CHAPTER 55

1.9K 103 8
                                    


"Nagbabala ang PAG-ASA na maaaring tumuloy pa ang paglamig sa Metro Manila," saad ng tagapagbalita sa telebisyon. "Hindi pa rin kasi nawawala ang cold air mass na bumabalot sa malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila na nasa 12 degrees Celsius. Inaalam pa rin ng mga eksperto kung ano ang sanhi ng cold spell na ito."

Sumabay sa ulat sa telebisyon ang malakas na katok sa pinto.

"Samanatala," muling saad ng tagapagbalita, "hindi pa rin maapula ang forest fire sa malaking bahagi ng Davao Oriental. Maraming residente na ang lumikas, at tinatayang mahigit dalawang-daang milyong ari-arian na ang natupok ng apoy."

Maya-maya pa ay umikot ang doorknob at pumasok si Daniella na nakapostura. Ginising nito ang binatang nakatulog sa sahig.

Umungol si Ivan at ginalaw ang mga kamay.

"Wake up!" Muli siyang tinapik ng kanyang ina na nakasimangot.

"Inaantok pa ako..." Halos hindi maintindihan ang sinaad ng binata dahil sa antok.

"You are cold!" bulalas ni Daniella matapos hawakan ang kamay ng anak.

"Because it's cold, ma." Nagkusot siya ng mata.

"It's not just cold, Ivan. May nangyayaring hindi maganda sa bansang ito." Nakapamaywang ang babae.

"Ma'am, gusto niyo magdala ako dito ng mainit na tubig?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Manang Jean.

Umiling si Daniella.

Dahan-dahan namang gumalaw si Ivan. "Ma, inaantok pa ako eh. Ano naman kung may nangyayaring masama?"

"Sa ibang dako naman ay inaalam pa rin ng BFAR kung ano ang dahilan ng massive fish kill sa Manila Bay," saad ng tagapagbalita sa telebisyon. "Ayon sa mga eksperto ang mainit na tubig ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda, ngunit hindi pa matukoy ano ang sanhi ng pag-init ng dagat lalo pa't nasa ibabaw pa rin ng malaking bahagi ng Luzon ang cold air mass."

Tuluyan na ngang nagising si Ivan dahil sa narinig. Nagkukusot siya ng mga mata habang iniintindi ang mga narinig mula sa telebisyong nakatulugan niya'ng bukas. Dahil sa mga naging kakatwang karanasan noon ay may hinala siyang may kababalaghang nangyayari. Hindi niya mawari kung dapat niya ikagalak o ikapanlumo ang mga balita.

Sa loob ng maraming buwan ay halos lumpuhin na ng magkabilang mga sakuna ang Pilipinas. Ngunit naisip niyang baka bumalik si Errol. Baka siya ang makalulutas sa mga nangyayari.

Unti-unti niyang naramdaman ang lamig na nagpanginig sa kanya, at nang iangat niya ang tingin kina Daniella at Manang Jean ay napansin niyang nakasuot ang mga ito ng mga jackets.

Nakasimangot ang kanyang ina. "What are you doing to yourself?"

"Ma, not again." Hinila ni Ivan ang kumot at tinakip ito sa buong katawan.

"Ma'am," saad ni Jean, "maiwan ko po muna kayo." Marahan nitong sinarhan ang pinto.

Tumango si Daniella dito at muling binaling ang tingin sa anak nito. "I did not approve of your gay affair just to see you like this."

"Ma, masakit ang ulo ko."

Kinuha ni Daniella ang natumbang bote sa sahig. "Paanong hindi sasakit ang ulo mo? Wala ka ng ginawa kundi uminom at maglasing."

"I can handle myself, ma," saad niya habang umuupo sa gilid ng kama. "Hindi mo na ako kelangan sermonan."

"Magbihis ka at mag-empake."

Napalingon siya sa gulat. "Bakit?"

"Aalis tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"To the U.S. I've arranged our flights."

Nagliwanag ang mukha ng binata. "Bakit?"

"Anong bakit?" Napataas ang tono ni Daniella. "Hindi mo ba napapansin?" Lumapit ito sa bintana at hinawi ang kurtina. Tumanaw ang ginang sa labas ng beranda kung saan tanaw ang hamog na bumabalot sa makulimlim na paligid.

"Tumbukin mo na, ma. Dami mo pang sinasabi eh." Nagkamot sa ulo ang binata habang tinutungo ang kanyang closet at doo'y kumuha ng mga damit. Lumabas siya na nakasuot na ng jacket, pantalon, at sombrero.

"Something strange is happening in this God forsaken place."

"I know." Kinuha ni Ivan ang maleta at tinambak ang kanyang mga damit dito. Hindi niya nais makipagtalo. Ang totoo ay nagagalak siyang muli silang babalik sa Estados Unidos.

"Nagkakagulo na sa bansang ito dahil sa mga nagaganap." Lumingon si Daniella kay Ivan. "I don't want to be here when things get worse."

"Pa'no sina Manang at Lindy?" Sinarado ni Ivan ang maleta.

"Lindy went home sa probinsya nila two days ago. Hindi mo na yata alam ang nangyayari dito."

Napaisip si Ivan. Oo nga. Marami na siyang mga bagay na nakakaligtaan.

"I also told Jean she can go home if she wants to. Pero sabi niya ay dito lang daw siya." Lumapit si Daniella sa anak. "Don't worry, son. She'll be all right."

Unti-unting nabahala ang binata. "Bakit hindi na lang natin isama si Manang Jean?"

"She has problems with her documents."

"Pero magagawan naman yan ng paraan, di ba?"

"We have no time."

"We can't leave her here."

Bumukas ang pinto. "Sorry po, ma'am, ser. Nasa baba na po ang sasakyan."

Niyakap ni Ivan ang may edad na babae.

"I'll wait outside." Lumabas ang kanyang ina sa kwarto, tila hinayaan silang dalawa ng tinuturing na niyang pangalawang ina na magkausap.

"Manang, mag-iingat kayo dito ha." Umiiyak ang binata habang mahigpit na nakayakap kay Manang Jean na ngumiti lamang habang tinatapik ang kanyang likod.

"Okay lang ako dito. Huwag ka mag-alala, iho."

"Pa'no yan mag-isa lang kayo dito. Wala si Lindy."

"Huwag mo na ako alalahanin. Itong batang ito, oo." Hinimas ng ale ang batok ng binata.

"Babalik ako dito. Babalik ako."

Tumango si Jean na naluluha rin. "Dapat pag balik mo kasama mo na siya."

Kumalas si Ivan at nakipagtitigan sa tinuturing na kapamilya. Bakas sa mukha ng binata ang pagtataka.

"Hindi mo na kailangan magkaila sa akin. Matagal ko ng alam." Pinasok ng ale ang kamay sa bulsa at pinakita ang laman kay Ivan.

Kumunot ang noo ng binata sa nakita. "Pa'no napunta sa inyo yan?"

Hinawakan ni Manang Jean ang kamay ni Ivan at nilagay dito ang kwintas. "Nakita ko yan sa sahig ng kwarto mo noon matapos siyang umalis."

"Yun yung araw na..." Sumagi sa isipan niya ang halikan nila noon ni Felicia habang dinadama ang lamig ng kwintas sa palad niya na tinitigan niya. "Iniwan niya pala ito."

"Malungkot siyang lumabas noon dito. Kaya tinanong ko siya kung okay lang siya. Sabi niya okay lang daw siya."

Tumulo ang kanyang luha. "Masakit ang nagawa ko sa kanya nung araw na yun."

Hinimas ni Jean ang pisngi ng binata. "Lahat tayo nagkakamali. Hindi na natin mababalikan iyon. Pero ang sabi nga nila pwede mong itama ang isang maling desisyon sa pamamagitan ng paggawa ng tamang desisyon."

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon