Chapter 10. Gabi ng Lagim

3.6K 141 2
                                    

Yumuko si tonio at inabot ang kanyang ispada na nakasandal sa pader

Binigay nya ito sa akin

Sayo nayan...

Talaga akin na to..

Oo kakailanganin mo yan sa laban

Hinugot ko ang ispada na yon sa kanyang suksukan na kahoy

May kalumaan na ang ispada na yon pero wala kang makikitang kalawang at mukhang alaga sa linis

Ang talim nya ay nasa isang gilid lamang at ang tulis ng duluhan nito

Mas masasabi kong isang Katana ang ibinigay sa akin na ginamit ng mga Japanese Samurai

Ngayon ko lang napansin na may pagkasingkit ang mga mata ni tonio siguro ay may lahi itong hapon

Ingatan mo yan mahigit ng isandaan taon ang ispada nayan
sabi ni tonio

Isang daan taon?

Oo pamana pa sakin yan ng aking yumaong ama

Ayos lang ba talagang kunin ko to

Syempre nakatambak lang dito sa bahay yan ang ispadang yan ay pinanday para gamitin sa pakikipaglaban di yan bagay sa ilalim ng madilim na bodega

Maraming salamat po iingatan ko to

Sinabit ko eto sa aking lukuran pero pinagtawan ako ni tonio dahil sinasabit daw yon sa may tagiliran pero mas gusto ko sa likod para astig

Kayo anung gagamitin nyo?

Wag kang mag-alala papakilala kita sa dalawa kong kaibigan

Kaibigan?

Ang kanyang dalawang kamay ang dumukot sa magkabilang tagiliran at kinuha ang dalawang baril

Eto ipapakilala kita

Ang Unang baril ay si Itim isang 45 calliber na handgun

Ang Ikalawa ay si Puti na isang 45 calliber din

Pinangalan ko sila base sa kanilang mga kulay masaya magpangalan ng mga gamit ang pakiramdam nun ay pagpapangalan sa iyong mga anak

Si Momo ako din ang nagpangalan kinuha ko naman yun sa baka

Moo Moo Moo Moo

Diba parang baka ang kabayo

ang layo kaya..

At tsaka sabay kami nagtawanan

Tayo na kailangan na natin balaan ang mga taong bayan bago pa dumating ang angkan ng mga aswang

Paglabas namin ng pintuan ay bumungad sa amin ang mga residente ng bayan

Nagtipon sila sa harap ng bahay ni tonio may mga dala silang mga gulok, punyal at mga matutulis na sibat

Ang iba naman sa kanila ay may dalang mga kahoy na may apoy sa dulo nito

Tonio kung kamatayan ang naghihintay sa amin nakahanda kaming labanan sa mga Aswang nayan

sabi ng isang lalaki sa harapan na parang tumatayong kanilang lider

Paano nyo nalaman na susugod sila ngayon gabi

Ang totoo gabi gabi silang pumaparito para kumuha ng kanilang masisilo

Nagtiis na ang bayan na ito ng isang taon marami naring namatay kaya ng nalaman naming nakabalik kana nagkalakas na kaming lumaban

Nakita kong pinunasan pa nito ang kanyang mga mata pagkasabi nya non

Kung ganon sabay sabay natin ipagtangol ang bayan ng san andres laban sa mga Aswang nayan

Para sa bayan ng san andres

At sabay sabay na nagsigawan ang mga taong naroroon...

Papadilim na tahimik narin ang paligid ramdam ko narin ang tensyon ng bawat isa sa amin

Nakahanda na kami anuman ang mangyari sa aming mga buhay

Tuluyan ng lumubog ang araw malapit nang maganap ang gabi ng lagim

Isang digmaan laban sa mga tao at mga aswang

Isang pakikipagtungali na tatatak sa bawat isang naroon sa amin.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon