CHAPTER 74 - Cassandra vs The Dark Entity

1.9K 103 29
                                    


Hinihingal si Cassandra. Dahan-dahan siyang lumingon sa kotse. Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa kalsada. Ginala niya ang tingin. Tanaw niya ang mga sirang gusali. Sa malayo ay naroon ang mga naglalakihang sasakyan na kumukolekta ng mga kalat sa kalsada.

"Buti na lang naapakan ko kaagad ang preno." Boses iyon ng lalaking bumaba.

Naramdaman ni Cassandra ang mga kamay sa kanyang balikat.

"Okay ka lang ba?"

Lumingon siya sa babaeng nagulantang nang makita siya.

"Ate!" Niyakap ni Diana si Cassandra.

"Diana!" Yumakap din si Cassandra na humahagulgol.

"Paano ka nakarating dito?" Hinihimas ni Diana ang likod ng humahagulgol na babae.

"Diana..." muli niyang daing. Hindi niya malaman kung ano ang dapat mamutawi sa bibig.

"It's okay you're safe."

"Akala ko hindi na ako makakatakas."

"Paano ka nakatakas, ate?"

Sandaling natigilan si Cassandra. Kinalma niya ang sarili. "Bumalik na ang kapangyarihan ko."

Tumayo si Diana at lumapit kay Ivan.

"No!" Hindi na niya nahabol ng hawak si Diana. Nanlumo siya nang makita ang takot nito sa mukha. "Don't be afraid."

"Pinahamak tayong lahat ng kapangyarihan mo. That's why nag-hesitate ako na subukang pagalingin ka."

"It's not what you think, Diana." Dahan-dahan siyang tumayo. "I'm fine now. I'm fine now. Look!" Inangat niya ang mga kamay upang ipakitang wala na sa kanya ang kadiliman.

"How can we trust you?"

Hindi makasagot si Cassandra. Maging siya ay hindi sigurado sa kanyang katinuan. Matagal siyang tumayo. Naghintay siyang lumapit sa kanya ang kapatid, ngunit tanging mapanghamak na tingin lamang mula dito ang kanyang nasilayan. Tumalikod siya at naglakad.

"Ate, sandali!"

Muling lumingon si Cassandra.

"Ang totoo, eh, pupuntahan ka dapat namin," saad ni Diana na tila nag-atubili.

"Kelangan namin ang tulong mo," saad ni Ivan.

Bago siya makapagsalita ay umalog ang kotse. Nabasag ang mga bintana ng kotse kasabay ng sigawan sa loob.

"Dane! You're losing your hold on him!"

"He's waking up... and resisting!"

Nayupi ang iba't ibang parte ng kotse hanggang sa magkapira-piraso ito. Lumitaw ang tatlong binata sa paligid ng mga umiikot na parte ng kotse. Si Dane ay nakahawak sa ulo ni Errol. Si David ay pumupwersa sa gilid ng nangingisay na binata.

"I'm trying to hold him down, but..." Litaw ang lumalaking ugat sa sentido ni David.

"Ano'ng nangyayari sa kanya?" Natulala si Cassandra sa tanawin. "Ano'ng ginagawa nila?" Hinintay niyang lumingon ang isa kina Diana o Ivan para magpaliwanag. Naguguluhan siya. Ginala niyang muli ang tingin sa paligid. "Bakit magulo ang paligid? Ano'ng nangyari?"

"Ate," saad ni Diana na bakas sa mukha ang hilakbot, "nasa kanya na ang sugo ng dilim."

Nasapo ni Cassandra ang nakabukas na baba. "Paano?"

"Hindi ko alam." Napaatras si Diana habang naririnig nila ang protesta ng sugo ng dilim.

"Ako ang dahilan kung bakit..." Tila kinain ng lalamunan ni Ivan ang boses niya. "Ano'ng gagawin natin?" Humakbang si Ivan patungo kay Errol.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon