CHAPTER 56

1.9K 103 10
                                    

DON'T hesitate to point out errors. Maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa, nagvovote, at nag-iiwan ng mga komento. 

-------------------

"I'm sorry. You're the only one I could call." Naiiyak si Daniella habang napayakap sa kararating na si Diana.

"What happened, tita?" Umupo ang dalaga sa tabi ng babaeng napaiyak sa kanyang mga palad.

"Sabi niya gagamit lang daw siya ng banyo. Hindi na siya bumalik. It's been more than two hours."

"This place is too crowded." Ginala ni Diana ang tingin sa paligid. Tanaw niya ang maraming stranded na pasahero na nasa sahig, ang iba ay natutulog. "I can't contact him, tita."

"Exactly! That's why I'm worried."

"Hindi kaya nagbago ang isip niya?"

Umiling si Daniella habang pinupunasan ang mga mata. "He was eager to come. Alam ko'ng gusto niyang sumama dahil itutuloy niya ang paghahanap dun sa..."

Tumango si Diana. "Tita, I heard walang lilipad na eroplano ngayon dahil sa panahon."

"Dito na lang namin nalaman. Actually, I also had that worry na hindi kami makakaalis, pero nagbakasakali pa rin ako."

"The fog outside is getting worse. I suggest you head back home. Ireport na lang natin sa pulis na nawawala siya." Sinamahan ng babae ang ginang pabalik sa kotse nito.

"Ipaalam mo kaagad sa akin kung mahanap mo siya."

"Yes, tita, don't worry."

Nang umandar na ang kotse ng ina ni Ivan ay dinial niya ang numero ng binata. Nakailang dial siya bago ito sumagot. "Where are you!"

"Andito ako sa Sampaloc."

"What are you doing there?"

"Nung nasa Airport kasi ako nakita ko sa breaking news ang putukan dito mismo malapit kina Errol."

"You left your mom here!" bulyaw ng babae.

"I know. Kasama mo ba siya?"

"Nakaalis na. Ivan, bakit mo basta na lang iniwan si Tita Daniella?"

"Nag-alala nang husto ang tao sa iyo. Wait, I have to make sure you're telling the truth."

"Puntahan mo na lang ako dito. Alam mo naman itong lugar na ito."

"Medyo hindi ko na matandaan. But you can give me directions."

Habang nagmamaneho ay tinatanaw niya ang kakaibang atmospera sa paligid, ang hindi pangkaraniwang lamig, ang manipis na hamog na nagdudulot ng nakakatindig balahibong tanawin sa makulimlim na panahon. Ang ilan sa mga sasakyan ay nakabukas ang mga ilaw, malamang ay upang makita sila ng ibang motorista at maiwasan ang banggaan. Ang mga taong naglalakad sa daan ay nakajacket. Marami na ang naiulat na namatay dahil sa matinding lamig.

Masama ang kutob ni Diana sa mga nangyayari lalo pa't nakikita niya ang mga militar at pulisya sa paligid. Mas pinaigting ang seguridad nitong mga huling araw dahil sa mga banta sa pamahalaan. Ilang grupo ang gustong destabilisahin pamahalaan dahil sa hindi akmang pagtugon nito sa mga kalamidad na naranasan ng bansa nitong mga huling buwan.

Ngunit may isa pang bagay ang bumabagag sa kanya. Alam niyang hindi ordinaryo ang mga nagaganap. Maaaring gawa ito ng mga kagaya nila. Ngunit wala din siyang alam na may kakayanang baguhin ang klima ng isang lugar. Isa itong pambihirang kakayahang hindi niya nakita kaninuman sa mga nakasalamuha sa ISA noong siya ay kabilang pa sa kanila. Hindi naman maaaring... Hindi. Ang alam niya ay wala na ang mga hiyas.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon