CHAPTER 22

2.3K 121 63
                                    

First of all, I want to thank Mr. Christian Erandio for creating an awesome cover. Nahihiya akong gamitin siya. This is just gorgeous. 

Second, I'd like to remind you that every now and then I sprinkle small details that seem insignificant but actually bear importance in the future chapters

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Second, I'd like to remind you that every now and then I sprinkle small details that seem insignificant but actually bear importance in the future chapters. Kaya sinasabi ko talaga basahin niyo nang maigi ang bawat kabanata. 

Third, I am so done after 102,400 words and 81 chapters. Time to watch THE CONJURING 2, I guess. Pahinga muna ako ng ilang weeks before I write the short book to put the series to a sweet, steamy end. 

----------------------------

CHAPTER 22

Malamig ang semento kung saan nakadikit ang pisngi ng nakahandusay na si Errol. Dahan-dahan niyang binuka ang kanyang mata. Dama niya ang lamig ng maitim na tila aspalto sa nakakulob na mga palad. Hindi niya matandaan kung paano siya nakarating doon. Ang huli niyang naaalala ay ang impyernong silid na iyon kung saan siya pinahirapan nang husto ng mga taong nais tuklasin ang kanyang angking kapangyarihan.

Dalawang paang nakasapatos ang nakita niya nang iangat niya ang tingin. Hindi gumalaw ang mga paang iyon. "Ano'ng gagawin niyo sa akin?" Wala siyang narinig na sagot. Tinulak niya ang sarili mula sa malamig na semento upang tumayo. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid.

Nakatayo lang ang taong kaharap. Nakayuko ito. Hindi maaninag ni Errol ang mukha ng lalaking sintangkad niya. Nakasuot ito ng kapote. Pero teka. Pamilyar ang suot niya. Lumapit siya dito upang alisin ang tabon nito sa ulo. "Ikaw na naman!" Nginitian siya ng pamilyar na mukha. Nginitian siya ng sarili niya.

"Mahina ka pa rin." Tinulak siya ng kamukha. "Hanggang diyan ka na lang ba?" Umalingawngaw ang boses nitong tulad din ng boses niya, mas malamig nga lang at tila tumatalbog mula sa mga hindi maaninag na mga dingding. "Madadapa pag tinutulak? Iiyak kapag nasasaktan? Ni sa sarili mo wala kang silbi."

Nakatitig lamang si Errol sa kamukha. Magkamukha sila pero ibang-iba ito sa kanya. "Hindi kita kilala."

"Malamang, dahil ang kilala mo lang ang kahinaan mo." Umiling ang kawangis.

"Ano'ng pangitain na naman ito?" Ginala ni Errol ang tingin at doon niya lamang napansin na nasa kawalan siya. Tanging ang aspaltong semento ang nakikita niyang sa kalayuan ay kinain ng kaitiman.

"Walang silbi ang mga kakayahan mo, Errol, kung mahina ka. Hindi ka didinggin ng liwanag kung ang tanging nasa iyo lamang ay mukha ng kabiguan." Lumapit ang kamukha at yumukod sa nasa sahig na binata. "Wala kang silbi."

"Lumayo ka. Kung sino ka man, hindi mo ako kilala." Iniwasan ni Errol ang mga titig ng kanyang kamukha. Tumayo siya mula sa pagkakadapa.

"Ang totoo ay kilala kita." Ngumisi ang kamukha. Umitim ang mga mata nito, isang tanawin na nagpakaba kay Errol.

"Hindi mo na ako madadaan sa ganyan." Kinumpas ni Errol ang isang kamay. "Ipakita mo ang tunay mong anyo!" Tinuon niya ang nagliwanag na kamay sa kamukha. Hindi nagbago ang itsura ng kaharap na ngumisi lang sa kanya at ginawaran siya ng matalim na titig.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon