Chapter 80. Paghahanap

2K 94 10
                                    

Maganda ang simula nang araw maganda ang daloy nang tubig naging mapayapa ang paglalayag nila hanggang makarating sa kabilang panig nang ilog

Nang makarating na sa kabilang bahagi nang ilog ay sumakay na sila nang dyip papunta nang pulong gubat wala na silang inaksayang panahon pa

Habang nasa byahe hindi maalis kay Al ang labis na mag-alala sa kanyang ina napansin ito ni Andoy

"Ayos kalang?"
tanong ni Andoy kay Al

"Nag-aalala lang ako kay ina sya nalang kasi ang aking kasama sa buhay"

"Wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat gumaling lamang sya"

Napangiti si Al at naging panatag nawala ang labis na pag-aalala nito

"Kayo po ba mang Andoy wala po ba kayong pamilya"

Hindi ito kumibo kay Al at binaling ang paningin nito sa daan hindi na muling nagtanong pa ang bata

Tanghali na nang marating nila ang pulong gubat maganda ang sikat nang araw

"Dito po mang Andoy"

Nagulat si Andoy nang makita ang bahay na itinuro sa kanya ni Al

"Bakit po tayo na!"
muling sabi ni Al

"Sige"

Binuksan ni Al ang pintuan nakita nya si Ester na nakayuko sa may upuan at umiiyak

"Ester"

Nagulat si Ester na nayakap si Al

"Ang iyong ina Al"

"Anong nagyari sa kanya"

Mabilis nilang tinungo ang silid nang kanyang ina ang buong katawan nito ay naging haliging bato tila isang rebulto

Mabilis na niyakap ni Al ang ina nya na naging isang bato

Natigilan si Andoy nang makita ang ina ni Al

"Anong pangalan nang iyong ina?"
tanong ni Andoy

"Anna po bakit?"

"Ah wala"

Mabilis na nilapitan ni Andoy si Anna sinuri nya ito at inalam ang kalagayan

"Ano po mang andoy gagaling paba sya?
wika ni Al habang umiiyak

Umiling si Andoy sa kanya

"Tuluyan nang kumapit ang sumpa sa kanya kailangan natin malaman kung sino ang may gawa nang sumpa at sabihin sa kanya na tangalin ito alam mo ba kung sino ang unang nagkaroon nang sumpa na pinagaling nang iyong ina"
wika ni Andoy

"Ang alam ko po merong talaan si Ina kung saan niya sinusulat ang lahat nang kanyang ginamot"

Tinungo ni Al ang lamesa kung saan naroon ang talaan nang kanyang ina hinanap nya at tinignan mabuti ang petsa nakita nya ang tamang talaan at tinignan ang huling ginamot nagngangalang Jose Adriano edad 45 at nakatira sa bayan nang Pulilan sa bulacan

Binitbit nya iyon at dinala kay mang andoy

"Dito tayo magsisimula nang paghahanap sa may gawa nang sumpa"
wika ni Mang Andoy

"Ayaw ko napong mag-aksaya nang oras maari po bang umalis na tayo"

"Al paano ako isama mo naman ako"
pangungulet ni Ester

"Pasensya na Ester pero mapanganib ang pupuntahan namin at isa pa sino ang magbabantay kay ina"
paliwanag ni Al

Nakasibangot ito habang umaalis

"Teka Ester"
muling tawag ni Al

"Bakit isasama mo na ba ako?"

"Hindi pero ipinangangako ko uuwian kita nang pasalubong pagbalik namin"

"Akala mo ba makukuha mo ko sa pasalubong pero sige na nga pag kinalimutan mo yung pasalubong ko wag kanang uuwi"

"Hindi ko kakalimutan pangako"

Minsan pa ay muli nyang iiwanan ang kanilang tahanan upang maghanap nang lunas para sa kanyang ina

Hindi na nagpatumpik tumpik pa ang dalawa umalis kagad sila at humanap nang masasakyan isang traysikel ang kanilang pinara

Ibinaba sila nang traysikel sa bayan nang malolos mula roon ay sumakay sila nang dyip papunta nang pulilan

Halos maghapon din ang kanilang byahe bago marating ang bayan nang pulilan

"Wow ganito pala ang itsura nang syudad"
sabi ni Al na manghang mangha sa maraming kotse na nagbyabyahe sa kalsada mga matatas na gusali at mga taong abalang abala sa kanilang ginagawa

"Ngayon ka palang ba nakapunta sa lungsod?"

"Opo eh kayo po?"

"Minsan nung nagtratrabaho pa ako bilang pahinante nang gulay pero mahabang panahon na yon halika na"

Dumaan sina Al at Mang Andoy sa mga iskinita upang magtanong tanong tungkol sa lalaking kanilang hinahanap hanggang may makapangturo sa kanila nang impormasyon ukol sa lalaki

Nakarating sila sa isang magarang bahay na sinasabing dito nakatira ang lalaking kanilang hinahanap punong puno nang makukulay na bulaklak ang hardin nang bahay

"Tao po"
malakas na tawag ni Andoy

Hanggang isang lalaki na may katabaan nakasuot ito nang putinfmg sando at maikling shorts maputi rin ito at halatang marangya ang kanyang buhay ang lumalapit sa gate nang bahay pinagbuksan sila nito

"Ano kailangan nila?

"Ah ako si Andoy at sya naman po si Al itatanong ko lang ho kung dito nakatira si jose adriano"

"Ako si jose ano bang maitutulong ko?"

"Nagpagamot po kayo sa aking ina si Anna po nang pulong gubat"
wika ni Al

"Ah oo magaling na mangagamot ang iyong ina napagaling nya ko"

"Nung napagaling nya po kayo sya naman po ang unti unting naging bato at ngayon bato na po ang buong katawan nya"

"Ah ganon ba halikayo sa loob para mapag-usapan natin"
aya nang lalaki

Pumasok si Al at Andoy sa loob nang bahay nang upang pag-usapan kung saan nga ba nagmula ang sumpa at paano ito nakuha ni jose.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now