25th Hate: The Ultimate Night

Magsimula sa umpisa

Bukod pa dun, buti nalang jologs at walang sense of fashion si Maureen kung magdamit. Kahit papaano, may nakuha akong maluwag na tokong at t-shirt na puti na nagkasya naman dito kay Asher.

"Ayoko sa kwarto ko. Ang liit tsaka ang dumi." reklamo nya kasabay ng pag upo nya sa edge ng aking kama.

"Hoy, hindi ngayon ang oras para mag inarte ka pa. Basta ipikit mo nalang yang mata mo at matulog ka na. O baka naman gusto mong paluin kita sa ulo para himatayin ka pa at makatulog." sagot ko sa kanya. Aarte pa eh nakikitulog na nga lang.

Ngumiti sya. Mga ngiting iba na naman ang ibig sabihin. "Malaki naman tong kama mo. Tabi nalang tayo matulog."

Agad akong napakunot noo sa sinabi nya. Aba't umiiral na naman ang pagiging malaswa netong lalaking to. "Hoy, tumigil ka dyan sa--" bigla syang pumalakpak ng isang beses. Dahilan para mamatay ang ilaw sa aking kwarto. Automatic kasi ang ilaw ng aking kwarto. Dalawang palakpak para magbukas ang mga ito at isa naman para mamatay.

Nakakaisang palakpak palang ako para ibalik ang ilaw ng makaramdam na ako ng biglang maramdaman ko na ang bigla nyang pagyakap sa akin. Kasabay nun ay ang halos pagbuhat nya na sa akin papunta sa kama. Hindi ako makapumiglas dahil nakaipit sa yakap nya ang mga kamay ko.

"Hoy gago ka. Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Pero hindi sya sumagot at mahihinang tawa lang ang aking naririnig. Gago to. Lakas mantrip.

Hanggang sa maramdaman ko na ang aking kama. Nagpumiglas ako ulit. Medyo lumuwag ang pagkakahawak nya sa akin. Pero hiniga lang pala nya ako. Saka nya ulit pinulupot ang katawan nya sa akin. Mula braso nya hanggang binti, nakapulupot sa aking katawan.

Ano bang binabalak netong lalaking to? Nakakainis. Pasalamat sya at lalaki sya. Natural sa kanya ang maging mas malakas kesa sa akin. 

"Hoy Gago ka. Bitawan mo nga ako." pananalita ko habang hirap na hirap akong nagpupumiglas sa kanya.

Pero lalo lang nya hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Matulog na tayo ng ganito. Pagod na ako eh." sagot nya.

"Aba gago ka! Pano ako makakatulog kung para kang ahas na nakalingkis sa akin. Bitawan mo ko!" sigaw ko sa kanya. 

Pero hindi parin sya nagpatinag. Niyakap nya ako ng lalo pang mas mahigpit at hindi sumagot sa sinabi ko. Ilang minuto pang katahimikan at nagpapanggap na syang tulog. 

"Hoy, alam kong hindi ka pa tulog. Dahil kung tulog ka na, edi sana nakawala na ako sayo. Isa, bitiwan mo na ako at pumunta ka na dun sa kwarto mo." pananalita ko sa ilalim ng malalim na gabi. Wala ng ingay ang maririnig kundi ako at ang nagpapanggap nyang paghilik.

"Hindi ka pa ba napapagod?" tanong nya. Randam ko ang pagvivibrate ng kanyang leeg ng magsalita sya dahil sa pagpatong nya ng kanyang baba sa aking ulo.

"Napapagod itaboy ka? Hindi! Kaya umalis ka na--"napatigil ako sa aking pananalita at nanlaki ang aking mga mata ng mabilisan syang gumalaw at pumaibabaw sa akin. 

Mula sa kakaunting liwanag na nanggagaling sa liwanag ng buwan na sumisilip lang sa bahagyang nakahawing kurtina, mas lalong nanlalaki ang aking mga mata at napapabaon ang aking katawan sa kama ng unti unti pa nyang ilapit ang kanyang mukha sa akin.

"A-a-anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong habang mabilis ang pagtibok ng aking puso. 

"Jessica...sampalin mo nalang ako after nito." seryoso nyang sabi sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.

"Ha?" lalong bumilis ang tibok ng aking puso.

Hanggang sa bigla kong maramdaman ang mga labi nya sa akin. Matagal na ng huli kong maramdaman na may humalik sa akin. Ang huli ay ng halikan nya ako noon, sya din, halos limang taon na ang nakakalipas.

