CHAPTER 14

2.7K 107 18
                                    


Nasa tapat ng isang nakaupong lalaking naka-itim na coat at tie ang isang folder na may titulong classified. Sandali iyong sumulyap sa di malayong bintana habang ang baba ay nakapatong sa magkadikit na kamao. Ang kanyang relos ay nasisinagan ng ilaw mula sa bintana. Humarap siyang muli sa dokumento at sinuot ang kanyang salamin. "We received this information earlier today." Inangat niya ang tingin sa dalawang lalaking nasa harap niya.

Kinuha ng naka-brown leather jacket at knit cap ang folder at binuksan ito. "Errol James Santiago." Sandali nitong tiningnan ang mga kuhang larawan ng lalaki. "Familiar."

Sumimangot sa kanya ang kasamang nakaitim na t-shirt at jeans. "Hanging on Grindr again?" Ngumisi ito.

"Fuck you!"

"Later." Kumindat si David dito, sabay ngisi at paulit-ulit na pinapatama ang itaas at ibabang mga ngipin na kunyari ay may nginangatngat.

"Boys, not the time for your personal issues. We need to get work done." Tumayo ang may edad na lalaking sintangkad ng dalawa at inalis ang salamin nito. "We intercepted CIA communication. They're capturing him." Tinuro niya ang folder.

"Why?" tanong ng naka-knit cap na lalaki.

"If you read the files, it says there he was involved in that freak event in Manila on December 21, 2015," saad ng kanina'y nakasalamin.

Nagtinginan ang dalawang lalaki sa harap niya, at maya-maya pa ay nagsalita ang naka-knit cap. "That's more than a year ago." Humarap siya sa kanyang boss. "We were in Hong Kong when this happened."

"Right, Dane. You know that case more than anyone else in the agency."

"This means you're sending me back to Manila. Right, Rod?"

Tumango si Rod Siler.

"Excited to hook up with a Filipino guy?" bulong ng kasamang lalaki ni Dane na agad siyang tinulak.

Tinaasan ito ni Dane ng kilay at binigyan ng middle finger.

"Boys," saad ni Rod, "now is not the right time for your personal bullshit."

"When are you sending my wife there?" Ngumisi ang lalaki at umakbay kay Dane na agad itong siniko. "Aw!"

"I'm sending both of you," tugon ni Rod. "You two better shape up. This is a serious matter. That guy is probably like you both."

"He's queer, too." Lumingon siya kay David.

"Not sure about that," sabat ni Rod.

"What can he do?" tanong ni David.

"He's photokinetic. Didn't you read the file? Look!" Hinarap ni Dane kay David ang isang larawan.

"One of the photos taken by a CIA agent on that day," saad ni Rod.

Binulsa ni David ang mga kamay. "Is the CIA planning to make light bulbs?"

Bumuntong-hininga si Rod, habang si Dane naman ay natawa at marahang sinuntok sa braso ang kasama.

"Take him before the CIA does! They have the other one already."

"Who?"

"Someone named Cassandra." May pinindot si Rod sa kanyang mesa at lumitaw ang isang imahe ng babae. Hinila niya ito at tumapat sa kanila ang 3-d image ng isang babaeng nasa loob ng isang puting selda. "Remember her?" tanong niya kay Dane na tumango lang. "She's in a psychiatric facility in Manila but is under the surveillance of the CIA."

"Should we get her, too?" tanong ni Dane habang inaangat ang kanyang knit cap upang ayusin ang kanyang buhok.

"This guy" -- turo ni Rod sa folder -- "is our priority. I think he has answers to our questions."

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon