CHAPTER 71

1.7K 114 15
                                    


Animo'y hiniwa ng matalas na kutsilyo ang kanyang bungo. Ganoon ang pakiramdam ni Dane matapos niyang tangkaing ikawing ang kanyang diwa sa diwa ni Errol. Napadaing siya sa labis na kirot ng kanyang ulo. Kinailangan niyang itigil ang tangkang pagtawid sa kamalayan ng taong pinaghihinalaan nilang nasa ilalim ng kapangyarihan ng dilim.

"What do you mean he's attacking Ivan?" Bakas ang pagkabalisa sa mukha ni Diana.

Dahan-dahang nawala ang kirot sa kanyang ulo habang kinakalma ang sarili. "He's terrorizing him." Mahigpit ang hawak niya sa mga bisig ni Diana.

"All right, let's get this over with!" bulalas ni David na agad tinungo ang pinto at binuksan ito. Sumunod silang dalawa ni Diana. Marahas na kinatok ni David ang pinto sa silid na inupahan nina Errol, ngunit walang tumugon. Kaya siguro ay -- "Get back!" sigaw niya bago igiya ang mga kamay na tila may tinutulak sa harap ng pinto.

Mabilis na natanggal ang doorknob at natuklap ang mga bisagra. Humampas ang pinto sa dingding. Sa loob ay nakita ni Dane ang pigura ni Errol na nakatalikod sa kanila at nakaharap kay Ivan na nasa sahig. Halata ang matinding takot sa mukha ni Ivan at sa kung paano siya umatras mula sa nakakahilakbot na nilalang. Animo'y sumingaw ang itim na enerhiya sa katawan ni Errol na parang usok.

"Holy shit!" sigaw ni David na halata ang pagkagulantang. "What the fuck is this, Errol?"

"I can't pierce his mind," saad ni Dane.

Lumingon si Errol sa kanya. "Your mental abilities may be the most powerful I've felt," saad ng sugo ng dilim kay Dane, "but they don't stand a chance against me."

"He doesn't sound like Errol anymore," bulalas ni David.

"Because it's not him," saad ni Diana.

"Errol!"

"Ivan, h'wag kang lumapit sa kanya!"

"Pero si Errol..."

"Hindi si Errol yan!"

Kumalat ang itim na enerhiya sa silid. Ngumisi si Errol. Nagsigawan ang mga tao sa loob ng apartelle habang kinakain ng dilim ang paligid nila. Mabilis na lumaki ang mga butas sa dingding, kisame, at sahig habang nilulusaw ang mga ito ng dilim. Tanaw na nila ang magkabilang kwarto katabi nila.

"Go!" sigaw ni Dane sa mga taong nagpapanic. "You saw nothing. Run!"

Kumaripas nga nang takbo ang mga tao habang unti-unting nasisira ang apartelle. Umuga ang inaapakan nilang sahig na unti-unting kinakain ng dilim.

"Hold on!" sigaw ni David. Inangat niya ang mga kamay kasabay ng paglutang nilang apat habang si Errol ay nagpapakawala ng itim na enerhiya. Gumuho ang natirang mga parte ng apartelle habang kumakalat ang malausok na kaitiman. Dahan-dahang lumapag sa ibabaw ng mga debris ang apat.

"You will all die in the void." Ngumisi ang binatang umitim ang mga ugat sa mukha at bisig.

"Fuckin' no way!" Matapos sumigaw ni David ay bumagsak si Errol sa mga debris. Nagpumiglas ito, pilit gumagalaw. "Dane, mind-blast him now! I'm trying to pin him down, and I don't think I can try for too long." Lumalabas ang ugat sa mga kamay ni David habang pumupwersa. Litaw ang mga litid sa kanyang leeg.

"I can't!" bulalas ni Dane. "He's too strong."

"Maybe I can drain some of his energy," saad ni Diana na lumapit sa binatang nagpupumiglas. "This won't hurt." Nilapat niya ang kamay sa noo nito. "Dane, now!"

Matapos ang ilang segundong pagpikit ng telepath ay nagpumiglas si Errol, ngunit kalauna'y nawalan na din ng malay.

"He's down!" bulalas ni Diana.

"Magigising pa ba siya?" tanong ni Ivan na yumukod sa tabi ng binata.

"It's not going to last long," sagot ni Dane. "I only turned off that part of his mind that keeps him awake. Whatever's inside him, it's still alive. It's blocking my attempts to read his mind."

"Papatayin niya tayong lahat pag nagising siya," saad ni Ivan. "Diana, ano'ng gagawin natin? Si Errol, pa'no natin siya mababawi?"

"Si ate!" bulalas ni Diana.

---------------

antabayanan ang daily updates. tatapusin na natin ito next week. kapit, mga kapanalig! 

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon