CHAPTER 75

1.8K 110 12
                                    


"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Ivan kay Diana. Natatakot man para sa magiging kahihinatnan ng mga nangyayari ay wala rin siyang magawa. Kung ang mga kasamang may kapangyarihan ay walang magawa, ano pa ba ang silbi niya? Sandali lang siyang sinulyapan ng tulirong kausap na luminga-linga.

"Dane!" sigaw ni Diana sa binatang dumadaing habang bumabangon ilang talampakan mula sa kanila. "Help me!"

Muli ginala ni Diana ang tingin. "David!" Nang lumingon ang binatang sinigawan ay muli itong nagsalita. "Help my sister fend that monster off!"

Tanaw ni Ivan sina Cassandra at David na nilalabanan ang kadiliman. "Mukhang nahihirapan sila. Diana, ano'ng gagawin natin?"

Litaw ang pangamba sa mukha ni Diana. "Hindi nila kakayanin. Hindi sumaklob ang sugo ng dilim sa katawan ni ate."

Tuliro si Ivan. Hindi niya alam kung ano ang iisipin o gagawin habang nakatingin sa walang malay na si Errol. Napalingon na lang siya sa isa pang katabi nang magsalita ito.

"How can we fight this thing?" Litaw ang takot sa mukha ni Dane.

"We can't," saad ni Diana na nakatitig sa walang malay na binata.

May napagtanto si Ivan. "Si Errol lang..."

"What?" Simangot ang naging tugon ni Dane sa kanila.

"Only he" -- tinukoy ni Diana ang binatang walang malay at pagkatapos ay nilingon ang halimaw na nilalabanan ng kanyang ate at ni David -- "can fight the darkness."

"His light," saad ni Dane na tila ba ay may napagtanto sa gitna ng panganib. "We have to wake him up."

"It's going to take us more than that," saad ni Diana. "You have to wake him up from inside."

"What do you mean?"

"I can reenergize him, Dane, but only you can find him."

"I hope they can buy us enough time," saad ni Dane na nakatingin sa walang malay na si Errol, "because this is not going to be easy."

"Dane, we have to hurry," saad ni Diana na nakahawak sa palad ni Errol, "while the dark entity is still out of his body."

"Do it now, Dane!" sigaw ni Ivan habang nasusulyapan ang pagpigil ni David sa itim na pwersang sumasakal kay Cassandra. Naramdaman na lang niya ang paghablot ni Dane sa kanyang kamay.

"I don't think I can do this without you," saad ni Dane.

Nagulat si Ivan nang magbago ang itsura ng paligid. "What are you doing?"

"Linking our minds to his mind."

Luminaw na ang paligid. Nakatayo silang dalawa sa isang lugar na pamilyar kay Ivan. At pamilyar din ang gabing iyon. Tanaw niya ang mga dekorasyong hugis puso. Papasok na sana siya sa pook nang pigilan siya ni Dane.

"Wait," saad niya habang tila may sinusuri sa hangin, "something's not right."

"I've been here before," saad ni Ivan. "Are you replaying my memories again?"

Umiling si Dane. "We're supposed to be inside Errol's mind."

"Then, what are we doing here?"

"I don't know." Inangat ni Dane ang mga kamay na tila may hinahawakan. "We have another problem."

Doon napansin ni Ivan ang umaalun-alon na lamad sa harap nila. Ilang sandali pa ay lumitaw sa mga alon ang mga hibla ng itim na enerhiya. "What is this?"

"It's a membrane that won't let us in."

Napasimangot na lamang siya, ang isang kamay ay nakasapo sa ulo, ang isa naman ay nasa bewang.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon