Chapter 01. Ang Simula

11K 352 12
                                    

Sa may isang liblib na lugar sa bayan ng malolos ako isinilang
sa isang bahay malayo sa kabayanan.

Tanging ang lolo ko na lamang ang aking kasama sa bahay
matapos mawala ang aking mga magulang sa kakahuyan
Sinabi ng aking lolo na kinuha daw sila ng engkanto.

Kaya madalas nya kong pinagbabawalan pumunta sa kakahuyan.

Si lolo Ciano
Mas kilala sya ng marami sa tawag na Tata Ciano

Sya ay sikat na mangagamot sa aming lugar o mas kilala sa tawag na albularyo

Sa edad na 80 ay masasabi pang malakas pa sa kalabaw ang aking lolo pero pag sa mukha mo ito titignan ay halos ang buong mukha ay puno na ng kulubot...

Masasabi kong halos araw araw ay may pumupunta sa aming bahay upang ipatawag sya kaya madalas ako lamang ang naiiwan sa aming tahanan.

Sa tuwing wala ang aking lolo upang mangamot ay lihim kong pinakiki-elaman ang kanyang mga lumang libro na may kaugnayan sa pangagamot, mga engkanto at mga panlaban dito...

Ewan ko pero kakaibang saya ang nararamdaman ko sa tuwing binabasa ko ang mga libro nayon lalo na ang libro ng mga orasyon.

Sa edad na 18 ay masasabi ko na kabisado ko na ang mga lumang kaalaman at sikretong pamamaraan sa pangagamot kaya sa tuwing aalis ang aking lolo ay sinasama nya na ako.

Natatandaan ko pa nung unang beses nya ko sinama isang bata ang tinubuan ng mga bukol sa kanyang katawan.

Makikita mo sa katawan nito ang mga naglalakihang bukol na kumakatas sa kanyang murang katawan

Palagay ko na duwende ang anak nyo' may malapit ba na punso dito sa inyong bahay??
tanong ng aking lolo sa ina ng bata

Meron po pero nasira po ng bata ng minsan naglaro sya dito

Nagalit ang duwende sa kanya dahil sinira nya ang bahay nila pwede mo ba ko samahan sa punso sabi ng aking lolo

Agad kaming nagtungo sa sinabing punso makikita mo sa punso na halos kalahati nito ay sira na malamang binato o sinipa ito ng bata...

Sa punso ay nag alay ang aking lolo ng isang manok hiniwa nya ang leeg nito at pinatulo sa tapat ng punso
may dala rin itong tatlong itlog yun ang mag sisilbing handog sa paghingi ng tawad.

Kinakausap ng aking lolo ang duwende sa punso na yon pero ako ay walang nakikita pero sya ay animong nakikipagkumustahan sa di nakikitang nilalang...

Pinatawad na ng duwende ang inyong anak sana daw ay wag na silang gagambalahin di naman sila mananakit kung hindi sila sasaktan.

Sa may higaan kung saan naroon ang bata ay natanaw ko sya ang mga bukol na kanina na animoy walang pag asa para gumaling ay nawala nalang na parang bula..

Wag mo nang hayaan pag laruan pa ng anak mo ang punso sa inyong bakuran mag iingat kayo palagi
paalala ng aking lolo bago kami umalis

Di tumatangap ang aking lolo ng salapi pero kung bibigyan sya ng gulay o bigas ay kaniya naman tinatangap.

Ang pakiramdam na makatulong sa iba ang pinakamasaya parin gawin yan ang natutunan ko sa kanya na gusto kong tularan...

Isang ordinaryong araw ng sabado papasikat palang ng umaga ay maririnig mo na ang pagtawag sa may aming pintuan
malalakas at mabilis ang mga katok na yun na parang may humahabol dito.

Nakita kong bumaba ang akong lolo at pinagbuksan sila ng pinto
mga apat na kalalakihan na may edad na 30 pataas..
batid mo sa mukha nito ang pag aalala at pangangamba

Ano ba ang problema at napasyal kayo sa amin ng ganito kaaga??
tanong na may pagtataka ni lolo ciano

Ako po si ka berto at ang kapitan ng barrio aldama
sabi nila may isang albularyo na may ngalan na tata ciano ang makakatulong sa amin.

Isang kapre ang nangugulo at naghahatid ng takot sa aming barrio sinisira nito ang aming mga bahay
Kaya halos karamihan sa aming mga kababayan ay lumikas na sana ay matulungan nyo kami
pagsasalaysay ni ka berto sa mga pangyayari

Kapre daw haha.
Nakaka-amoy ako ng pakikipagsapalaran...

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now