Chapter 69. Alay

1.9K 96 2
                                    

Kinuha nang matandang babae ang kutsara at hinalo ang tinimpala nyang kape

Lumabas ito sa kurtinang tabing at hinarap si Al

"Magkape ka muna"
wika nang matandang babae kay Al

Iniabot nya ang mainit na kape kay Al kakaiba din ang tawa nito na tila may binabalak na masama

Inamoy muna ni Al ang kape at tila nagdududa sya kung may ikinabit na gamot ang matandang babae

"Sige na uminom kana"

Ulit na alok nang matandang babae sa kanya tutok na tutok ito naghihintay na higupin ni Al ang itinimplang kape

Nang biglang ibinuhos ni Al ang mainit na kape sa mukha nang matandang babae

"Patawarin nyo po ako lola"
Mabilis na tumakbo si Al sa palabas nang pintuan

Habang papalayo si Al naririnig nya pa ang sigaw nang matandang babae sa sakit na nararamdaman nito sa pagkapaso

Mabilis din lumalabas ang matandang lalaki si macario may dala itong malaking itak at hinahabol sya

Unti unting nadaragdagan ang bilang nang humahabol sa kanya hanggang sa buong baryo na ang sa kanya ay mabilis na tumutugis

Sa bilis ni Al ay mabilis syang nakalayo at umakyat sa isang malaking puno upang doon ay magtago

Ang maraming grupo nang mga taga baryo ay matyaga syang hinanap na inabot na nang pagsapit nang gabi

Ang mga taga baryo na patuloy parin sa kanilang paghahanap maya dala silang mga sulong ilawan at iikot ikot lamang sa paligid

Nang biglang tumunog ang kampana isang malakas na ugong na dinig sa buong palagid

Dahan dahang nag-iba ang mga mga baryo at pumunta kung saan naroon ang umugong na kampana

Ang mga tumutugis sa kanya ay dahan dahan nawawala at umaalis hanggang tuluyan nang mawala ang lahat

Bumaba si Al sa puno iyon na ang tyansa nya upang tumakas nang magtaka sya kung ano nga ba ang pupuntahan nang mga taga baryo

Natanaw ni Al ang liwanag nang isang malakas na Apoy tila may pagtitipon na nagaganap roon

Maingat nyang pinuntahan ang dako kung saan may malakas na liwanag nang Apoy

Umakyat syang muli sa puno upang matanaw kung ano ang nagaganap sa ibaba

Ang mga nakahererang mga taga baryo nakapila lamang sila at tila may inaantay na kung ano

Ilang sandali pa ay dumating ang isang nakamaskarang tao nakasuot ito nang kambing na maskara at nakasuot nang mahabang kasuotan may mga kasamahan din ito na sumusunod sa kanyang likuran

"Mga tagasunod ko!"
wika nang nakamaskara

Kasunod nang malakas na sigawan nang mga taga baryo

Maya maya pa ay may lumalapit na isang batang babae nakasuot ito nang puting bestida at bigla syang hiniga nang nakamaskara sa isang batong lamesa

"Ngayon iaalay natin ang batang babae na ito sa ating dyablong hari upang muli tayong bigyan nang masaganang ani at ilayo tayo sa anumang karamdaman"

Inilabas nito ang punyal at itinutok sa itaas nang babae akma na nitong sasaksakin sa puso ang babae

"Itigil mo yan!"
malakas na sigaw ni Al

Nagulantang ang lahat at natigilan ang nakamaskara sa kanyang ginagawa

"Sino ang lapastangan ang sumira sa ating pag-aalay"
wika nang galit na nakamaskara

Tumalon mula sa puno si Al tinapakan nito ang ulo nang taga baryo upang makapalipat lipat upang marating ang babaeng alay

Hanggang makarating ito sa lamesang kinalalagyan nang batang babae nakita sya nang nakmaskara at akmang sasaksakin sya nang bigyan nya ito nang malakas na sipa sa mukha

Tumalsik ang maskara nito at tumambad ang kulay pula nitong mukha makakapal na kilay at nanlilisik na pulang mata

"Tayo na"
wika nya sa babaeng nakahiga

"Wag iwan mo na ako ito ang nakatanhana sa akin"

Pero pilit parin syang isinama ni Al palayo sa nakamaskarang nilalang Tumakbo sila palayo sa mga taong galit na galit sa kanila

Tumakbo sila hanggang makarating sa isang kubo at isinara nang maayos ang pintuan iniharang pa nito ang mga upuan upang hindi ito mabuksan nang madali

Hindi nakita nang mga taong naroon na pumasok sina Al sa isang kubo kaya ligtas sila sa ngayon hanggat hindi pa sila nahahanap nang mga ito

"Ayos ka lang ba?"
tanong ni Al sa batang babae

"Bakit mo ba ako iniligtas?"

Hindi naka-imik si Al kung bakit nya ba niligtas ang batang babae ayaw nya naman sabihin na nabigla lang sya at ayaw nyang nakakakita nang namamatay

"Ano bang nagyayari sa bayan na ito? ikaw bakit ka nila papatayin?"

"May limang taon na ang nakakalipas nang dapuan nang salot ang mga pananim dahil wala nang maani namamatay ang mga tao sa gutom matinding tag gutom dahilan upang hindi na sila sumampalataya sa diyos hanggang dumating ang isang maskaradong nilalang si Adolfo nagpakilala siyang tagasunod nang isang dyablo muling sumagana ang mga pananim at higit pa sa dati ang kanilang inaani ngunit sa kabila nang mga biyaya kailangan mag alay nang bata sa dyablo isang beses kada anim buwan kaya bago pa man ang araw pinipili na ang alay at ako yun"

"Anong magyayari pag hindi natuloy ang pag-aalay"
Sunod na tanong ni Al

"Ngayon gabi pag hindi natuloy ang pag-aalay babangon ang dyablo sa kanyang pagkakatulog at tatapusin nya ang lahat nang tao sa San Lorenzo"

Authors Note:
Sorry medyo natagalan ang update

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now