Hindi ako agad nakagalaw sa biglang paghalik nyang iyon. Sa ilalim ng madilim na kwarto ay ang bukas na bukas kong mga mata na hindi halos makakurap sa bilis ng mga pangyayari.

Hinawakan pa nya ang aking mukha, split second na kumawala sa aking mga labi saka muli akong hinalikan ng mas malalim.

Pareho padin ang pagiging malambot ng kanyang mga labi. Ang kanyang paggalaw habang hinahalikan ako ay nagdadala parin ng patuloy na pagtayo ng balahibo ng aking katawan. Wala akong ibang naririnig kundi ang hinihingal naming paghinga sa pagitan ng aming mga halik at ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

Shet. Tigilan mo na Jessica. Tumigil ka na. Hindi ito tama. This doesn't make sense. 

Pero tulad ng isang makasalanan at tangang babae, humawak din ako sa mga braso ni Asher at mas lalo ko pang binaon ang mga labi at katawan ko sa kanya.

Lalong uminit ang nararamdaman namin sa isa't isa. Hindi ko alam kung lust ba itong nararamdaman ko o natural lang na reaksyon ng isang babaeng nangangailangan din ng mga ganitong bagay. Love? Hindi ito love dahil wala namang namamagitang pagmamahal sa aming dalawa. O pagdating sa akin, sigurado akong wala.

Pero bakit ganito? Iba ang sinasabi ng utak ko sa puso at katawan ko. Sabi ng utak ko, tama na dahil mukha na naman akong tanga sa ginagawa ko ngayon. Pero ang puso at katawan ko ang nasusunod. Ang walanghiyang puso at katawan na ito na handang ibigay ang lahat sa gabing ito.

Lumipat ang mga halik ni Asher pababa sa aking leeg.

"Uh...Shit." hindi ko mapigilang maibulong habang binubugbog nya ng mga halik, higop at kagat ang aking leeg. Masakit na masarap na sobrang nakakaaddict. Nakakapanlambot na nakakapampainit. Ang mahihina kong ungol na indikasyon ng adiksyon ko sa mga halik at haplos nya.

Pababa ng pababa. Hanggang sa hindi ko namalayan na dalawang butones na pala ng aking pantulog ang nabuksan nya. Sa ibabaw na ng aking dibdib sya humahalik ng magulat ako ng bigla syang tumigil.

"B-bakit ka..." hindi ko maipagpatuloy na aking tanong. Patuloy padin ang paghabol naming pareho sa aming paghinga. 

Bigla nya akong niyakap. Randam ko ang mabilis na pagbaba taas ng kanyang dibdib dahil sa pagkahingal. 

"Let's stop. Not tonight. May iba pang araw." bulong nya sa akin habang mahigpit ang kanyang mga hawak.

"Fuck." naibulong kong sagot sa kanya. Yung tipong may isang bagay na gustong makuha ang katawan ko pero hindi ko nakuha. The dissapointment is too strong.

Hinalikan nya pa ako sa aking noo saka na lamang sya umayos ng higa habang yakap pa din ako.

"Bitawan mo ko." sabi ko sa kanya. Evident ang inis ko dahil hindi natuloy ang sinimulan nya. 

"Believe me Jessica. Gusto ko ring ituloy. But not today. Not until we both clear to ourselves that we love each other." sagot nya sa akin.

Hindi na ako nakasagot pa sa kanya. Ano nga ba ang ibig nyang sabihin sa sinabi nyang yon? 

Hindi na din ako nakawala sa mga yakap nya. Napagod na rin ako ng kakataboy sa kanya Hanggag sa hindi ko na pala namalayan na unti unti na akong nakatulog habang yakap namin ang isa't isa.

**

Hello Man Haters!

Isang magandang gabi sa inyong lahat. May gising pa ba? Haha! Sinikap ko talagang tapusin ang chapter na ito ngayong gabi dahil syempre, love ko kayo. :D

So, nakakabitin ang almost "that" scene nina Ash at Jess no? Pero not today, not on that night, not on this chapter pa. May mga dapat pang iclear sa pagitan nilang dalawa. Kaya, hold back muna kayo guys ha. Itotodo naman natin yan pagdating ng tamang oras. hahahaha!

Pero sino nga bang makakatanggi sa hot na hot na si Ash? At sino ba naman kasi ang makakapagpigil sa hot na hot at sexy na si Jess di ba. That explains kung bakit almost there na silang dalawa. hehehehe!

Anyway, I hope you enjoyed this chapter. I enjoyed writing it too.

Hanggang sa susunod na chapter! Maraming Salamat sa pagbabasa.

Till then,

See you.

MsRedMonster,



The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!