Chapter 18. Bagong Anyo

2.8K 119 1
                                    

Ang madilim na kalangitan dahil sa libo libong insektong lumilipad sa himpapawid

Nakakatakot na mga ingay na nagmumula sa maliliit na nilalang na yon

Napansin kong ang dami narin palang nakadapo sa aking buong katawan

Di ako makakilos wala na ba akong magagawa upang mailigtas ang barrio na ito mahina talaga ako at alam kong wala akong magagawa dahil mahina ako

MALAKAS KA
MANIWALA KA LAMANG SA IYONG MAGAGAWA...

Teka sino yon???

Mga boses na pumapasok sa aking isip akoy bay nasisiraan na ng bait at kung ano ano na ang aking mga naririnig

kaya mo yan...

Tonio???

Di ako pwedeng magkamali boses ni tonio yon at pilit nyang pinapalakas ang aking loob

Ang agimat na sa akin ay nagbibigay ng angking tapang ay kanina pa nagliliwanag

Tama sya taglay ko na ang ilan sa mga agimat sa ganitong antas ay maari na akong tumapat sa mambabarang

Pinilit kong ikilos ang aking katawan at napagalaw ko yon

Ayos mukhang nawala na ang bisa ng kagat ng mga nakakairitang insekto

Mabilis akong sumugod sa mambabarang

Mabilis haha.. ang aking agimat na nagbibigay bilis ay nagliwanag at ako ay binigyan ng anking bilis

Ang aking kilos na kasing bilis ng isang kidlat...

Mabilis akong nakalapit at halata sa mukha nya ang pagkagulat

Isang malakas na suntok sa kanyang mukha ang aking pinakawalan at sya ay nahandusay sa lupa

Pero isang kumpol ng mga insekto ang sa akin ay umatake ang nagsama samang mga insekto ay bumuo ng isang malaking hugis na kamao na may laki ng sampung beses sa kamao ng tao

Hinarang ko ang kamay ko upang sangahin ang atake pero sa lakas non ay lumipad ako at tumama sa isang puno ng buko sa may kalayuan

Ang maliit na insekto ay walang magagawa pero ang nagsama samang mga maliit na insekto ay nagbibigay ng malakas na opensiba ng kalaban

Tumayo na ang mambabarang teka kakaiba ang kanyang kinikilos

Tumayo ito at ibinuka ang kanyang dalawang kamay

Aking mga kaibigan ipahiram nyo sa akin ang inyong kapangyarihan...

Malakas na pagsigaw na halos maririnig sa buong barrio

Ang maliit na insekto ay unti unting lumalapit papunta sa katawan ng mambabarang..

Parami ng parami
Pakapal ng pakapal hanggang ang kanyang buong katawan ay mapuno ng kulay itim na mga insekto

Patuloy lang ang pagdami ng insekto na dumidikit sa kanyang katawan

Nakakabuo ito ng isang malaking hugis ng tao ang laki noon ay di pagkaraniwan kaunti na lamang ay magiging kasing laki na yon nag buko na aking katabi

Isang malaking tao na gawa sa napakaraming insekto ang nasa aking harapan ang kanyang bagong kaanyuan...

Nakakapangilabot ang itsura nito at naglalakad patungo sa akin kinalalagyan

Tumayo akong mabilis ramdam ko ang sakit sa aking likuran at wala akong maisip kong paano ko tatalunin ang kanitong kalaking kalaban..

Napatingin ako sa puno ng buko isang plano ang aking nabuo mula sa aking isipan.

Sana gumana ang aking naiisip...

SANA...??!

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now