Chapter 47. Ang Magkahiwalay Na Landas

2K 104 1
                                    

Anna POV-

Habang buhat ako ni ritchie nakita ko ang pag aalala nya sa kanyang mukha at halatang napilitan lamang sya na iwanan si alex sa ganoong sitwasyon

Mabilis kaming nakalampas dahil sa paghinto nang pagbagsak nang pader na kisame sa tulong narin ni alex

Hanggang kailan nya kayang pigilan ang pwersa upang hindi sya maipit nang mga batong iyon?

"Ahhhhggghhh.."

Alingawngaw na nagmumula sa madilim na daanan kung saan naroon si alex napansin ko rin na unti unting bumababa ang kisame nang daanan iyon

Pinagmasdan ko ang lugar na aming pinaglabasan isang kwarto lang iyon walang anumang bintana o pintuan na pasukan

"Anna tignan mo itong nakita ko"
tawag sakin ni ritchie

Mula sa kanyang harapan isang pihitan ang naroon

Gawa ito sa isang kahoy at ito ay naka-pwesto na pababa kung itataas ba namin yun ay muling aangat ang kisame sa may daanan

Biglang umingay ang bato at ang laki nang binagsak nito sa palagay ko ay di narin nya iyon matatagalan pa

"Itataas ko na ang pihitan nato"
wika ni ritchie

Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon sa kanyan

Dahan dahan nyang itinaas ang pihitan hanggang sumagad na ito sa taas

Pinapakiramdaman namin ang mga susunod na mangyayari sa isang tahimik na kwarto kung saan dinig namin ang bawat tibok nang aming puso

Biglang tumigil ang pagbagsak nang itaas na bahagi nang pader

Natuwa kami at nakahinga nang maluwag nang biglang bumukas ang sahig na aming kinatatayuan

At tuluyan kaming bumagsak sa isang malalim na butas

"Ahhhhhhhh"

"Wahhhhhhh"

Mga sigaw naming habang tuloy tuloy na bumabagsak

Ano meron sa ilalim nang butas na iyon?

Alex POV-

Nawala ang kabigatan na nararamdaman ko

Huminto na ang pader mula sa kanyang pagbagsak masaya akong nakahanap nang paraan ang aking mga kaibigan upang mapatigil ito

Mabuti pang simulan ko nang lumabas bago pa man ulit na bumagsak ang pader

Payuko akong lumabas nang mahabang landas

Ngunit paglabas ko ay walang anna at ritchie ang sumalubong sa akin

"Anna"

"Ritchie"

Malalakas na tawag ko sa kanila ngunit wala akong sagot na nakuha

Nilibot ko ang mata ko sa buong silid walang pintuan na naroon na pwede  nilang daanan

Isang pihitan ang aking nakita nakataas ang bahagi nito marahil ay ito ang ginamit nila upang mapahinto ang pader

Sinubukan kong ibaba ang pihitan bumagsak ang pader na aking dinaanan kanina lamang

Pagkaraan bumagsak ang pader ay biglang bumukas ang isang lagusan

Nasaan na kaya sila?

Lumakad ako papasok sa bumukas na daanan at nagpatuloy sa paghahanap papunta sa trono nang hari

Sa likod nang bumukas na daanan lumantad ang isang mahabang hagdanan pataas

Sa haba nang hagdanan ay hindi ko na matanaw kung ano ang naroon sa itaas

Ano ang meron sa dulo nang mga hagdan isa lamang ang paraan upang malaman

Inumpisahan ko nang akyatin ang mahabang hagdan

Umaasa akong sana ay walang nagyaring masama kay anna at ritchie

Di ko na mabilang yung nakaka-ilang hakbang naba ako sa haba nang paikot na hagdanang iyon

Hanggang sa wakas ay nakarating na ko sa hanganan nito isang malaking bintana natanaw ko mula sa ibaba ang mga naglalabang mga kawal mula sa magka-ibang lahi

Nagulat ako nang biglang sumulpot ang isang bakunawa mula sa himpapawid

Napaupo ako sa bigla

"BAKU?"

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now