CHAPTER 81

2K 114 8
                                    


"What happened to you?" nakasimangot na tanong ni Daniella kay Ivan.

"Mahabang kwento, ma." Nakaakbay siya kay Errol.

"Is this..." Hindi na tinuloy ng babaeng nakapostura ang sasabihin at niyakap na lamang ang binata.

"Good morning po." Hindi naman malaman ni Errol ang gagawin. Naasiwa siya dahil sa kanyang itsura -- at amoy. "Sorry po. Madungis po kasi ako."

"It's okay," saad ni Daniella. Kumalas ito sa pagyakap at tiningnang maigi ang mukha ni Errol. "Bakit ka umiiyak?"

"Marami po kasing nangyari ngayong araw."

"Ma, his parents are missing. Nasira ang bahay nila sa Sampaloc."

Nagtaka si Errol dahil ngumiti lang ang ginang.

"Ma!"

"Bakit?" nakangiting tanong nito.

"Respeto naman sa bisita ko. Nawalan na nga ng bahay at di mahanap ang mga magulang ngingiti-ngiti ka pa diyan."

Hinila ni Errol ang manggas ni Ivan. "Uy..."

"They're here." Bahagya itong umismid kay Ivan at pagkuwa'y ngumiti kay Errol. "Are you sure you like this guy?"

"Ah, um..." Kinamot na lang ni Errol ang ulo. "Ano po'ng ibig niyong sabihin they're here?"

"Your mom and dad," nakangiti nitong saad, "ang mga balae ko."

"Ma!" Hinawakan ni Ivan ang mga braso ng ina at sinipat ito. Hinawakan niya ang mukha nito at tiningnan ang kanyang ulo. "Nabagok ba ang ulo ninyo?"

"Ano ba!" Sumimangot ito habang inaalis ang kamay ng binata sa kanyang mukha. "Ang dumi ng kamay mo."

"Parang nasisiraan ka na kasi ng bait."

"Ano? Ivan! Don't talk to me like that."

"Ah, eh, labas na lang po muna ako."

"Iho, don't mind us. Madalas talaga kami magtalo nito. Masasanay ka rin." Muli itong humarap sa kanyang anak. "T'saka hindi tayo masyadong apektado ng mga nangyari kahapon."

"Ah, madam," saad ng isang ale na naglakad mula sa isang silid ng malaking bahay, "magpapaalam sana kami ni --"

Natigilan si Errol sa aleng nakatulala sa kanya. Nakita niya ang pamumuo ng mga luha sa mga mata nito. "Nay!" Isang mahigpit na yakap ang ginawad nila sa isa't-isa.

"Errol?" bulalas ni Mang Gary na mabilis ring napayakap sa kanila.

Nag-usap ang mag-anak sa hardin nina Ivan, at doo'y inamin na ni Errol kung bakit siya nawala. Hindi niya binanggit ang tungkol kay Melchor. Hindi niya binanggit ang tungkol sa kanyang kapangyarihan dahil hindi siya sigurado kung ano ang magiging reaksiyon nila. Baka isipin nilang nababaliw siya. Ang sinabi niya lang ay nagsanay siya bilang isang secret agent sa Amerika. Hindi na rin niya kinuwento ang tungkol sa pagdakip sa kanya noon ng CIA.

Sa tingin niya ay mainam ang naging pasya niya, dahil ang kakarampot na naikwento niya tungkol sa totoong mga pangyayari sa buhay niya sa loob ng tatlong taon ay sapat na upang windangin ang kanyang mga magulang. Hindi maipinta ang mukha ng mag-asawa. Ngunit hindi na rin nila magawang magalit dahil nangyari na ang mga nangyari. Bagkos ay niyakap na lamang nila ang anak at nangakong susuportahan nila ito sa abot ng kanilang makakaya.

Humingi rin ng tawad si Errol sa paglilihim na ginawa niya at nagdahilan na iyon ay upang protektahan lamang sila. Ganunpaman ay nakokonsensiya pa rin siya dahil hindi niya nasabi ang lahat. Naintindihan naman nina Celia at Gary ang nais ipahiwatig ng anak. Sinantabi na nila ang mga tanong dahil wala na ring saysay ang mga ito. Ang mahalaga ay muli na nilang nakita ang anak.

"Nay, tay, malaki rin ang naipon ko sa Amerika. Siguro sapat na yun para makabili tayo ng lupa at makapagpatayo ng bahay."

"May naitabi din naman kami ng tatay mo, anak."

"Ang problema baka pati yung bangko nasira."

Nagtawanan ang mag-anak.

"Babalik ka pa ba sa Amerika, anak?"

"Oo, nay."

"Hindi ba delikado ang trabaho mo, anak?"

"Tay, parang singdelikado lang ng pagiging pulis o sundalo. T'saka, hanep ang training."

Ginulo ni Mang Gary ang buhok ng binata.

"Ang inaalala ko lang kayo, kasi wala pa kayong matitirhan."

"Ay, sus!" Kinumpas ni Celia ang kamay na tila pinagkibit-balikat na lang ang naganap. "Pwede naman kaming umupa ng bahay."

"Eh nasira yata lahat ng bahay malapit dun sa atin."

"Kapag nalinis na yung lote natin doon," saad ni Gary, "patatayuan ulit natin ng bahay."

"Oo nga, 'no?" saad ni Errol. "Basta, tay, tutulong ako sa gastos."

"Pero," saad ni Celia, "paano si Ivan?"

"Mag-uusap pa kami."

"Ano ba'ng plano ninyong dalawa?" tanong ni Gary. "Magpapakasal na ba kayo?"

Yumuko si Errol. "Tay, naman eh."

"Asus!" bulalas ni Celia na napakurot pa sa tagiliran ni Errol. "Ano na ba talaga?"

"Nay, bago lang kami nagkita ulit."

"Nako, laging pumupunta ng bahay 'yan. Alam mo ba lungkut na lungkot yan nung nawala ka, anak."

"Basta, nay, mag-uusap lang kami."

"Anak, baka kailangan mo na magpahinga."

"Inaantok na nga ako, eh. Pero nakakahiya naman matulog dito."

Sandaling iniwan nina Celia si Errol upang magpaalam kay Daniella na nadatnan nilang naghahanda ng pananghalian sa dining table kasama si Manang Jean.

* * *

"No!" bulalas ng ginang na nakapostura. "Bakit pa kayo maghohotel? Gagastos pa kayo. Pwede naman kayo dumito sa bahay."

"Nakakahiya naman kasi," saad ni Celia.

"Ano po'ng nakakahiya?" saad ni Ivan na biglang umakbay kay Celia.

"Ah, kasi..."

"Aalis daw sila," saad ni Daniella na dinilaan ang daliring may sarsa. "Maghohotel na lang daw."

"Ano?" bulalas ni Ivan. "Dito na lang kayo, nay, tay."

Nagtinginan na lang sina Celia at Gary.

"Nasa'n po si Errol?"

Nang lumabas sila ay nadatnan nilang nakatulog na ito sa mesa sa hardin.

"Nakatulog na pala baby ko eh." Binuhat niya si Errol paakyat. "Mauna na po kayo maglunch."

-------------------

I'm posting chapter 82 tomorrow and the rest on Sunday. Finally, matatapos na rin. What a journey! Thanks, guys!

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon