Chapter 9 (Revised)

2.1K 76 8
                                    

Sa gabing iyon ay hindi ako nakatulog. Paano ako makakatulog kung lumilipad ang utak 'ko sa future! Magiging ex 'ko si Jigs?

Like ew! I can't even imagine! Magpepretend kaming inlove? Gross!

Why so arte, Louise? After all, makakapag shopping ka na! Di mo na kailangang hintayin ang go signal ni Daddy para ibalik ang allowance mo!

Nagpagulong-gulong ako sa kama bago bumangon. Sabog ako at wala akong pakielam.

Bumaba ako at naabutan 'ko silang nasa kusina at nagaasaran. "Muntik ko ng suntukin! Akala ko talaga si Cupid 'yun..." Tumabi ako kay Irene na tawa ng tawa at kumuha ng fries na kinakain nya.

Well, malapit lang bahay namin sa Mcdo kaya for sure bumili sila doon.

"What happened?" Tanong 'ko. Lumingon naman sa akin si Irene na naka ngisi.

"Pumunta silang McDo kanina, may lalaking naka talikod tapos akala ni Chad, si Cupid kaya susuntukin nya sana." Sagot nya.

Binato ko naman ng fries si Chad.

"Sorry na agad!" Sagot nya sa akin ng naka simagot.

"Seriously? Hindi mo ba nakita yung damit ko? Tsaka ang layo! Mas pogi ako dun..."

"Just... fuck you, Cupid!" Sagot naman ni Chad.

Napalingon naman ako nang tumabi sa akin si Jigs, "Samahan mo ako mamaya." I raised my eyebrow to him but then, narealize 'kong may kasunduan nga pala kami.

"Where?" Tanong 'ko. Napatingin ako kay Kuya na kararating lang sa kusina, nakatitig agad sya sa amin ni Jigs. Tumaas ang kilay 'ko sa kanya at umirap.

"I can't tell you, baka umayaw ka. Kaya saka mo na malalaman pag andun na tayo." Nakangisi nyang sabi saka kinagat ang kanyang labi. Ew!

"Baka naman rape-in mo ako, malamang ay aayaw ako!" Irap na sabi 'ko sakanya.

"Feeler. You're not even my type," tinignan nya ako mula paa hanggang mukha tapos umiling.

"You're not my style, too!" Sabi 'ko. Kahit ano sa katawa nya ay hindi 'ko tipo, mula sa mata nyang nakakaaddict 'daw' sa malaki nyang ilong, sa mapupula nyang labi, sa maganda nyang boses, sa galing nyang sumayaw, ni-isa doon ay hindi 'ko tipo. Lalo na iyong ilong nyang malaki, kasyang kasya ang kahit na sino.

"Louise!" Sigaw ni Kuya sa labas ng aking kwarto.

Kanina pa yan kasi nasa baba na si Jigger.

"Wait lang! He can wait naman siguro!" Sigaw 'ko pabalik. Wala kasi akong maisuot kaya nagkalat ang aking mga damit sa kama 'ko, lagot nanaman ako kay Kuya.

"Ge, take your time!" Sigaw ni Jigger. Halatang naasar na ang kanyang boses.

Sabi nya kasi sasamahan 'ko sya kanyang group project with his blockmates.

Iniayos 'ko na ang gamit 'ko nang makahanap ako nang maayos-ayos na maisusuot. Lumabas ako at naabutan 'ko si Kuya na nakikipag kwentuhan kay Jigs.

Napalingon at napatitig sa akin si Jigs habang kinukwentuhan sya ni Kuya. Tumayo sya kaya lumingon si Kuya kung saan sya nakatingin.

"9PM, Jigger." Seryosong sabi ni Kuya at tumango naman si Jigs.

"Saan ka matutulog?" Tanong 'ko kay Kuya. You know, baka sa condo sya matulog. Wala pa kasi sila Mommy.

"Here. I'm staying here habang wala sila Mommy." Aniya. Nagiging bata ako kay Kuya kaya naiinis ako kapag nandyan sya.

"Bro! Ayos ah? Girlfriend mo?" Tanong ng kaibigan nya nang makarating kami sa bahay nung pagkakagawan nila ng project.

Tumawa si Jigs at umakbay sa akin, "Malapit 'ko na syang sagutin." Ngiting ngiting sabi nya kaya sinikmuran 'ko sya!

"Aww, ang sweet." Sabi ng isang kaibigan nya.

Pabirong sinuntok naman ni Jigger ang mga ito, "Louise," pakilala nya, nag-hi naman ako at ngumiti, "Jeremy, Michael, at Liam." Isa isa nya itong itinuro sa akin. Kinamayan naman nila ako.

Ang dapat nilang project ay naging inuman kaya kanina 'ko pa sinisiko si Jigger sa inis, "Humanda ka sa akin mamaya..." bulong 'ko sa kanya.

Tumawa naman sya at inakbayan ako, "Dude, pinapatigil na ako. Kayo nalang, kaya nyo na iyan, ihahatid 'ko pa, e!" sabi nya.

"You don't do that to us!" Sigaw ni Michael. Natawa naman ako habang umiiling.

Unang tingin ay ang tino nila, ngayon naman ay mukhang nagdadalawang isip na ako kung normal ba ang mga ito.

"Patext nga si Irene." Sabi 'ko kay Jigger, bumaling sya sa akin at nagulat.

"Ano? Patay na si Irene?" Sigaw nya at hinawakan nya ang kanyang tainga.

"Bwisit ka!" Sigaw 'ko at kinuha yung phone nya para tawagan si Irene. Hinayaan nya nalang din ako.

"Hello?" Sagot ni Irene.

"Bebe, busy ka?" Tanong 'ko. Narinig 'ko namang nagmumura si Trigger.

"Hindi namanㅡoo! Busy kamiㅡbwisit Trigger ah!" Napairap naman ako at pinatay ang tawag 'ko, si Chad na nga lang.

"Ano? Walang yelo!" Bungad nya.

"Sunduin mo kami, lasing si Jigger," Sabi 'ko.

"Sinong lasing? Walang lasing dito, tipsy lang." Napairap naman ako sa sinabi ni Jigger, tumatawa pa sila.

"Text mo sa akin kung saan, and wait for me." Sabi nya. Pagtapos nang tawag ay itinext 'ko agad kay Chad ang address neto.

"Sino yan? Chad? Type mo?" Tanong niya sa akim habang nakadungaw sa phone nya.

"Uminom ka na dyan habang wala pa sundo natin." Umiirap na sabi 'ko.

"Ha? I'm not drunk, really. Bakit nagpasundo ka, nagpapagoodshot nga ako kay Thunder, e..." inis na sabi nya at hinila nya ako palabas nang bahay kahit na sumisigaw pa sila Jem.

"Text Chad, sabihin mo na hindi 'ko kailangan ang pagsundo nya kasi kaya kitang ihatid on my own." Inis na sabi nya. Wala naman akong nagawa at nagsorry nalang kay Chad. Seriously, Jigger?!

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon