CHAPTER 15

2.5K 120 16
                                    


Habang kinakaraw ang kanyang kape ay sumagi sa isip ni Errol ang naunsiyaming intimate moment nila ni Ivan kagabi. Napangiti siya nang mapagtantong hanggang ngayon ay ginugood time pa rin siya ng binata. Ang pangu-good time nito na isa sa mga kinaiinisan niya ay isa rin sa paminsan-minsa'y namimiss niya dito.

Dama niya ang preskong hangin sa hardin ng kaibigan ng umagang iyon. Ilang sandali pa ay lumabas na ang may-ari ng bahay na nakangiti sa kanya. May bit-bit itong dalawang plato, ang isa ay may lamang hot dogs at ang isa naman ay mga loaves ng tinapay. Napaiba siya ng tingin matapos dumako ang mga mata sa kahubdan nitong natatakpan lang ng boxers niya kung saan bumabakat ang bagay na iyon.

Nakita niyang nilapag na ng binata ang mga dala nito sa mesa sa tapat ng kanyang kape. "Good morning, baby."

"Good morning din. Dami naman niyan." Tinuon niya ang tingin sa nakahain. Gusto niyang sabihan ang kaharap na magdamit lang man sana. Ngunit bahay niya ito. At narealize niyang ganoon talaga si Ivan, mahilig magbuyangyang ng katawan. Pero nadidistract talaga siya sa rosy nipples ng kaharap at sa maumbok na pecs niya. Napahigop siya ng kape. Naghihintay siya na magsalita ang kaharap, ngunit ilang minuto na yata ang lumilipas ay tahimik pa rin ito. Naisip niyang tingnan ang mukha nito. Kumislot ang mga kalamnan ni Errol nang makita itong nakangiti at pagkuwa'y kumindat ito.

Kumuha si Ivan ng tinapay at hot dog at nagsimulang kumain. "Baby, kain na."

"Ivan, after nito aalis na ako, malelate na ako sa trabaho."

"Di pwede." Ngumisi si Ivan.

"Bakit? Kelangan ako sa lab eh."

"Nope. Pinagpaalam na kita kay Cindy. Sabi ko masama pakiramdam mo."

"Di naman masama pakiramdam ko." Umismid ang binata.

Hindi sumagot si Ivan. Muli itong pumasok sa bahay at lumabas na may kausap sa telepono. "Okay, sandali, bibigay ko phone sa kanya."Inabot nito ang cellphone kay Errol.

Pangalan ni Cindy ang nakarehistro sa screen. "Hello, ma'am..."

"Errol, magpahinga ka. I instructed Gideon na siya muna mag-oversee ng cleanup," saad ni Cindy sa authoritative nitong boses.

"Pero, ma'am..."

"See you next week."

"Ma'am Cindy, okay lang na --" Naputol na ang tawag.

Tumawa si Ivan at kinuha ang cellphone. "Wala ka ng kawala. Prisoner kita ngayong araw."

"Hala. Loko-loko ka talaga. Pag nalaman ni ate na okay lang ako magagalit yun."

"Di yun magagalit." Humigop si Ivan ng kape.

"Pa'no ka naman nakakasiguro?" Sumimangot si Errol.

"She cares about you." Ngumiti si Ivan tapos kumagat ng hot dog.

"Pero di naman pwede na pagsinungalingan siya."

"Ah, basta, pinagpaalam na kita. Dito ka lang."

"Pero dadalawin ko rin si Tita ngayon."

"Mamaya pa naman yun, di ba? Ihahatid na lang kita."

"Di ka ba pupunta sa store o dun sa bagong branch?"

"Hindi," payak na sagot ni Ivan habang ngumunguya.

"Bakit naman?"

"Kasi may special akong bisita."

Pinamulahan si Errol. Napayuko na lang ito. Paminsan-minsan ay napapasulyap sa kaharap na nagbabasa ng mga mensahe sa kanyang cellphone. Nabigla na lang siya nang muli itong magsalita.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon