CHAPTER 9

2.6K 167 17
                                    

DON'T hesitate to point out errors. Hit vote. Write your comments below. THANKS!

---------

Nagmamadaling nagsuot ng protective clothing si Errol habang dinig ang alarm sa buong pasilidad. Mahirap magsalita sa loob ng gas mask kaya puro hand signals lang ang kaya niyang ibigay sa mga empleyado. Nagmamadaling lumabas ang mga empleyado habang si Errol at ang mga technicians ay pumasok sa isang silid na umuusok.

Gamit ang chemical fire extinguisher ay inapula nila ang apoy na dulot ng pagkatapon ng highly reactive chemicals na automatikong nagliyab. Binuksan nila ang mga vents sa pasilidad upang lumabas ang usok at pinaandar ang mga ventilators sa loob. Pagkatapos ng ilang oras ay pagod na pagod na nilisan ni Errol ang pasilidad. Naapula na ang sunog, ngunit naroon pa rin ang nakakasulasok na amoy ng mga kemikal.

Habang nasa labas ng pasilidad ay tumunog ang kanyang cellphone at agad itong sinagot. "Ma'am Cindy."

"I heard about the accident. Are you okay? Is everyone okay?"

"Wala naman pong nainjure."

"Are you sure you're okay? Has anyone called a medical team?"

"May mga ambulansiya po sa labas, and some employees who suffered from breathing difficulties were immediately given medical attention and rushed to the hospitals." Napaubo si Errol.

"You should have yourself checked. Are you sure hindi ka naexpose sa fumes?"

"Naka-protective gear ako, ma'am. Sa tingin ko we have to shut down the entire facility until masiguro nating malinis na ang lugar at okay na ang air quality sa loob."

"I see. Yes, I think that's right."

"I'll oversee the spill cleanup," saad ni Errol.

"I insist na magpatingin ka muna. I have to make sure you're okay. I'll call Ivan or Jansen, whoever is available or nearby."

"Ate, este Ma'am Cindy, ako na lang. Baka maabala pa sila."

"I insist. I'll talk with you later. Bye."

Binulsa ni Errol ang telepono at ginala ang tingin sa paligid. Tiningnan niya ang mga nagsisiuwiang empleyado at ang mga nanatili sa labas ng planta. Lumapit siya sa mga nakatambay sa guard post at nag-uusap na mga ale. "Bakit di pa kayo umuuwi?"

"Ah, ser, mukhang naapula na kasi ang sunog. Baka pwede na kami bumalik. Maaga pa naman kasi para umuwi," saad ng nakangiting babae na nagkukuyakoy sa isang mataas na silya.

"Hindi pa kayo pwedeng bumalik sa loob hangga't hindi namin nasisigurong ligtas na. Baka mapa'no pa kayo," nakapamulsang saad ni Errol.

"Sabi ko na sa inyo eh," saad ng babae sa mga kasama. Lumingon ito kay Errol. "Ibig sabihin, ser, uuwi na lang kami."

Tumango si Errol sa kanya.

"Ser, 'awas ba ito sa sahod namin?"

"Hindi ko alam kasi di naman ako namamahala sa payroll. Pero kakausapin ko ang admin."

"Ah, sige, ser. Kelan po kami babalik?"

"Makakatanggap kayo ng text kung kelan babalik. Pero sa tingin ko later this week. Kung hindi, sa susunod na linggo."

Nagpaalam na ang mga empleyado habang si Errol ay naiwang mag-isa habang tinitingnan ang mapusyaw na usok na lumalabas mula sa parteng iyon ng planta. Napadaan ang isa sa mga kasama sa trabaho.

"Sir, di pa po ba kayo uuwi? Andiyan naman ang cleanup team."

"Maya-maya na, Gideon," sagot niya na nakatanaw pa rin sa sumisingaw na usok. "Okay lang ba kayo nina Mara?"

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon