CHAPTER 48 Cont.

1.7K 101 1
                                    


"Where's the girl?" tanong ni David.

"Apparently, you fell for the trick. Ms. Agnes Cortez has been with us for a while." Lumapit ang babae na nakangisi. "Our scientists have been trying to replicate her powers, but that seems harder than we initially thought. So we just brought her with us. Quite convenient, is she not?" Ngumiti ang babae sa kasama.

"What do you want with me?"

Ngumiti si Andrea kay Errol. "The CIA has been -- let's just say -- obsessed with you. We believe your powers have practical applications in espionage and battle, unlike those of the others." Sandali nitong binaling ang tingin sa mga kasama ni Errol. "Don't you understand? You're different. You're the only thing here who still can use energy despite Ms. Cortez's presence."

"Don't listen to her." Boses iyon ni Dane.

"Mr. Santiago, you're better off with us. We can double your pay, give you anything you want. You can go back to your country every once in a while. Don't you miss your family?" Tinuro nito sina Dane. "These people are keeping you prisoner. They are the real bad guys, not us." Muling ngumiti si Andrea.

Lumingon si Errol kay Dane.

"No!" bulalas ng huli.

Kumindat si Errol sa kanya, kindat na nagpakunot sa noo ni David, ngunit nagpangiti kay Dane na marahang tumango. Walang anu-ano ay binaling ni Errol ang tingin kay Andrea at mabilis itong tinulak.

Agad na hinila ng tatlong kasama ang mga baril na kanina'y nakatutok sa kanila sabay sipa sa mga armadong katabi. Naglipana ang mga bala, kasabay ng pagbulagta ng mga CIA agents. Nakipaglaban ang tatlong ISA agents sa natitirang CIA agents. Sipa dito. Suntok doon. Hindi nila magamit ang mga kapangyarihan. Nakadepende lamang sila sa kanilang hand-to-hand combat skills.

Si Errol naman ay nasiko ni Andrea at napako ito sa sahig.

"How disappointing." Ngumisi si Andrea Moss. "So you're choosing these scums over us. Terrible mist--"

Pinulupot ni Errol ang libreng binti sa binti ni Director Moss sabay tulak sa sarili mula sa sahig. Pagkatapos ay umikot. Ang babae na ang nasa sahig. Inipit ni Errol ang leeg nito gamit ang kanyang bisig. "You think I need you and your agency?" Ngumisi ang binata na nakatitig nang malapitan sa katunggali. "I don't need anyone." Umitim ang mga mata ni Errol. "This is all part of a larger scheme of things," bulong niya dito, "that none of you understands ... for now."

Hindi naitama ni Errol ang suntok sa mukha ng tusong babae nang kuryentehin siya ng stun gun nito sa tagiliran. Dahil hindi niya ito napaghandaan ay sandaling pinaralisa ng kuryente ang mga kalamnan niya. Ngitngit ang namayani sa nilalang na nasa katauhan ni Errol, ngunit pinigilan nito ang sariling gamitin ang kapangyarihan. Batid nitong hindi pa oras upang ipaalam sa lahat ang anyo at bagsik ng kadiliman.

Agad tumayo si Andrea at nilisan ang lugar kasama ang babae. Nagsipagtakbuhan na rin ang mga CIA agents, ang iba ay paika-ikang naglakad.

"Rod has some explaining to do," saad ni Dane na may pasa sa isang pisngi.

"Errol's down!" sigaw ni Kyle. "I'll take him."

"Let's get out of here!" bulalas ni David.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon