Epilogue

2.8K 88 17
                                    

Last :) kitakits sa Just Another Boy & What is Love.
----------------------

Louise's POV

“Ano?” excited na sinalubong ako ni Jigger sa labas nang cr. Bagsak ang balikat ko nang maupo ako sa kama. Ginulo nya ang buhok nya, “Negative nanaman?” galit na tanong nya.

Sinamaan ko sya nang tingin. “Bakit? Ginusto ko ba to?”

“Putang ina naman, o. Sinisigurado ko naman, a?” narinig kong bulong nya.

“Bakit ba kasi atat ka?” kumunot ang noo ko. Binato ko sakanya yung isa pang PT. Tatlo kasi binili nya para daw sure, e katatapos ko lang last week!

Hindi nya ako sinagot. “Tatlo na kila Irene, ako, isa palang?”

Hindi ko alam kung gusto nya ba talagang magkaanak uli o gusto nya lang lamangan si Trigger.

“Atleast nga, meron! Kesa sa mga taong hindi manlang magkaanak. Jusko naman, Jigger, lahat nalang pinoproblema mo.”

“Anong masama sa pagbabaka sakali? 2 years na tayong kasal, wala parin?” tumayo ako at tinalikuran sya. Baka mapatay ko sya ngayon, kawawa naman si Zech.

Pero bago ako makalabas ng kwarto ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang binulong nya, “Nung ayaw ko, nakabuo.”

Binalikan ko sya para sampalin. “Sinasabi mo bang ayaw mo kay Zech?!”

At si gago, hindi nagpatinag! “To be honest? Bata pa kasi tayo nun!”

“Bata ka parin ngayon. Isip-bata! Nakakasawa ka naㅡ”

“Edi iwan mo ako!” sigaw nya. Hindi agad ako makahanap nang isasagot sakanya.

“Sawa ka na?” diretsyong tanong ko.

Nagiwas sya ng tingin. “Anong ako? Ikaw nga tong may sabi na ayaw mo na.”

“Wag mo akong gawing tanga, Jigger. Pinaganda mo lang, e. Sawa ka na. Humanap ka lang ng dahilan!” iniwan ko sya at hinayaan nya lang ako! Aba.

Pumunta ako sa bahay nila Mikay. Alam kong hahanapin nya ako sa isa sa mga tropa namin.

“Edi iwan mo na nga! Gago pala sya, e.”

“May anak kami, Mikay. 2 years na ding kasal, hello?” sarcastic na sabi ko.

“Hinamon ka na, e. Edi tanggapin mo! Alam mo kung ako yan, nako, bye philippines!” habang ngumunguya pa sya ng tinapay.

“Wala ka talagang kwenta, eno? Hoy! Pumunta ako dito para manghingi ng advice, hindi para i-B.I mo!” umirap pa ako.

“Advice naman yun, a?” inosente nyang tanong.

“Ewan ko sayo! Si Hunter ang katapat mo!” kinuha ko ang bag ko. Uuwi na ako, sayang yung ginastos namin nung kasal tsaka yung ipon namin para sa bahay.

*

Pagdating ko sa bahay, hindi nagsasalita si Jigger. Maguusap lang kami pag nandyan si Zech para hindi kami mahalata.

Nabubwisit padin talaga ako sa kanya! Ang pagaasawa ay hindi biro. Bakit nga ba hindi ako nakinig sa kasabihan na yun?

Pagkahiga ko sa kama ay tinalikuran ko agad sya. Ayokong kahit isang balahibo lang sya, madikit sa akin!

Hindi pa ako nakakatulog nang maramdaman ko ang yakap nya. Siniko ko naman sya kaya napaubo sya.

“Aray! Sorry na nga, e.” sabi nya habang iniinda padin ang sakit sa tyan nya. Buti nga!

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon