CHAPTER 17

1.9K 164 30
                                    

DON'T trust my spoilers. Marami sa spoilers ko noon ang nabago o binaliwala ko na. 

Hindi ko na nakikita o nararamdaman yung ibang readers na madalas magvote at magcomment noon. That bothers me. I feel like I lost friends. Pero kung nagsawa na kayo sa story, I respect your absence. Maraming salamat pa rin. 

------------------

Malamig. Dama ni Errol ang kakaibang lamig na iyon habang nagigising ang diwa mula sa kawalan ng malay. Dama niya ang kakaibang katahimikan. Walang tunog ng mga dumadaang sasakyan. Walang naririnig na busina. Ang kakaibang katahimikang ito ay nagsaad na wala siya sa kanyang apartment.

Dahan-dahan siyang dumilat. Medyo malabo ang kanyang paningin. Nanghihina rin siya. "Nasaan ako?"

"He's awake." Boses iyon ng isang babae.

Dinig niya ang mga yapak. Dahan-dahang luminaw ang kanyang paningin. Ngunit inaantok pa siya. Nang bumangon siya ay doon niya napansin na hindi niya maigalaw ang mga kamay. Naka-restrain ang kanyang magkabilang pulso at paa sa gilid ng matigas na platapormang sa tingin niya ay gawa sa bakal. Kinabahan siya. "Nasaan ako?"

Nakaharap kay Errol ang isang tsinitang babaeng maayos ang ponytail. Naka-lab gown itong puti at gloves. Ngumiti ito sa kanya. "Don't worry. You're safe."

Lumalakas ang kaba na nararamdaman niya. "Bakit ako nakagapos dito? Pakawalan niyo ako." Mahina ang boses niya.

"Don't worry. We will remove them soon." Ngumiti ang babae at tumalikod. Lumapit ito sa dalawang lalaking nasa pinto at may binulong sa mga ito.

"Wait, who are you?" tanong ni Errol, pilit pinapalakas ang boses na pinapahina ng kanyang antok na nadarama.

Lumingon ang babaeng naka-lab gown. "We're friends."

"Anong friends? Hindi kita kilala!" Napangiwi si Errol habang pilit na hinihila ang mga kamay na nakagapos sa magkabilang gilid ng higaan. Doon niya lamang napansin ang karayom na nakatusok sa isang kamay. Nakakabit ito sa tubong di niya matanaw kung saan nagmumula. "Ano'ng ginawa niyo sa akin?" Namuo ang mga luha sa kanyang mata habang sinasakluban ng takot na nakatingin sa babaeng nakangiti.

"Calm down, Mr. Santiago." Lumapit muli ang babae.

"Bakit alam mo ang apelyido ko?" Mas tumindi ang takot na naramdaman ni Errol. "Pakawalan mo ako dito."

"Don't worry. We're not going to hurt you. Director Moss will be here soon."

"Sinong Director Moss? Bakit?" Nagpumiglas si Errol. Nagsisigaw ito. "Pakawalan niyo ako dito!" Nagliwanag ang mga kamay niya. Kasunod niyon ay ang pagkabasag ng mga ilaw sa silid.

"Calm down, Mr. Santiago," mahinahong saad ng babae habang nakapikit.

"Let me go!" Masama ang titig ni Errol sa kanya. tumindi ang liwanag sa kanyang mga kamay kasabay ng pagkabasag ng mga natitirang ilaw sa silid na iyon. Nakita niyang napaigtad ang dalawang lalaking kasama ng babae. Ngunit dumako ang kanyang tingin sa hawak ng babaeng tila isang remote control. Huli na nang mapagtanto niya kung ano ito. Pinindot ito ng nakapikit na babae, at kasunod niyon ang pagdaloy ng likido papunta sa kanyang ugat. 

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon