CHAPTER 20 - The ISA Agents

2.3K 125 28
                                    

Do you want us to have a small facebook group? Let me know in the comments. 

Mr. Christian Erandio, one of our friends, made an awesome cover for TDW. I'll post it with Chapter 22. Thank you, Christian! 

In the light of the recent events -- Orlando shootings and Damascus bombings -- I'm dedicating this chapter to the victims of extremism around the world and the heroes who put their lives at risk to save others. 

---------------

"How many people inside?" tanong ni David kay Dane habang nasa kotse at nakatanaw sa isang gusaling may dalawang palapag.

Dumilat si Dane at nagsalita. "47 psychic impressions."

"Are you sure?"

Tumango si Dane. "None of them seems to know about us."

"Director Siler is a bad motherfucker." Ngumisi si David.

"Let's go. Time to flex your arms." Binuksan ni Dane ang pinto ng kotse.

"Be back in 10," nakangiting saad ni David sa driver na tumango lang. Naglakad ang dalawa patungo sa gate ng gusali. Nagsalita si David sa dalawang nakabantay. "We have an appointment with Director Moss."

Nagtinginan ang dalawang gwardiyang Pinoy, pagkatapos sinipat ng isa ang dalawang kaharap na banyaga. "No appointments today." Umiling ito. "None."

Tumango si David kay Dane na tinitigan ang dalawa at nagsalita sa mga ito. "Let us in."

Agad natulala ang dalawa, tumabi, at binuksan ang gate.

"Your powers are really convenient." Ngumisi si David kay Dane habang papasok ang dalawa sa bakuran ng naturang gusali. Tanaw nila ang dalawang bantay sa entrance nito na biglang pinuwesto ang mga kamay malapit sa kanilang mga baril.

Sa tingin ni Dane ay hindi na Pilipino ang mga ito kundi mga Amerikano rin. "They'll shoot us if we make three more steps," mahinang saad niya.

"Or they can try." Ngumisi si David.

"Not yet time for you. Let me handle them." Tinitigan ni Dane ang dalawang bantay na agad binaba ang kanilang mga kamay at tumingin sa kawalan. Tumigil sa paglalakad ang telepath at maya-maya pa'y lumingon sa kasama. "He's in a room third to the south. He's tortured and drugged."

"Then let's go get him." Nakasimangot si David, seryoso ang ekspresyon habang mabilis nilang tinumbok ang entrance na binuksan ng isa sa mga gwardiya.

Tahimik na naglakad ang dalawa sa hallway, di ginawaran ng tingin ang mga nakatinging staff. Nadaanan nila ang mga silid kung saan may mga nakadetain na tila kinakausap ng mga nakasuit na mga lalaki. Nakasalubong nila ang ilan sa mga armadong lalaki na nakatingin sa kanila.

Kinausap ni Dane ang kasama sa isip. "They think we're intruders."

"I know," sagot din ni David sa isip.

"Be ready."

Ilang sandali pa ay narinig nila ang pagkasa ng mga baril mula sa kanilang likuran.

"Stand down!" sigaw ng isa sa mga armado.

Inangat ng dalawa ang mga kamay. Si Dane ay nasa unahan ni David na nakangisi nang bahagya habang tinatagilid ang ulo. Mabilis na umikot ang huli at hinugot ang baril mula sa armadong kanina'y nasa likuran niya lamang at sinuntok ito sa mukha at sinipa sa tagiliran. "Hurry! Get the guy."

Nakipagbuno si David sa mga tauhan habang tinutumbok na ni Dane ang kinaroroonan ng binatang isasalba.

Suntok dito. Sipa doon. Halatang bihasa na nga ang binata sa pakikipaglaban. Isa-isang bumulagta ang mga kalaban. Isang armado ang biglang bumunot ng baril na agad naagaw ni David habang hinihila ang armadong kaaway na binalibag nito sa semento. Kumasa muli ang mga baril sa di kalayuan. Isang segundo ang lumipas. Isa, dalawa, tatlo, apat, limang putok.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon