Ipagpatuloy natin ang ika-tatlumpo't siyam na kabanata

1.8K 90 7
                                    


Naghaharutan ang dalawang babae nang tumunog ang cellphone ni Diana. Tumigil ang dalawa nang sagutin niya ang telepono. "Liz?"

"By any chance, nagkita ba kayo ni Ivan?"

"Ngayong araw? Hindi. Bakit?"

"We're supposed to meet tonight. Dalawang oras na siyang late."

"Baka natraffic lang."

"He's not returning my calls."

"Did you try his other number?"

"What number?"

"He has another number."

"Don't tell me nagbago na naman siya ng numero." Irita na ang boses ni Liz sa kabilang linya.

"Wait, hold on. I'll call you later." Pinutol ni Diana ang tawag at dinial ang isang numero ni Ivan.

"Distorbo yan sa moment natin ha." Sumimangot si Julie.

"Importante 'to," sagot niya. Napakunot siya ng noo nang hindi sumagot si Ivan. Mas kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa telepono. "What is he doing in San Juan?"

"Baka may dinaanan lang."

"He checked in to a bar in San Juan 15 minutes ago." Hinarap niya ang telepono kay Julie.

"I thought he was supposed to meet Liz?"

"Yun nga eh!" Agad na bumaba ng kama si Diana at nagbihis.

"Don't tell me hahanapin mo siya!"

"Julie, he's my friend."

Bumuntong-hininga ang kasama na nagbihis na rin.

Muling tumunog ang telepono ni Diana. Sinagot niya ito. Sinabi niya kung saan niya kung nasaan malamang ang binata.

"That's 30 minutes from where I am," sagot ni Liz.

"Mas malapit ako sa San Juan. I'll pick him up." Binaba ni Diana ang telepono.

* * *

"Ayon ang kotse niya!" bulalas ni Diana matapos ihinto ang kotse sa tapat ng bar na iyon sa San Juan. Nang puntahan nila ito ay wala ang binata. Tinungo nila ang loob ng lugar at hinanap ang binata sa loob, ngunit wala ito. Tinanong niya ang gwardiya. "Manong, may lalaki bang nagawi dito, mga ganito ka tangkad" -- inangat niya ang palad upang ilarawan ang tangkad ni Ivan -- "matipuno at gwapo..."

"Marami kasi nagagawi dito, ma'am," saad ng gwardiya.

Naghanap si Diana ng larawan ni Ivan sa telepono niya at pinakita ito sa gwardiya.

Sandaling minasdan ng gwardiya ang larawan. "Ah, lagi yan dito," sagot nito. "Mukhang lasing yata. Sinamahan nung tatlong kaibigan niya yata pauwi. Kanina lang sila umalis, wala pa atang 10 minutes."

Kinabahan si Diana. Nakadilat itong napatulala kay Julie.

"What's wrong?"

"Bukod kay Clark, walang nakukwentong barkada si Ivan na nandito sa Maynila o sa Pilipinas. Masama ang kutob ko."

"All right, just calm down. Natetense din ako sa'yo eh."

"Manong, natatandaan niyo pa ang plate number ng kotseng sinakyan nila?"

"Nako, miss, hindi ko natandaan eh. Marami kasing pumaparada dito at umaalis na sasakyan."

"Sige po, salamat." Muling binuksan ni Diana ang telepono at mas sumimangot sa nakita. "Nasa hotel siya."

"Parang malapit lang yan dito eh." Tinungo ni Julie ang kotse. "Halika na! Baka maabutan pa natin."

Kinakabahan si Diana. Hindi niya alam kung sino ang tatlong lalaking tinutukoy ng gwardiya. Sana naman ay hindi mapahamak ang kaibigan. Hindi na niya malaman kung gaano katagal sila sa daan dahil sa labis na pag-iisip.

"Andito na tayo."

Nakatulala lang si Diana sa hotel.

"Huy, baba na! Ano ba?"

Agad niyang inalis ang seat belt at nagmadaling tinungo ang entrance ng pook. Nang makarating sa reception area ay -- "Miss, may nagcheck in ba dito na apat na lalaki?"

"Opo, ma'am."

"Miss --"

Hinila siya ni Julie. "Calm down, will you?" Hinarap nito ang receptionist. "Kaibigan kasi namin yung isa sa kasama nila. May kailangan lang kami."

"Ma'am, I'm sorry pero hindi po ako pwede magbigay ng impormasyon. We value the privacy of our guests po."

"Nonsense! My friend is in trouble."

"Ma'am, I'm really sorry. But I can phone them para imeet po kayo dito sa lobby."

Natataranta na si Diana. "This is useless." Ginala niya ang tingin sa paligid. Dahil sa tension ay ramdam niya ang pagiging aktibo ng kapangyarihan nakikita niya ang emosyon ng mga tao sa paligid sa pamamagitan ng aura sa palibot ng kanilang mga mukha. Isang lalaki sa sulok ang kumuha sa kanyang atensiyon.

"Miss, I think our friend is in trouble. He's been drugged and was brought here. Baka kung ano mangyari sa kanya, kargo niyo ito," saad ni Julie.

"Ma'am, kasi..."

"Gusto mo ba tumawag pa ako ng pulis?"

Hindi na masyadong napakinggan ni Diana ang pakikipag-usap ni Julie sa receptionist dahil dahan-dahan siyang lumapit sa lalaking iyon na may kausap sa telepono. Nakikita niya ang mabilis na pagkurap ng matingkad na pulang aura sa paligid ng katawan at ulo ng lalaking iyon.

"Oo, tol, andito na. Mukhang masarap. Gym-fit. Gwapo."

Nagkunyari si Diana na may tinitext, pero panay ang sulyap niya sa lalaki.

"Sige, antayin ka namin." Binulsa na ng lalaki ang telepono. Pagkatapos ay tinungo nito ang elevator.

Sinundan ito ni Diana na hindi na hinintay si Julie. May mag-ina silang nakasabay na kagaya nila ay lumabas din ng pangalawang palapag. Sinundan ni Diana ang lalaki. Tinext niya si Julie na nasa itaas siyang palapag at sinusundan ang lalaki. Napansin niyang tumigil ang lalaki sa isang pinto. Hinintay niyang buksan ng lalaki ang pintong iyon. 

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon