CHAPTER 13-B

2.4K 120 13
                                    

QUICK UPDATE. Pakicheck na lang kung may errors. I'm currently writing chapter 56. Ayokong mawala sa train of thought ko. Anyway, you remember the legend of the gems that I posted on the SPOILERS corner, right? Nasa part na ako na kinukwento ni Magda ang tungkol sa alamat, at maraming nabago sa part na yun so kalimutan niyo na yun. Nararamdaman kong tatamaan ko ang 70k-word milestone tonight. Yasss! Enjoy reading! 

-----------


Napalunok si Errol sa nakitang tanawin -- ang pumuputok na mga masel ni Ivan at ang mabuhok niyang binti. Umiwas siya ng tingin. "Siyempre pero, hello, wala naman akong jowa."

"Eh di jowain mo ako ngayong gabi."

Nakaramdam na naman si Errol ng pagkislot ng kanyang puso habang sinusulyapan ang mapang-akit na ngiti ni Ivan. Muli niyang iniba ang tingin. "Ayan ka na naman. Pagtitripan mo na naman ako. Ganyan ka lagi eh. Inaabuso mo ang kahinaan ko."

"Bakit, nanghihina ka ba kapag nakikita mo akong ganito?" Gumiling si Ivan sa harap ni Errol.

Napaismid si Errol, tumayo, at tinungo ang pinto. Naramdaman niya ang paghawak ni Ivan sa balikat niya.

"Grabe 'to, o. Maliligo muna ako."

Hindi maiwasang maalala ni Errol ang ilang mga tagpo sa pagitan nila ni Ivan dalawang taon na ang nakalipas. Madalas kasi siyang pagtripan at akitin ng binatang aaminin niyang minsa'y pinagpantasyahan niya din naman. Sino ba ang hindi magpapantasya sa kanya? Ika nga noon ng kaibigan niyang si Manny isa siyang perpektong likha ng bathala.

Namimiss na rin ni Errol makasama ang makulit at masayahing si Manny na sa ngayon ay kasama ang kasintahan nitong Swiss na nagbabakasyon sa Phuket. Minsan naiisip niya na sana nagkapalit na lang sila ni Manny. Iyon walang iniisip na problema at magaan ang buhay. Samantalang siya ay binabagabag ng napakaraming personal na isyu.

Dinig ni Errol ang mahinang musikang tumutugtog mula sa naiwang telepono ni Ivan na nasa mesa sa tabi ng kanyang higaang ang kumot ay medyo hindi yata naayos ng lalaki matapos gumising kaninang umaga. Napangiti siya habang ginagala ang tingin sa loob ng malawak na silid na ang mga dingding ay kulay gray. Sa kaliwang dingding ay nandoon ang isang flat screen TV na napapagitnaan ng dalawang malalaking speakers. Sa gilid niyon ay mga DVDs. Mahilig talaga siya sa mga pelikula. Naalala niya noong nanonood sila ng mga pelikula sa bahay nila sa Sampaloc.

Tumayo si Errol at hinawi ang dark gray na kurtinang tumakip sa glass door patungo sa beranda. Tahimik ang pook na iyon. Binitiwan niya ang mga kurtina at humarap muli sa silid, sa higaang natatakpan ng navy blue na comforter na wala sa ayos. Sa malayong dingding ay nandoon ang isang estante ng mga picture frames. Lumapit siya sa mga iyon. Napangiti si Errol habang hawak ang larawan ng isang binatang nakangiti.

"Si Jed."

Napaigtad si Errol nang marinig ang boses ni Ivan. Binawi niya ang sulyap nang makita ang basang katawan ng binatang natatakpan ng twalya mula sa baywang pababa.

"Pogi, di ba, tulad ko?"

Tumango si Errol at binalik ang larawan sa estante.

"Pero pogi din ang hanap." Tumawa nang payak si Ivan.

"Sorry, na-curious kasi ako kaya tiningnan ko."

"Okay lang. Gusto mo maligo?"

"Wala akong extrang damit eh."

"Eh di matulog ka na naked."

Umismid si Errol.

"Pahihiramin kita ng mga damit ni Jed."

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon