CHAPTER 7

2.2K 135 26
                                    


"Nabasa ka ba?" tanong ni Ivan sa lalaking kakapasok lang ng kanyang kotse.

"Medyo, bro. Pwede pakihinaan ng aircon? Nilalamig kasi ako." Pinunasan ni Jansen ang basang mukha ng kanyang kamay.

"Di na ako bumaba, bro, kasi umulan na." Hininaan ni Ivan ang AC sa dashboard.

"Okay lang." Tumanaw si Jansen sa labas ng kotse. "Lakas ng ulan."

"This weather reminds me of something," saad ni Ivan na nakatingin din sa labas.

"What?"

"Ah, wala, wala... How's Errol?"

"Okay lang naman. Medyo emo pa rin, pero mas okay na siya ngayon. Nakakapagbiro na kahit papaano. Dun ko siya inabutan sa puntod ni Erik kanina."

Napatingin si Ivan sa malayo. "Hindi niya pa rin talaga makalimutan si Erik."

"Siyempre, bestfriend niya eh tapos mahal niya pa yun. Naiintindihan ko naman siya."

Pinatong ni Ivan ang mga bisig sa manibela habang hinihintay na tumila ang malakas na ulan. "Ako din naman naiintindihan ko siya. Sa totoo lang naaawa ako sa kanya, pero di ko na lang masyado pinapakita."

Ngumisi si Jansen habang pinupunasan ang kanyang salamin. "Ayaw pa naman nun na kinakaawaan siya."

"Wala ba siyang nagugustuhan ngayon?"

"Nagugustuhan na?"

"Another guy?" Lumingon si Ivan kay Jansen.

"Kayong dalawa lang naman ni Erik ang bukambibig nun."

Binalik ni Ivan ang tingin sa kalsadang pinapalo ng mga butil ng ulan. "Baka kasi may iba na siyang napupusuan."

"Sa nearly 2 years na nakilala ko si Errol, masasabi ko na loyal siya. Noon naman kinukulit ko yan pero ayaw kasi..." Tumigil sandali si Jansen at ngumiti.

"Kasi?" Lumingon muli si Ivan sa kanya.

"Kasi nung time na yun in love yun sa'yo." Tumawa nang marahan si Jansen. "Kung di dahil sa'yo liligawan ko ulit si Errol eh."

Umirap si Ivan. "Di ba may syota ka na?"

"Hihiwalayan ko yun para kay Errol."

"H'wag mo na pag-interesan yun." Ngumisi si Ivan.

"Di ba mag-aasawa ka na?" Umalik-ik si Jansen. "Eh di pag nag-asawa ka na nga tas magbreak kami ng bf ko, akin na lang si Errol."

"Di ka nga niya mahal, di ba?"

"Aw! Sakit naman." Napangiwi si Jansen sabay hawak sa dibdib. "Wala akong laban sa itsura at sex appeal mo eh."

"Buti alam mo." Natawa si Ivan. "Pero, bro, pwera biro. Basta ang usapan natin ha."

Tumango si Jansen. "Yup. Pareho lang naman tayo ng gusto, ang masigurong okay siya."

"Hinihintay ko lang na maghilom yung mga sugat niya."

"Wag mo antayin. Mag-asawa ka na lang." Tumawang muli si Jansen.

"Gago, basta ang usapan natin ha. Sikreto natin yun. Dapat walang makaalam, kahit siya."

"Sure, pero kiss mo muna ako."

"Ulol!"

Humagalpak sa tawa si Jansen.

"H'wag mo sabihin may gusto ka na rin sa akin."

"Parang narerealize ko na bakit nagkagusto si Errol sa'yo eh."

"Bro, walang talu-talo."

"Bro, top ako, pero kung ikaw payag ako magpabottom."

Marahang sinuntok ni Ivan ang braso ni Jansen. "Gago, 'tong katawan ko para sa kanya lang."

"Oo nah! Pero teka, di ba wala pa namang nangyayari sa inyo?"

"Grabe kasi yun magpigil eh."

Humagik-ik si Jansen. "Kawawa ka naman, bro. Two years ka na dyeta."

Natatawa man ay sumagot din si Ivan. "Ulol, h'wag mo na ipaalala sa akin."

"Eh di si Felicia na lang." Humagalpak muli sa tawa si Jansen na tila komportable nang nakikipag-usap sa kanya.

"Alam mo na, di ba?"

"Okay, okay. Baka after the engagement pwede."

"Naaasar na ako sa mga tawa mong gago ka ha."

"Okay, okay," saad ni Jansen na inangat ang mga kamay.

"Uubra kaya 'tong naisip natin?"

"Aba, ewan. Ikaw nakaisip niyan eh."

"Sana umubra."

"Ewan, bro, basta alam mo na opinyon ko dito."

"Bahala na. Wala kasi akong ibang maisip na paraan." Pinaandar nang muli ni Ivan ang kotse. "Huminto na ang ulan. Maghanap na tayo ng makakainan. Kanina pa ako nagugutom eh."


Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon