CHAPTER 36

1.9K 113 22
                                    


"This is so unnecessary," bulong ni Errol sa sarili habang tinitingnan ang dalawang robots na mas malaki sa kanila ni Maggie. Ang isa sa mga ito ay binalibag ang nakaharang na sasakyan. Alam niyang hindi siya naririnig ng kasamang ginagala ang tingin sa paligid. Sa tingin niya ay iniestima nito ang akmang hakbang upang walang taong masaktan sa paligid.

"Get away!" sigaw ni Maggie na sinisenyasan ang ususero na umalis.

"If only they knew... But the darkness can wait," muli niyang bulong habang minamasdan ang pagtingkad ng mga mata ng isang robot na tila ay nakatutok kay Maggie. "I'm only buying my time with these people."

Kasabay ng paghiyawan at pagtakbuhan ng mga tao ay ang muling paglingon ni Maggie sa mga kaaway.

"Watch out!" sigaw ni Errol na mabilis na hinarangan ang asul na sinag na pinakawalan ng isa sa mga robots. Bago tumama ang sinag sa katawan niya ay tumigil ito sa harapan niya at doo'y kumalat, kumatay sa iba't ibang direksiyon. "I can destroy them by overloading their circuitry," nakangiting saad ni Errol kay Maggie.

"Looks like you're in tune with your powers pretty well now." Kumuha ng bakal sa semento si Maggie.

"You guys trained me well." Tanaw ni Errol ni Errol ang mga umuusok na sasakyan. Nagkalat din ang mga basag na salamin sa daan.

"Time to drop the shield now," saad ng babae.

"Very well." Kinumpas ni Errol ang mga kamay. Umatras ang sinag na pinapakawalan ng robot at lumihis patungo sa himpapawid.

"You take that guy." Tinukoy ng kasama ang robot na nakapagkawala ng amplified photon blast. "The other asshole is mine!" Agad tumakbo si Maggie sa tinutukoy at malakas na hinampas ito ng tubong metal na nayupi. Isang suntok sa sikmura ng robot at nayupi ang metal armor nito.

Humanga si Errol sa bagsik ng kasama. Ngunit hindi na nagtagal ang atensiyon niya sa tagpong iyon dahil sa pagsabog ng isang kotse ilang metro mula sa kanya. Dinig niya ang sigawan ng mga tao.

"On the other hand, this seems fun." Ngumisi si Errol. Hindi man lamang siya kinakabahan. Bagkos naglakad siya nang mabagal papunta sa robot na tinutok lang ang nagliliwanag na kamay sa kanya.

Nakailag siya sa isa na namang photon blast na galing sa kamay ng makinang korteng tao. Sinulyapan niya ang bahagi ng kalsadang tinamaan. Umitim ang parteng iyon na umuusok. Nakangising lumingon si Errol sa robot na iyon na ngayon ay mas malapit na sa kanya. "Give me another shot, tin can."

Tumigil sa paglalakad ang robot. Tumingkad ang liwanag sa mga mata nito. Walang anu-ano'y nagpakawala ito ng dalawang photon beams mula mga mata nito. Nakailag nga si Errol, pero nadaplisan ang kanyang manggas.

"You'll have to pay for this," saad niyang nakangisi. Nakita niyang kumislap muli ang mga asul na matang iyon. Ngunit imbis na umilag ay mabagal siyang naglakad tungo sa robot. Tumigil ang sinag sa tapat ng kanyang mukha. Di niya ito alintana. Inangat niya ang mga kamay. "Let me see what this does."

Kinolekta ni Errol sa ere ang sinag na iyon. "We're just playing, aren't we?" Inipit niya sa pagitan ng mga palad ang nakolektang ilaw na tumindi sa loob ng kanyang magkadikit na mga palad.

"We can do this all day, but we only got five minutes." Ngumisi si Errol, at walang anu-ano'y tumakbo. Agad niyang pinaghiwalay ang mga palad at lumundag habang nakabukas ang makislap na kanang kamao na mabilis niyang hinampas sa mukha ng robot na iyon. "The thing is, one can do."

Pumutok ang magkabilang tenga ng robot na tinulak ng napapayukod na binata. Natihaya ang nangingisay na robot na pumuputok ang ilang bahagi ng katawan. Inalis ni Errol ang kamay sa umuusok na mukha ng robot na kasabay ng pagkamatay ng ilaw sa mga mata nito ay tila nawalan ng buhay.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon