Chapter 70. Ang Dyablo

2.1K 96 3
                                    

Batid nang batang babae ang mahalagang papel na ibinigay sa kanya kailangan nyang mamatay sa ikabubuti nang marami

Lumakad sya papalapit sa pintuan at inalis ang mga harang bubuksan nya na ang pintuan nang pigilan sya ni Al dito

"Wag mo akong pigilan pakiusap hayaan mo nalang ako"

"Ayoko gusto mo ba talagang mamatay?"
tanong ni Al sa batang babae

Biglang napaluhod ang bata at napahagulhol sa pag iyak

"Ayoko pang mamatay pakiusap iligtas mo ako"
wika nang batang babae kay Al

Napangiti si Al sa kagustuhan nang babae na mabuhay

"Kung gayon ililigtas kita ako nga pala si Al"

Napahinto sa pag iyak ang batang babae at niyakap si Al

"Maraming salamat Ako si Ester"

Sa lakas nang pag iyak ni Ester kanina ay naalerto ang mga taong naghahanap sa kanila at sila ay natunton

Biglang bumukas ang pintuan at nagulat ang dalawa mabilis na itinulak ni Al ang pintuan upang hindi makapasok ang mga ito ngunit sa dami nang tumutulak hindi kinaya ni Al at tumilapon sya

"Ester takbo"

Gustuhin mang tulungan ni Ester si Al ay wala syang nagawa kundi ang tumakbo papunta sa likuran na bahagi nang kubo

"Habulin ang batang babae"
wika nang mga taong may dalang mga sulo

Hinarang ni Al ang kanyang dalawang kamay upang walang makaraan

"Al tulungan mo ako"
wika ni Ester

"Ester!"

Mula sa bintana nang kubo ay natanaw ni Al si Ester na tangay tangay nang nakamaskarang tao si Adolfo iyon ang tagapaglinkod nang dyablo

"Paraanin nyo ako!"
malakas na sigaw ni Al

Sunod sunod nyang pinatumba ang mga taong nakaharang sa kanyang dadaanan

Hanggang tuluyan syang makalabas tinungo nya ang lugar kung saan nya nakita kanina si Ester

Ang daanan nyang tinutungo ay papunta mula sa malakas na apoy kung saan naroon ang lamesang alayan

Mula sa malayo ay nakita nya ang lalaking nakamaskara hinihahanda nya muling isaksak ang punyal sa puso ni Ester samantalang walang malay na nakahiga si Ester

"Itigil mo yan"
malakas na sigaw ni Al

"Pasensya na pero huli kana"
wika nang nakamaskarang may malaking boses

Mabilis na bumababa ang punyal pababa sa dibdib ni Ester nang tamaan nang bato ang punyal at tumilapon

"Asintado parin pala ako"
wika ni Al

"Ano kang klase nang nilalang?"
takang tanong ni Adolfo

"Ako si Al isa akong Albularyo"

Mabilis na tumakbo si Al patungo sa nakamaskara muli na namang kumuha nang patalim si Adolfo at muli na namang sasaksakin si Ester nang sipain sya ni Al

Napaatras ito at natigilan

"Hindi ko hahayaan na magawa mo ang iyong balak"

"Kung gusto mo talagang maunang mamatay pagbibigyan kita"

Hinubad nang nakamaskara ang kanyang suot na mahabang damit at ang kanyang kambing na maskara

Tumambad ang kulay pula nitong balat at ang nakakatakot na mukha may dalawa rin itong sungay

Sumugod ito kay Al at sinuntok sya nahawakan ni Al ang kamao nito gamit ang dalawa nitong kamay

At inihagis nya nang malakas at tumalsik patungo sa apoy nagsisigaw ito sa init

"Ester gising"
inuuga ni Al si Ester pero hindi parin ito magising

Hinang hina na lumabas si Adolfo sa apoy sugat sugat ang balat nito sa pagkakapaso

Sumigaw ito nang malakas dahilan upang mabaling ang pansin nito kay Al

"Buhay ka pa pala"
wika ni Al

"Kailangan kong patayin ang batang iyan para muli akong lumakas"
mahinang mahinang sabi ni Adolfo

Nang biglang magsilabasan ang mga residente may dalang mga sibat na kawayan

"Patayin nyo sila"
wika ni adolfo

Nagulat si adolfo sa ginawa nang mga taong nagsidatingan sa kanya isinaksak ang mga sibat na dala dala nang mga ito

"Ayaw na naming maging sunod sunuran mo"
Sabi nang isa sa mga residente

"Oo nga dahil sayo maraming mga magulang ang nawalan nang mga anak"
wika nang isa pang residente

"Ngayon na ang araw upang maglingkod kami sa tunay na diyos at hindi sa isang dyablo"

Hanggang patuloy na nagsilabasan na ang mga daing nang mga residente

Hinugot ni Adolfo ang mga sibat na kawayan sa kanyang katawan at inihagis sa mga taong naroon at ang mga tinamaan ay mabilis na namatay sa matinding pinsala

"Kung ayaw nyo nang sumunod sa akin papaslangin ko nalang kayo meron pa pala akong nais sabihin ang salot na inyong naranasan noon ako ang may gawa at sa bawat batang iniaalay nyo mas lalo akong lumalakas wala ring dyablong hari at hindi ako tagasunod ako mismo ang dyablo"

Nagulat ang mga residente sa kanilang narinig at sa galit nila ay sumugod sila at handang makipaglaban sa dyablo

Sa bawat hampas nang matatalim na kuko nang dyablo ay nahihiwa nito ang anumang tamaan nagsipagliparan ang mga ulo braso at ibat ibang parte nang katawan nang mga residente

Nang makita nilang hindi nila kaya ang dyablo ay nagsipag atrasan sila

Naging madugo ang laban at nagkalat ang dugo sa buong paligid

Natuon ang pansin nang dyablo kay Al

"Ngayon batang albularyo ikaw naman ngayon lalaban na ako nang seryoso".

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon