Chapter 27. Ang Pagtapak Sa Pinagbabawal Na Kakahuyan

2.5K 122 4
                                    

Alex POV.

Bago pa man sumikat ang haring araw ay nag umpisa na akong maghanda ng aming kakailanganin

Mga pagkain,tubig at mga paunang gamot

Isinuot ko narin ang aking mga agimat pati narin ang aking ispada

Alex handa ka naba?

Oo naman ikaw ba?

Di kasi ako makatulog kagabi eh kaya mas maaga ko na hinanda ang aking kakailanganin

Sigurado kaba sa pagsama sa akin anna?

Oo naman at tsaka may kailangan din ako malaman.

Malaman?

Ah wala

Hmmm sa tingin ko ay may itinatago sya sa akin na hindi ko alam di ko na lamang sya kinulit

Sya nga pala Anna
May libro akong nakita sa may kwarto ng aking lolo

Sabay abot ng nasabing libro dito

Orasyon ang libro na ito..

Tila natahimik sya at tinitigan lamang ang libro na hawak

Sa lola ko ang libro na ito ang mahiwagang libro ng mga orasyon

Pero blanko lamang ang laman nyan

Sadyang itinago ang mga orasyon sa mga kasulatan na ito at tanging may talento lamang ang kayang makapagpalabas ng mga orasyon

Wala ako masyado maintindihan pero mukhang importante ang libro nayon sa kanya

Sa lola mo naman yan dalhin mo baka sakaling magamit natin sa ating paglalakbay

tumango lang si anna sa akin..

Matyaga kaming naghintay ng masasakyan at nagtungo na sa kakahuyan sa likuran ng aming bahay

Tanghali na nang nakarating roon

minabuti ko na pumasok sa parte kung saan ako nagsimula nang una kong pasukin ang nasabing kakahuyan

Hinawakan ko ang kamay ni anna at sabay kaming pumasok na sa gubat

Nanlalamig ang kamay nito at namumutla ang kanyang mukha

Hinubad ko ang agimat ng tapang upang isuot sa kanya

Hinawakan nya ang agimat at nagtanong

Agimat..??

Yan ay agimat na nagbibigay ng tapang sayo nayan..

Salamat alex tila nawala nga ang takot ko.

Sabay bigay ng matamis na ngiti nito sa akin

Patuloy lang kami sa paglalakad sa masukal na kakahuyan

Hanggang sa malapit na kaming abutan ng dilim aa aming paglalakad

Nagpahinga kami sa isang puno ng balete napakalaki non

Ayon sa lolo ko madalas daw tirhan ng mga elemento ang ganon klase ng puno

Kaya di na ko nagtaka ng may nagpakita sa amin na elemento

Gumalaw ang baging nang balite na parang may buhay at kinapitan si anna

Ang buong katawan nya ay napapalibutan ng maraming baging dahilan upang mawalan sya nang malay

Annna
Sigaw ko dito pero di sya nagigising

Ang katawan nito ay umaangyong mukha ng isang tao

Di ako nagkakamali nakasagupa kami ng isang engkanto na tuod

Binunot ko ang aking espada at handa nang makipaglaban sa isang engkantong tuod.

End of Chapter..

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now