CHAPTER 66

1.7K 105 25
                                    


"Just in time to save your friend." Ngumisi si Director Andrea Moss.

Ngumisi din si Errol.

"It's time to go, boys." Lumingon siya sa mga kasama.

"Go where, Director Moss?" Kalmado ang boses at tindig ni Errol.

"Where we can put you" -- binaling nito ang tingin kay Dane at kay David -- "to good use."

Inangat niya ang mga kamay at winagayway ang mga hintuturo nang lapitan siya ng mga armadong miyembro ng CIA. "Not so fast." Humakbang siya papunta kay Director Moss. Hindi niya pinansin ang pagtutok ng mga baril sa kanya.

"You know what, Director Moss," saad niya habang patuloy na naglalakad at nilampasan ang babaeng kausap, "I have a feeling this is going to be our last meeting." Lumapit siya kay Agent Agnes Cortez.

Kinasa ng mga armado ang kanilang mga baril, ngunit sumenyas si Director Moss sa mga ito.

"Your powers of canceling psionic energy are impressive. You just rendered two of the most powerful psionics on earth useless. But, my dear, you missed me." Lumingon siya kay Dane na bakas sa mukha ang pagtataka habang nakatitig sa kanya. Kumindat siya dito at muling binalik ang titig sa babaeng kaharap. "Unfortunately, Miss Cortez, my powers are not psionic in nature. They don't come from this body or mind. They come" -- malamig ang kanyang titig at ngisi -- "from the void."

"Get him!" sigaw ni Andrea Moss sa mga lalaki.

Kinumpas ni Errol ang kaliwang kamay na agad nagliwanag at sumilaw sa lahat. Kumasa ang mga baril.

"Don't shoot!" sigaw ni Director Moss. "Just get him!"

Nakikita ni Errol nang malinaw ang paligid kahit sa tindi ng liwanag. Humarap siya kay Agnes na pumipikit. "This cosmic force is beyond your comprehension, Miss Cortez." Nilapat ni Errol ang hintuturo sa noo ng babae. Ngumisi siya habang umiitim ang mga mata. "Death only matters when you are alive."

Bumagsak sa lupa si Agnes kasabay ng paglaho ng matinding liwanag. Wala na si Errol sa tabi nito.

"You should have ordered them to shoot me when you had the chance," bulong ni Errol kay Andrea Moss. Ang kanyang kamay ay nakabalot sa leeg ng babae. "You have no idea how fast I can kill you right here." Hindi na niya nilingon ang dalawang kasama.

Nakatitig si Dane kay David. "I know," saad ng huli na ngumingiti.

May kinuha si Director Moss sa kanyang bulsa habang si Errol ay nakatingin sa dalawang kasamang nagtatalo.

"What are you doing?" tanong ni Dane na hinihilot ang panga.

"Letting them know they shouldn't have messed with us." Ang kaninang ngisi sa mukha ni David ay napalitan ng gigil.

"Don't kill them!" Lumapit si Dane sa kasintahang bumibilis ang paghinga.

"They wanted to kill us, Dane!"

"They're just following orders." Hinawakan ni Dane si David sa braso.

"Lower them, David." Nakatitig si Dane sa kanya. "So many have died already."

"Mind control me!" Tumingala ito sa mga nakalutang sa ere. "Cuz I'm not going let these morons go." Kagat-ngipin nitong kinukumpas ang mga kamay, matigas ang mga daliring nakabaluktot.

"I won't mind-control you. Just let them go."

Ngumisi si Errol sa narinig mula sa mga kasama. "You messed with the wrong guys." Diniinan niya ang palad sa palibot ng leeg ni Director Moss.

"Or maybe you messed with the wrong lady," malumanay na saad ng babae, "young freak."

"This body may be young," saad ni Errol sa nangungutya na boses, "but I am not. You don't know who you're dealing with."

"Apparently, I do." Tumawa nang payak ang babae habang tumitingala sila sa mga lalaking nangingisay sa ere. "I have all your files."

"You still have no clue," bulong niya dito.

"It's you who don't have a clue." May pinindot si Director Moss sa tenga. "Bring them out."

Narinig ni Errol ang mga yapak mula sa likuran.

"You might want to turn around to see my little surprise."

At umikot nga sila.

Nakatali ang kamay nina Ivan at Diana. Ang kanilang mga bibig ay may balot na masking tape. Sa magkabilang gilig ng dalawa ay may dalawang lalaking may hawak na baril.

"Tell your friend to release my men from his telekinetic hold or these two will die, starting with him."

Binitiwan ni Errol si Andrea. "Do you think I care if you kill him?" Lumapit siya kay Ivan na nakatitig sa kanya, bakas ang galak sa mga mata. Ngunit inagaw ni Errol ang baril ng isa sa mga nakahawak kay Ivan. "I can do it myself." Ngumisi siya habang tinututok ang baril sa mukha ni Ivan na natulala lamang.

Samantala, si Diana ay nagpupumiglas at umiiling. Tanging mga taghoy lamang ang kumawala sa ilong nito.

"I guess my agent missed a bad breakup story." Ngumisi din si Director Moss.

Walang anu-ano'y sumigaw si Errol. Sandaling nagliwanag ang kanyang mga mata. Nabitawan niya ang baril. Ngumiwi siya at yumukod sabay diin ng mga kamay sa sentido. Namilipit siya sa sakit. 

--------------

Nilalaban ni Errol ang kadiliman mula sa loob. Pilit siyang kumakawala. 17 Chapters left, guys! Malapit na. Sa susunod na chapter ay muling magkakaroon ng pangitain ang ating bida. Babalikan natin ang eksenang noon ay dumurog sa damdamin niya, ang halikan nina Ivan at Felicia. Abangan ito bukas. 

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon