CHAPTER 35

2K 116 24
                                    

Pwede ninyong balikan ang previous chapters to make sense of the timeline. 

-----------------

Kakagaling lang ni Ivan sa San Francisco Bay Area, at ngayon ay nasa isang lansangan na ito ng Glendale. Isang linggo na siyang nasa Estados Unidos, ngunit wala ni isang palatandaang makikita niya si Errol. Hindi na niya nabilang kung ilang presinto na ang kanyang napuntahan. Paubos na rin ang dala niyang flyers na may mukha ni Errol at numero niya.

Nagring ang kanyang telepono. "Ma, I'm still here malapit sa Glassell Park."

"Where exactly?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Dito malapit sa Lutong Bahay," sagot ni Ivan na palingun-lingon sa paligid.

"Okay, I'll meet you there."

"Baka paalis na rin ako."

"No, wait for me. I'll be there in 15 minutes."

Matapos ang ilang minuto ay pumarada ang isang kotse sa gilid niya. Pumasok siya dito.

"How are you?" nakangiting tanong ni Daniella sa anak.

"I'm okay, ma." Nasa kalsada ang tingin ni Ivan na hindi mapakali.

Inayos-ayos ni Daniella ang manipis na t-shirt ng anak. "Isn't it chilly outside?"

"Komportable nga eh. Kahit nakabilad ako sa araw, hindi mainit."

"Ivan, hindi naman sa pinakikialaman kita, pero aren't you looking for a needle in a haystack?"

Napalingon si Ivan sa tanong ng ina. Alam niyang may punto ito. "I won't stop looking for him." Umiba ulit siya ng tingin.

"How can you be so sure na andito siya sa Estados Unidos?"

"May mga kano na pumunta sa bahay nila."

"But isn't that like last year?"

Bumuntong-hininga si Ivan sabay bagsak sa mga palad sa kanyang hita. "I have to do something."

"But you could be wasting your efforts." Kinuha ni Daniella ang isa sa mga flyers.

"I don't care, ma. I just want to find him." Tumingin muli ang binata sa labas ng kotse. Alam naman niyang malabong biglang bumulaga si Errol sa pook. "I want to know that he's okay."

Nakatingin naman si Daniella sa larawan ni Errol sa flyer. "You really love this guy."

"He's not just a guy."

Matagal tiningnan ni Daniella ang larawan bago nagsalitang muli. "It's been over a year, and you still have no clue where he is."

"I know, ma. Pero di pa rin ako titigil."

"Ivan, don't be too hard on yourself."

"Ma, alam ko concerned ka sa akin. Pero kelangan ko gawin 'to."

"What for? For all we know, ayaw na niya magpakita sa'yo."

"Lahat kayo ganyan ang sinasabi ninyo."

"Because we care about you," malumanay na saad ni Daniella.

"Thanks, ma, but right now I just really want to find him."

"Pero ano ba ang magagawa mo if the person you're looking for doesn't want to be found?"

Matagal sumagot si Ivan. Paano nga ba kung ayaw na talaga magpakita ni Errol? Paano niya masisigurong nasa maayos itong lagay? "Sana man lang makita ko siya kahit na isang beses lang. Masiguro ko lang na okay siya ayos na ako dun." Labis pa rin ang pag-aalala niya.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon