang inay ay tumakas si al upang pumunta sa kakahuyan

Lagi syang pumupunta sa may masukal na bahagi nang kakahuyan upang mangaso nang kung ano ano

Madalas syang makahuli nang ibat ibang uri nang ibon mga bayawak at minsan kung sweswertihin makakakita sya nang ligaw na baboy ramo

Ang kakahuyan na ang nagsilbing palaruan ni Al upang mahasa ang kanyang mga kakayahan

Sinubukan ni Al na pasukin ang mas malalim na bahagi nang kagubatan ngayon lamang nya ginawa ito upang mangaso dahil wala na syang mahanap sa dati nyang lugar na pingangasuhan

Papalubog na ang araw at malapit nang magdilim kaya nagpasya na lamang syang bumalik na kahit wala pa syang nahahanap na hayop na maari nilang ulamin sa gabing iyon

Nang makatanaw siya nang maliwanag na bola umaapoy ito at nagbabaga at dumaan sa kanyang harapan

"Ano yon ngayon lamang ako nakakita nang isang bolang apoy na lumulutang sa ere"

Sinundan nya ito kung saan pupunta ang bolang apoy ngunit bigla na lamang ito naglaho at ngayon lamang nya napansin na naliligaw na sya at hindi nya na alam ang daan pabalik sa kanilang bahay

"Naku malas saan kaya ang daan pabalik dito kaya o dito?"

Naguguluhan na sya at hindi alam kung saan pupunta nang makakita sya nang isang baga sa may kalayuan at tinungo iyon

Mausok ang buong paligid at ang buwan na lamang ang nagsisilbing liwanag sa kakahuyan iyon

Nangagaling ang liwanag sa tabako na hinihithit nang isang kapre puno nang makapal na balahibo ang katawan nito at nakakatakot ang pagmumukha nito

Palibhasay bata ay wala pang masyadong alam si Al tungkol sa mga nilalang at mga lamang lupa

"Ah eh mamang malaki at balbon ang katawan maari ba akong magtanong?"

Pinagmasdan lamang sya nang kapre at tinitigan

"Anong ginagawa nang isang bata dito?"

Si Al ay naligaw makabalik pa kaya sya sa kanilang bahay?

Authors Note:
Yung mga susunod na chapter ay magiging narrative nalang para makwento ko nang maayos ang mga pangyayari medyo mahirap kasi kung Point of view style ang gagawin.
thanks :)

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now