Chapter 32. Ang Binibini Sa Ilog

2.4K 111 1
                                    

Handa na namin harapin kung ano man ang nasa likuran ng mga haliging bato na iyon

Ang pekeng lagusan ay nawasak pati narin ang isang malaking bahagi ng pader kung saan bumangga si inggo

Maari namin akyatin ang nakabuwal na katawan ni inggo upang makatawid mula sa bahaging nawasak

Inalalayan ko si anna upang makatawid pakabila at sumunod narin ako dito

Mula roon ay matatanaw ang mga nagtataasan na talahib at ibat ibang uri nang damo

Mga malalaki at nagtatandaang puno

Mula sa malayo makikita ang sinasabing bundok ni inggo

Marahil ang iba sa sinabi nya ay may katotohanan naman

Masyado pa kaming malayo upang marating manlang ang paanan nito

Kaya nag umpisa na kaming ipagpatuloy ang aming paglalakad patungo sa bundok

Mahaba ang aming paglalakad at ang pagod ay ramdam na nang aming bawat kalamnan

Hindi ko na kaya alex magpahinga muna tayo
Hingal na salita ni anna

Tumango ako dito tanda nang aking pagsang ayon

Papalubong narin ang araw at nagbabadya na ang dilim sa paligid

Kaya nagsindi kami ng apoy na magiging tanglaw namin sa gabing iyon

Nagpa-alam ako kay anna na maghahanap lamang ako nang prutas na maari naming kainin sa gabing iyon

Isinuot ko sa kanya ang agimat na nagbibigay ng proteksyon

Iingatan ka nyan habang maghahanap ako ng ating makakain
Sandali lang ako kaya wag kang aalis mukha naman ligtas dito

Naglakad lakad ako at umaasa na makakita nang mga punong kahoy na may bunga pero bigo ako

Hanggang sa isang pamilyar na tunog ang aking napakingan

Tama isang ilog kaluskos ng tubig mula sa isang ilog

Tinungo ko ang pinang gagalingan ng tunog at di nga ako nagkamali tama ang aking hinala

Maari akong kumuha nang tubig dito upang aming mainom

Napakagandang pagmasdan nang ilog ang malinaw na pag agos nito na tila nananalamin ang bilog na buwan

Ang napakalakas na sinag nang buwan na nagbibigay ng kakaibang liwanag sa paligid

Bilog ang buwan ngayon ko lang napansin na lumalim na pala ang gabi sa aking paghahanap

Nagtago ako sa damuhan malapit sa ilog nang mapansin kong hindi lamang ako ang tao dito

Isang binibini

Nakatalikod ito kaya maaring hindi ako nito mapansin

Ang mahaba nyang buhok at ang nakahubad nyang katawan ang nagbigay sa akin nang kakaibang pakiramdam

Humarap ito sa akin at tuluyan ko nang makita ang buo nitong hubad na katawan napakaganda nang lanyang katawan

Ang puti nang kanyang balat at ang ganda nang kanyang makinis na balat papalapit ito sa akin

Nang makalapit ito ay dinampot nito ang kanyang kasuotan at nagbihis

Isang kulay puting manipis na bestida na bumagay sa kanyang napakangandang mukha

Anong ginagawa mo dyan sa damuhan?

Tanong nito sa akin ang mapansin ako nitong nakatulala

Ah kasi balak kong kumuha nang tubig sa ilog

Halika

Kinuha nito ang kamay ko at di na ako makatangi sa bawat nyang sabihin

Halika sa ilog

Lumakad kami sa ilog palalim nang palalim ang aming nilalakaran

hanggang umabot na sa hanggang bewang ang tubig

Halika doon tayo sa mas malalim

Hindi ko alam ang aking ginagawa animoy nagayuma ako sa ganda nang binibini sa akin nagdadala sa ilalim nang ilog.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now