CHAPTER 68

1.9K 103 10
                                    


Isang kakatwang tanawin para kay Dane ang biglang pagsigaw ni Errol at ang pagpumiglas nito. Ngunit ang mas katakataka ay ang ilang minuto nitong pagtahimik habang nakapikit, ang mga tuhod at palad ay nasa lupa. Malalim ang kanyang mga hiningang binitiwan. Gumalaw ang kanyang mga daliri, diniin ang mga ito sa lupa. Ngumiwi ang binata. Dumaing ito.

"Errol!" Hindi malaman ni Dane ang gagawin, lalo pa't dinig niya sa kanyang utak ang nakakabinging sigaw ng kalooban ng mga taong nakalutang sa ere.

"Kahit na maglakbay pa ang iyong diwa, wala ka na ring magagawa. Hindi ka matutulungan ng kakayahan mong iyan." Ang malamig na tinig na iyon ay sinundan ng pangingisay.

Habang kinakalma si David ay labis ang kanyang pag-aalala sa nagpupumiglas at namimilipit na si Errol. Sandali siyang pinaralisa ng pag-iisip. Pipigilan ba niya si David o tutulungan ang kaibigang tinatawanan ni Andrea Moss na nakatalikod sa kanya. Nalito siya.

Sandali niyang tiningnan ang mga katawang nakalutang sa ere. Dama niya ang takot ng mga ito. Batid niya ang pagsusumamo ng mga ito na pakawalan sila, pagsusumamong hindi na nila maihayag dahil ang nakabalot sa kanilang telekinetic energy ay pumigil maging sa pagbukas ng kanilang bibig upang sumigaw.

Samantala ay nasa lupa pa rin si Errol, sumisigaw, namimilipit. Tila may pinipigilan ito, isang bagay na hindi malaman ni Dane dahil... Kasabay ng pagkabigla niya ay ang dahan-dahang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi niya mabatid ang iniisip ni Errol. Sinubukan niyang muling alamin kung ano ang nilalabanan nito, ngunit bumangga sa isang itim na lamad ang kanyang diwa. Dumaing at napangiwi ang telepath, napahawak sa kanyang magkabilang sentido dahil sa sakit. Ang pakiramdam niya'y binangga niya ang ulo sa isang matigas na bagay. Mas bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya naintindihan ang nangyayari.

"A seizure? Is this how you're going to kill me, with a fit?" Umiling ang nakapamewang na si Andrea Moss, tinuya si Errol.

Nagtama ang tingin nina Diana at Dane. Dinig ng huli ang sigaw ng nauna, sigaw na tanging sa diwa niya lang naipabatid. "Do something!"

Tuliro si Dane. Sa pagbaling niya ng tingin sa iba't-ibang taong nasa paligid niya ay nawalan siya ng pagkakataong makapag-isip nang mahinahon at maayos. Muli niyang tinitigan si David. "Enough!"

Mula sa kanyang sentido ay kumawala ang alon ng enerhiyang siya lamang ang nakakakita. Mabilis itong naglakbay tungo sa iba't-ibang direksiyon. At sa pagtama nito sa mga taong nasa paligid ay siyang pagkahilo ng mga ito.

"What the..." Sandaling diniin ni Andrea Moss ang mga daliri sa sentido. Bago pa man niya tuluyang malingon ang pinanggalingan ng matinding psychic wave ay ginupo na siya nito.

Mabilis ang paghinga ni Dane. Nakapaligid sa kanya ang bagsak na katawan ng mga CIA agents at pulis. Nasa lupa rin si Director Andrea Moss at si Errol na walang malay at halos magkatapat ang mga ulo. Alam niyang hindi sumakto ba ang pinakawalan niyang enerhiyang galing sa kanyang utak. Dumako ang tingin niya kay David na nakabulagta. Yumukod siya sa tabi nito, at doon ay sinuri niya ang kadungisan nito, ang labing natuyuan ng dugo. "Wake up!" bulalas niya.

"Why did you include me?" tanong ni David matapos dumilat. Pinapagpag niya ang dumi sa katawan.

"It was abrupt. Didn't have time for accuracy." Ginala niya ang tingin at tinigil ang tingin sa kausap. "You look awful."

"You're worse than awful." Pinahid ni David ang maruming kamay sa mukha ni Dane na agad na umigtad. "You stunned everyone. Great!"

"I'll wake them up." Tinungo niya si Errol na bago pa niya mahawakan ay gumalaw na at dumilat. "What happened?" tanong niya dito. Mahigpit niya itong hinawakan sa magkabilang braso.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon