CHAPTER 53

1.8K 102 6
                                    


Sa bawat pangitain ay tila mas nabubuhay ang kanyang diwa. Mas nabubuhay ang pag-asa niyang makakaalpas sa pagkakakulong sa kawalan, marahil dahil pansamantala siyang pinapatakas ng mga pangitain mula sa kadilimang bumabalot sa kanya.

At ngayon nga ay nagbabadya na naman ang isang pangitain habang nalulusaw ang kadilimang bumabalot sa kanya at nagbabago ang itsura ng kanyang paligid. Ngayon ay nakatayo na siya sa lugar na madalas nilang puntahan ng lalaking nakita niyang nakaupo malapit sa dalampasigan katabi ang babaeng iyon.

Lumapit siya sa mga ito at umupo siya sa tabi ng lalaki. Walang magandang sunset. Maulap ang kalangitan at tila may bumabalot na manipis na hamog sa paligid. May suot ring jacket ang dalawa na nakakapagtaka. At doon niya naramdaman ang kakaibang lamig sa paligid. Napalingon siya nang marinig ang pagsalita ng binatang katabi.

"Sigurado ka na ba?" tanong ni Ivan.

Tumango si Felicia. Ngumiti si Ivan sa babae at hinawakan ang kamay nito.

"Gusto mo tulungan kita magpaliwanag sa parents mo?"

"Hindi na. Alam na naman nila." Yumakap ang babae kay Ivan.

Ngumiti si Errol sa nakita. Hindi niya alam kung bakit. Dapat ay nagagalit siya. Dapat ay nagseselos siya. Ngunit hindi ganoon ang kanyang nararamdaman.

"Salamat, Ivan." Naluluha ang babae.

Tila noon lamang natitigan ng husto ang babaeng ang tingin ay tumagos lang sa kanya. Pinagmasdan niya ang kayumanggi nitong kulay sa buhok. Dumako ang tingin niya sa maningning nitong mga mata at sa ilong nitong katamtaman ang tangos. Namumula ang mga pisngi nito. Kahit hindi siya nito nakikita ay nginitian niya ito. Muli itong nagsalita.

"Akala ko noon ikaw ang tutulungan ko. Pero ako ang tinulungan mo." Napahigpit ang yakap nito sa binata na tinapik-tapik ng binata sa likod.

"No worries," saad ni Ivan. Mababa ang kanyang boses at mahina sa kadalasan. "Ako ang dapat magpasalamat sa'yo kasi dahil sa'yo narealize ko kung ga'no ako kagago."

Kumalas ang babae sa pagyakap at marahang tumawa. "Grabe ka naman. You're too hard on yourself."

"Totoo naman. But what we did made me realize kung bakit ako nagmamahal."

"I'm still not used to seeing you like that." Ngumiti si Felicia.

Bumuntong-hininga si Ivan. "May mga nagtatanong kung bakit hindi daw natuloy ang kasal natin."

Muling tumawa si Felicia at umiling. "Why don't you just tell them the whole truth?"

"Alam naman ng mga malapit sa akin yung totoo."

"My mom freaked out when she learned about it."

"I'll talk to your mom."

"You don't have to. Pinaliwanag ko na naman sa kanya."

"Kahit mama ko naguguluhan sa mga pinaggagagawa ko. Lagi akong sinisermonan nun kahit 27 na ako."

"You look like you still need scolding." Tumawa nang payak si Felicia habang inaayos ang buhok.

"Si Jansen di pa rin ako kinakausap. Galit pa rin ang mokong na yun."

"Hindi ko siya masisisi."

"Basta," saad ni Ivan habang pinipisil ang kamay ng babae, "don't blame yourself. It was all my fault."

"Kahit na. I still feel guilty. Kapag nahanap mo siya, don't hesitate to call me. I'll talk to him. I'll help you explain things to him."

Napangiti si Errol sa narinig. "Hindi niyo na kailangan magpaliwanag sa akin. Naiintindihan ko." Hindi siya narinig ng dalawa.

Tumango lang si Ivan. "Sana mapatawad niya ako." Lumingon ito sa dalaga. "Sana." Bumuntong-hininga ito sabay tapon sa tingin sa malayo.

"Ivan, okay na ako," bulong ni Errol. "Hindi mo kailangang malungkot dahil sa akin."

"Ako rin. Isa yan sa mga nagpapabigat sa loob ko. Alam mo yon, may tao kang nasaktan."

"Hindi naman kasi dapat ganun. Akala ko kasi..." Pinahiran ni Ivan ang mga mata.

Hinimas ng babae ang likod ng binata. "We all make mistakes."

"H'wag mo na ako alalahanin. Ivan, ayoko makita kang ganyan." Naluluha na rin si Errol.

"Ang mas masakit" -- kumunot ang noo ng binata -- "hindi ko alam kung saan siya hahagilapin."

"H'wag ka na mag-aksaya ng panahon," saad ni Errol. "Ituloy mo ang buhay mo."

"Siguro mas mainam that we go on with our lives. Nagkamali tayo pero it doesn't mean na ikukulong na lang natin ang ating mga sarili sa pagkakamaling yon."

Sumang-ayon si Errol sa sinabing iyon ni Felicia. "Tama siya, Ivan. Tuloy lang ang buhay. Okay na. Tanggap ko naman. Di ba nga sabi ko sa iyo noon, masaya ako para sa inyo."

Umiling si Ivan. "Hindi. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nasisigurong okay siya."

Natigilan si Errol sa narinig. Kung pwede lang siyang magpakita sa katabi, ngunit wala siyang ganoong kakayahan. "Ivan, h'wag mo na akong isipin. Masaya ako para sa iyo, sa inyo." Ngumiti si Errol. Lumapit siya sa kaibigan at niyakap ito. "Pinapatawad na kita." Hindi niya napansin ang pagliwanag ng kanyang dibdib. "Gusto ko maging masaya ka." Tinama ni Errol ang noo sa pisngi ni Ivan. Unti-unti ay hinalikan niya ang pisngi nito. Isang masuyong halik sa lalaking iniibig. Kahit dama pa ang kirot, mas gumaan ang pakiramdam ni Errol.

Bumalik ang presensiya ni Errol sa kawalan kung saan naghihintay ang kanyang itim na anyo.

"Sabi ko naman sa iyo na wala ng naghihintay. Mag-isa ka na lang."

Hindi umimik si Errol.

"Mabubulok ka dito. Habang ako ay patuloy na maghahasik ng lagim."

Hindi pa rin umimik si Errol. Hinintay niya ang paglaho ng kamukha sa dimensiyong iyon.

* * *

Palingun-lingon si Ivan na tila balisa.

"What's wrong?" tanong ni Felicia.

"Parang" -- ginagala niya ang tingin habang nakahawak sa kanang pisngi -- "may humalik sa pisngi ko."

"Seryoso ka?" nakasimangot na tanong ni Felicia na napatayo na rin mula sa pagkakaupo.

"Errol..." Palakad-lakad si Ivan, pilit tinatanaw ang mga taong nasa paligid.

"Huh?" Ginala din ni Felicia ang tingin. "Ivan, baka kulang ka lang sa tulog."

"Baka nga." Binulsa ni Ivan ang kamay. Subalit hindi niya mabaliwala ang pakiramdam ng presensiya ng taong iyon. Hindi niya rin maipaliwanag kung paano o bakit. Pero marahil bunga nga lang iyon ng kakulangan sa tulog.

Isang pagsabog sa di kalayuan ang gumulantang sa dalawa kasabay ng paglakas ng ihip ng hangin na mas lalong nagpalamig sa paligid. Dumilim rin ang kalangitan.

"Kelangan na natin umalis. Hatid na kita sa inyo."

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon