Chapter 76. Ang Paligsahan

1.9K 95 3
                                    

Nagtungo si Al sa mga nagbyabyahe nang dyip nakita nya ang karatulang may nakasulat na Ilog nang Angat sumakay sya roon matapos makapagbayad hinintay nya pang mapuno ang loob nang dyip bago tuluyang umalis

Kasabayan nya sa loob nang dyip ang mga kalalakihan at iilan lamang babae may dala ang ilan na mga lambat marahil ay mangingisda sila sa ilog

Mahaba ang naging byahe bago sila makarating sa ilog ay umabot na nang tanghali

Bumababa si Al sa dyip bago maghanap nang bangkero ay naghanap muna sya nang pwede nyang makainan

Sa isang karinderya malapit sa ilog sya kumain umorder sya nang ginisang pechay gulay para sa ulam kanin at isang malamig na debote nabusog sya nang sobra dahil namiss nya ang lutong gulay sa kanya nang kanyang ina

Matapos magbayad nang mga kinain nya tinanong nya ang tindera nang karinderya isang may kaedaran na babae pero hindi pa masyadong matanda nasa trenta na siguro ang babae nakapusod ang kulot nitong buhok at mapupula ang mga labi nakasuot din ito nang bulaklakin bestida

"Ale may bangkero po bang naghahatid sa kabilang bayan sa may angat po?"

"Ang mga bangka dito ay karaniwang ginagamit nang mga mangingisda maswerte ka kung may bumabyahe ngayon eh maraming natatakot dahil sa mga trahedya
na nangyayari sa ilog"

"Ganon po ba may iba pa po bang paraan para makatawid"

"Meron nakita mo ba yang malaking tulay na iyan ginagawa na yan dalawang taon mula ngayon gawa nayan at lahat nang gustong makatawid sa kabilang bayan ay maari na"

"Naku dalawang taon pa hindi na po ako makakapaghintay nang ganoong katagal sige po ale maghahanap nalang ako nang bangkero na pupunta sa kabilang bayan"

"Bata mag iingat ka"
pahabol na sabi nang aleng nagtitinda

Nagtungo si Al sa mga nakahererang mga bangka na naroon walang sinuman ang naroon marahil ay kumain na din sila nang tanghalian

Kinalas ni Al ang isa sa mga bangka at sumakay doon

"Hihiramin ko lang muna isosoli ko naman at tsaka nagpa-alam naman ako sa bangka"
wika ni Al sa kanyang sarili

Gamit ang sagwan na nasa bangka ay mabilis nyang dineretso ang mahabang ilog

Tuloy tuloy lamang sya sa pagsagwan payapa ang ilog at walang anumang kakaibang naramdaman si Al tulad nang sinasabi nang ale sa karinderya

Nadaanan nya ang ilang kalalakihan na nanlalambat nang isda pagka-angat nang lambat nang mga ito ay malalaking mga isda ang kanilang nahuli

May nadaan din si Al na naliligo sa gilid nang ilog mga batang nagtatampisaw sa malinaw at malinis na ilog

Isang bangkero ang bumungad sa kanyang harapan at sinigawan sya nito

"San ka pupunta bata?"

"Tatawid po ako papunta sa kabilang bayan"

"Bumalik kana baka mapahamak kalang"

Hanggang tuluyan nang lumampas sa kanya ang lalaking bangkero at hindi na sya nakausap pa

Walang kaba ang dibdib ni Al matapang nyang tinatahak parin ang mahabang ilog

Habang papalayo siya ay napapansin nyang lumalabo na ang tubig sa ilog

May mga piraso narin nang mga bangkang sira sa paligid maghahapon na at naglalaban na ang dilim sa liwanag

Biglang umalog ang sinasakyan ni Al tila may kung ano ang tumama dito

Ilang sandali pa ay lumakas ang alon nang tubig na tila ayaw syang hayaang makadiretso

"Pakiusap kailangan kong makatawid"
Malakas na sigaw ni Al

Biglang pumanatag ang alon sa ilog biglang lumabas sa paligid ang maraming mga berdeng nilalang may mga hasang sila sa kanilang tenga nakakatakot na berdeng kaliskis at kakaibang itsura batay sa mga anyo nila ay mga tsokoy

Nakabilog sila at nakapaligid kay Al paano naligaw ang mga nilalang na ito sa ilog

"Pakiusap hayaan nyo po akong nakatawid?"
wika ni Al

"Bakit hindi ka makipaglaro sa amin pag nanalo ka hahayaan ka naming makatawid pag natalo ka papalubugin namin ang bangka mo kasama ka"

Wala man oras makipaglaro si Al ay wala na syang nagawa kundi ang pumayag sa kondisyon nang mga tsokoy

"Anong klaseng laro?"

"Unahan lamang na makarating sa dulo nang ilog"

Pabor kay Al ang inaalok nito dahil mapapadali ang papunta nya sa kabilang panig ngunit pag natalo sya ay masisira ang bangka nya at baka pati sya ay lunurin

Pero lamang ang mga tsokoy pagdating sa pabilisan nang paglangoy kung karera ang paglalaban

"Ako ang lalaban sa iyo ako si Berde ang pinakamabilis sa amin simple lang ang paligsahan sino man makarating sa dulo ay panalo kung ako ang makarating sa dulo ay sisirain na nang mga kasama  ko ang iyong bangka samantalang pag ikaw ang nanalo hahayaan ka naming dumaan daan sa ilog nang walang problema"

"Alam mo ba bata na wala pang nakakatalo sa aming grupo may nakapagpaligsahan na sa amin sa paramihan nang mahuhuling isda
panghuhuli nang pinakamalaking isda paglangoy patagalan nang paghinga sa ilalim nang tubig pero kahit isa sa kanila ay walang nanalo"

"Bakit nyo ba ginagawa ito?"
tanong ni Al sa mga tsokoy

"Simple gusto naming patunayan na kami ang naghahari at pinakamagaling pagdating sa tubig"

"Iba na ang nais ko kapag natalo ko kayo ay hahayaan nyo na ang mga bangkero na makadaan nang ligtas sa ilog na ito"
wika ni Al

"Paano kung ayaw naming pumayag sa iyong nais"

"Natatakot lang kayo na matalo diba"
pang-aasar ni Al

"Sige pumapayag na kami akala mo ba kaya mo kaming talunin!"

Malapit nang mag-umpisa ang paligsahan  nang dalawang manlalaro.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now